Inday Trending

Itinaboy ng Babae ang Matandang Nakikiinom ng Tubig, Tumama Kinabukasan sa Lotto ang Kapitbahay na Nagpainom ng Tubig Dito

Nagtatrabaho sa tatakan ng Tshirt ang mister ni Sandra habang siya naman ay nagtitinda ng meryenda. Sago, gulaman, halu-halo at mga tusok-tusok tuwing hapon. Hindi sila mayaman, pero di rin naman sila mahirap. Nandoon sila sa gitna, kailangan pa ring kumayod para kumain.

“Daisy yung project mo baka malimutan mo, naku baka sa anak ng teacher mo lang yan eh! Pinapagawa sa inyo para libre na sya!” kantsaw nya sa anak.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Hindi ho ma, pag aaralan talaga namin ito,” sabi naman ng bata.

Ganoon lagi si Sandra, mahilig syang magduda sa kapwa. Palibhasa ay siya talaga itong mapanlamang kaya takot na takot siyang makahanap ng katapat nya.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang bata sa eskwela. Nagsimula na namang gumawa si Sandra ng sawsawan para sa ibebenta nya mamayang alas tres.

Pagsapit ng hapon, nakapwesto na ang babae sa tapat ng bahay niya, palingon lingon siya kaliwa’t kanan. Parang matumal ang benta ngayong araw, walang pera ang mga tao. Dati kapag ganitong tag init ay ubos agad ang sago’t gulaman nya pero ngayon, dadalawa pa lang ang bumibili.

“Neng, pwede bang makiinom?”


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Napalingon si Sandra at napasinghap nang makita ang isang matandang marusing na nasa tapat ng pwesto nya. May mga dala itong plastic, putik putik ang binti at paa.

“Bawal mamalimos dito! Tinitinda ang mga samalamig ko hindi hinihingi!” masungit na sabi nya.

“Tubig lang ho..” nanghihinang sabi naman ng matanda.

“Wala nga! Lintik ka Lo, baka kaya walang nalapit sa paninda ko ay malas ang dala mo. Umalis kana tatawag ako ng barangay,” pananakot niya pa. At tototohanin niya talaga iyon kapag di ito sumunod, mamaya ay mapuntahan pa ng langaw na sumusunod rito ang mga paninda nya.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Kanina pa nakasilip sa gate nila si Cynthia, ang mabait na kapitbahay ni Sandra at nahabag siya sa itsura ng matanda. Hindi naman ito mukhang gagawa ng masama dahil halata naman sa payat na payat na katawan nito na hindi na ito makakatakbo.

Agad siyang kumuha ng isang basong tubig, sinamahan niya na rin ng dalawang malaking mamon.

Gulat na gulat ang matanda nang lapitan niya ito at iabot iyon.

“Salamat neng..” sabi nito sa kanya. Napansin niya naman na napaismid si Sandra at bumubulong bulong pa habang nagpapaypay.

“Wala ho yan,” sagot niya naman habang nakangiti. Patalikod na sana siya nang iabot nito sa kanya ang isang papel, hindi niya napansin na hawak nito iyon kanina. Nang buklatin niya ang papel ay may anim na numerong nakasulat doon.

Magtatanong pa sana siya nang maglakad na ito palayo.

“Wag mong sabihin sa aking naawa ka sa matandang yun Cynthia?” nakangising sabi ni Sandra.

“Tubig lang naman yan, tsaka sobra naman sa baon ni Mary Joy yung dalawang mamon,” sagot niya na ang tinutukoy ay ang anak na pumapasok sa eskwela.

“Nako, wag kang mabilis maawa Cynthia, wala kang mararating kabibigay mo sa kapwa.”naiiling pa si Sandra. Di na naman kumibo ang babae at pumasok na sa loob ng bahay.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Hay nako, akala ba nito ay uso pa ang gantimpala ngayon sa mabubuting loob? Di niya maintindihan minsan si Cynthia, masyadong mabait! Pasikat na lang yata.

Swerte ng matandang iyon dahil lumabas si Cynthia dahil wala itong mapapala sa kanya kahit lumuhod pa ito sa harapan nya.

Makalipas ang tatlong araw ay nagising si Sandra sa maingay na sigaw ng kanyang kapitbahay. Napalabas tuloy siya, akala nya ay may sunog.

“Napapano ka?!” sigaw niya sa tapat ng gate nito.

“Nanalo ako! Nanalo ako sa lotto! Ayan o tignan mo sa dyaryo, yan ang labas sa bola kagabi!” talon pa ito nang talon. Tinayaan pala nito sa lotto ang mga numerong ibinigay ng matanda.

Totoo nga! 800 milyon pesos ang jackpot at nakuha iyon ni Cynthia, inggit na inggit naman si Sandra. Lintik!

Nang makuha ni Cynthia ang premyo ay agad itong lumipat sa isang magandang subdivision, isa si Sandra sa nakikiusyoso habang naglilipat ito ng mga gamit.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Nang mapalingon siya ay nagulat pa sya nang makita ang matandang pulubi na nakatanaw. Kinawayan niya ito at nginitian, umaasa siyang mabibigyan rin nito ng numero.

Pero umiling iling ito sa kanya at bigla nalang naglaho!

Napakurap kurap si Sandra, hindi siya maaaring magkamali. Sigurado siyang ang matandang iyon ay may kapangyarihan. Kung naging mabuti lang sana siya rito edi siya sana ang milyonarya ngayon.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Tags: , , , , , , ,