Inday Trending

Dahil Nakulitan sa Anak ay Pinalo ng Babae ang Bata, Nalungkot na Lang Siya Nang Marinig ang Nakakaiyak na Nilalaro Nito

Isa lamang ang anak ni Issa, ang mister nya ay nagtatrabaho sa isa sa mga sangay ng gobyerno habang sya naman ay sa isang pribadong kumpanya sa Valenzuela. Mabuti na lamang, napapakiusapan nila ang kanyang ina na magbantay muna sa tatlong taong gulang na bata, wiling wili naman ang matanda dahil matalino, magalang at bibo ang apo nito, si Kiana.

“Mommy, tinuruan po ako ni lola ng colors kanina.” proud na sabi ng bata, kagagaling lang ni Issa mula sa trabaho.

“Okay, good girl.” sabi niya lang, ni hindi man lang sinulyapan ang bata.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Look Mommy this is red,” sabi nito at itinuro ang suot na relo. Sabik na sabik sa atensyon ng ina.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Kiana I already said okay, okay? You’re a good girl, now go watch TV.” utos niya rito, nagsisimula nang mainis sa bata.

Nakatungo namang sumunod na lang ang bata, hindi ito ang unang pagkakataon na bigo itong makuha ang kahit sana kaunting atensyon ng ina.

Habang papalapit ito sa telebisyon ay aksidenteng natabig nito ang remote control habang bubuksan iyon, dahilan upang mabuksan ito at magkalat sa sahig ang mga batteries.

Agad namang umakyat sa ulo ang dugo ni Issa dahil sa galit.

“What the f*ck?” sabi niya agad, handang nang bumulyaw at nakataas na ang kilay.

“S-sorry mommy..” mahinang sabi ng bata, hindi naman talaga nito sinasadya iyon.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ayaw kasing titignan ang kinikilusan eh! Laki laki mo na careless ka pa! Give me your hand!” bulyaw niya rito.

Ayaw man ng bata ay ibinigay rin nito ang kamay sa kanya, napangiwi pa ito nang paluin niya iyon ng tatlong beses, pawang malalakas ang mga palong iyon.

“Pumasok ka sa kwarto mo, now!” sigaw niya rito.

Makalipas ang ilang sandali ay nakapag-isip-isip si Issa, sumobra naman yata ang ginawa niya sa anak, dahil sa simpleng remote control ay napalo niya ito. Hindi tamang dito nya naibuhos ang pagod sa trabaho.

Napagpasyahan niyang puntahan sa kwarto ang bata upang kausapin at humingi ng sorry. Pa-katok na siya nang mapansin niyang bukas pala iyon, narinig niyang nagsasalita ang bata kaya nilagyan niya ng munting siwang ang pinto nang hindi nito nakikita.

Nakita niyang nakatalikod ang anak, hawak nito ang dalawang teddy bear. Isang malaki, isang maliit.

“Mommy, mommy pwede tayo mag-play?” sabi ng bata sa mas pinaliit pang boses, iginalaw nito ang maliit na teddy bear.

“No, can’t you see I’m busy?” sabi ulit nito, pero mas malaki ang boses at tila galit, sabay iginalaw ang malaking teddy bear. Napangiti si Issa, siya ang ginagaya ng anak.

“Don’t you love me mommy? Gusto ko lang naman po’ng makalaro ka. Namimiss kita mommy…” sabi ng malungkot na boses ng bata… iginalaw ang maliit na teddy bear.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Hindi kita namimiss! Hindi kita mahal! I love my phone more!” pasigaw na sabi ng bata, iginalaw ang malaking teddy bear.

“Pero I love you mommy… kahit po nagagalit ka… kahit po hindi mo ako pinapansin…” sabi nito, halata sa boses na pinipigil ang iyak.

Napawi ang ngiti ni Issa, para kasing sumampal sa kanya lahat ng pagkukulang niya sa anak. Mga oras na mas pinipili niyang magcellphone, o magtrabaho kahit nasa bahay na sa kabila ng halos pamamalimos ng anak sa kanya, mabigyan niya lamang ng oras.

Nawala sa isip niya ang dahilan ng lahat kung bakit ba siya nagpapakahirap sa trabaho, ang mabigyan ng maginhawang buhay si Kiana, upang maging masaya ito. Nabibigyan nya nga ito ng buhay na pinangarap niya pero sa ginagawa niya ngayon, di naman masaya ang bata.

Agad pumasok sa kwarto si Issa at mahigpit na niyakap ang anak.Paulit ulit sa paghingi ng tawad.

Nang gabing iyon ay masayang naglaro ang mag-ina, mabuti na lamang at di marunong magtanim ng galit ang bata.

Makalipas ang maraming taon.

“Anak, kumusta, ano’ng resulta ng test?” masayang tanong ni Issa, hindi maitatanggi sa ngiti nitong napakasaya niya.

“Ayan. Ayan na mom. Oh my gosh! Positive mommy!” sabi ng babae, hindi makapaniwalang tinititigan ang pregnancy test stick na hawak-hawak, halos magtatalon na sa tuwa.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

25 years old na si Kiana, ikinasal ito dalawang buwan na ang nakalilipas. Ilang linggo na itong nakakaramdam ng kakaiba sa katawan kaya naman naisip niyang magpregnancy test na, at dahil super close sila ng kanyang ina, napili niyang sa bahay ng mga ito gawin iyon. Kung mayroon man kasing taong unang una niyang gustong pagbahagian ng magandang balita, o iyakan sakaling negative man ang resulta, ang mommy niya iyon.

Alam niya kasi na ang kanyang ina lamang ang makakapagpagaan ng loob niya, bukod sa kanyang mister na nasa trabaho ngayon.

“Congratulations anak, mommy ka na!” sabi ni Issa, nayakap nito si Kiana.

“Yes mom, and I will be like you,” sabi naman ng babae.

Napangiti lalo si Issa, hindi siya nagkamaling sa desisyon noon, dahil kung ano pala siya bilang nanay ay nagsilbi iyong halimbawa para kay Kiana.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Tags: , , , , , , ,