Inday Trending

Nakipag-chat sa Mas Batang Lalaki ang Misis ng Construction Worker; Kapahamakan Pala ang Naghihintay Dito

Malapit nang mag 46 anyos si Pacita pero hindi niya pa rin inaayos ang kanyang buhay. Kung tutuusin ay mayroon na nga siyang apo sa kanyang panganay na anak, pero tila ba tumatanda siyang paurong. Sa edad niya kasi ay nakikipagtextmate pa rin siya kahit pa hindi naman sila hiwalay ng kanyang mister.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Pacing, ano ba ang tanghalian natin?” pagod na sabi ni Isiong, ang kanyang mister. Nagtatrabaho ito sa construction malapit lang sa kanila kaya kaysa bumili ang lalaki ay nilalakad na lamang nito ang pauwi sa kanila para rin masamahan siyang kumain.

“Ay teka, hindi pa ako nakasaing. Mangutang ka na lang ng de lata sa tindahan.” sabi niya at hindi pa rin binibitiwan ang kanyang cellphone. Ang kulit kulit kasi ng textmate niyang si Rufo, taga Mindoro ang lalaki at nais na raw siyang makita. 27 years old pa lamang ito kaya naman kilig na kilig si Pacita, feeling niya ay may asim pa siya dahil nagugustuhan siya ng mas bata.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Nanghihina naman si Isiong na pinilit tumayo, siya nalang ang pupunta sa tindahan dahil kung hihintayin niya pa ang misis ay lumawit na ang dila niya sa gutom. Habang nagsasaing nga ito ay patigil-tigil pa dahil maya’t maya ang silip nito sa cellphone. Pag tinatanong niya naman kung ano ang pinagkakaabalahan nito ay sinasabi lang nito palagi na games raw iyon, wala naman siyang alam sa cellphone kaya pinababayaan niya na lamang.

Bukod doon, may tiwala naman siya sa kanyang misis. Mahal na mahal niya ang babae, di siya naniniwalang sa edad nilang dalawa ay magloloko pa ito.

“Hello? Oo, umalis si Isiong nagpunta sa tindahan, wag ka ngang makulit! Kakainis ka, hihihi” mahinang sabi niya sa cellphone, tumawag kasi sa kanya si Rufo kaya heto siya at parang nagmumurang kamatis. Ganito ang gusto ng lalaki, kung kailan nandyan ang mister niya ay saka ito tatawag.

“Magkita na kasi tayo, sabik na sabik na akong makita ka,” sabi nito.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Hayaan mo at pagbalik nya, magpapaalam ako. May pera naman ako dito eh,” sabi niya na ang tinutukoy ay ang perang pinaghirapan ni Isiong sa pagko-construction.

“Mayroon naman akong poultry, marami akong manok. Iwan mo na yan at samahan mo na ako dito,” sabi nito.

“Oo na, ay teka andito na yata sya, sige, bye,” sabi niya at biglang ibinaba ang tawag nang marinig na umuubo na si Isiong, nagkakasakit na ito kakatrabaho.

“Hindi pa inin eh, sandali lang ha,” sabi niya sa lalaki. Nilambingan niya pa ang boses, syempre, may hihilingin siya eh. Tinabihan niya ito at sumandal sa balikat nito, napalingon naman sa kanya si Isiong.

“Siong, alam mo ba nag-text iyong kumare ko, kasambahay sya sa Mindoro. Eh aalis na raw siya roon gawa nang mag-a-abroad na ang asawa niya, naghahanap raw ng makakapalit. Ako ang inirekomenda niya sa amo niya,” sabi niya rito.

“Sa Mindoro? Ang layo naman yata, paano yan, hindi ka makakauwi?” malungkot na sabi nito.

“Syempre hindi! Baka buwan-buwan kung papayagan ako ng amo ko. Malaki ang bayad, tsaka hinihintay na raw ako. Kahit na anong oras raw ay maari na akong pumunta at magumpisa,” sabi niya.

Bumuntong hininga ang lalaki,wala naman itong magagawa. Hindi nito mahahadlangan ang misis kung nais nitong kumita ng extra dahil kulang ang kanyang kinikita sa construction.

“Sige,” sabi ni Isiong, nayakap naman ito ni Pacita sa sobrang tuwa.

Excited na naglakad si Pacita palapit sa lalaking nakaasul na Tshirt, tiyak niyang ito na si Rufo dahil kumakaway ito sa kanya. Nang makalapit siya rito ay nagyakap sila ng mahigpit at doon din ay naghalikan.

“Lika, iuuwi na kita,” sabi ni Rufo.

Ang laki naman ng ngiti ni Pacita, swerteng-swerte siya dahil bata na ay may sarili pang negosyo ang bago niyang kinakasama. Walang-wala si Isiong sa kalingkingan nito.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Isang sakay lang ng tricycle ay nakarating na sa poultry ang dalawa, nagulat pa siya nang isang mag-asawa ang sumalubong sa kanila.

“Rufo, sabi mo ay saglit ka lang. Hindi mo pa naihuhulog ang mga patuka, oras na ng kain ng mga manok.” sabi ng babae sa kanyang nobyo.

“Ay pasensya na ho madam, sinundo ko lang po itong nanay ko. Nay, amo ko.” sabi ni Rufo.

Gulat na napalingon si Pacita sa lalaki, una sa lahat, nanay ang pakilala nito sa kanya. Pangalawa, tauhan lang pala ito doon! Kinalabit niya ang lalaki pero mas hinigpitan nito ang hawak sa braso niya kaya di siya makapalag hanggang makarating sila sa maliit ba barung-barong kung saan ito nakatira, may maliit na espasyo na sapat lamang sa single na kama para sa nagbabantay ng poultry.

Isinara ni Rufo ang pintuan at isinalya siya sa kama.

“Sinungaling ka-“

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Pag nagsalita ka, papatayin kita.” sabi nito at tinakpan ang bibig niya, sinimulan na nitong hubarin ang kanyang mga damit.

“Diba ito naman ang gusto mo, ha tanda? Kaya nga naghahanap ng bata, diba? Eto ka ngayon!” maruruming salita ang lumalabas sa bibig nito habang minomolestya siya, iyak nang iyak si Pacita pero wala siyang magawa sa takot na patayin siya nito.

Nagtangka siyang pumalag pero sinuntok lamang siya nito nang maraming beses kaya hinang-hina ang katawan niya at pakiramdam niya ay ang dumi dumi niya nang matapos ito. Doon pumasok sa isip niya si Isiong, na kahit anong hirap ng buhay ay di siya nagawang saktan. Na katuwang niya sa pagpapalaki ng kanilang mga anak at hanggang ngayon ay kumakayod para sa kanya, kahit pa matanda na ito at mahina na rin ang katawan.

“Isiong..” nakatulog siyang tinatawag ang pangalan ng mister.

Kinabukasan ay sinuwerte si Pacita, nagtutulug-tulugan siya nang marinig niyang inutusan ng amo si Rufo na bumili sa bayan, akala siguro ng lalaki ay wala siyang lakas ng loob na tumakas at magpakita sa tao dahil punit punit ang damit niya. Pero bahala na, nilunok niya na ang hiya at nagtatakbo siya sa kalsada para humingi nang tulong nang masigurong wala na ito.

Agad naman siyang dinala ng taong bayan sa pulis kung saan tinawagan niya ang anak sa Maynila at humingi ng tulong. Ilang oras pa ang hinintay niya bago siya nakaramdam ng kalabit sa police station, ganoon na lamang ang luwag ng kanyang dibdib nang makita si Isiong.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Isiong! Patawarin mo ako!” nanginginig pa siyang yumakap sa lalaki.

Niyakap rin siya nito at inuwi, sa bahay nila ay ipinagtapat niya rito ang lahat. Inasahan niya nang hihiwalayan siya nito dahil sa panloloko niya pero saglit na lumabas lang ang lalaki at tila nagpalipas ng galit.

Pagbalik nito ay umupo sa harap niya at nagsalita, “Galit na galit ako sayo pero mas lamang ang pagmamahal ko. Sana, magsilbing aral ito sayo at sana ay wag mong sayangin ang pagkakataong ibibigay ko,” naluluhang sabi nito.

Napayakap naman siya sa kanyang mister.

Kinailangan pang malagay sa peligro ang buhay niya bago niya matutunang maging tapat at mabuting asawa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Tags: , , , , , , ,