Inday Trending

Itinanggi ng Lalaki ang Kanyang Nobyang Losyang Manamit; Isa Palang Mayamang Tagapagmana ang Babaeng Kanyang Tinalikuran

Laging tampulan ng tukso sina Kian at Kiana ng kanilang mga kaklase. Magkatunog na nga ang kanilang mga pangalan, pareho pa silang manamit, nerd na may pagka-baduy. Pero dahil sa panunukso ay naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa hanggang nagkadevelopan sila at naging magkasintahan nung ika-apat na taon na sila sa kolehiyo.

Ang matamis na pag-iibigan ng magkasintahan ay unti-unting nagbago nang magsimulang magtrabaho si Kian sa isang malaking kompanya. Para maging presentable siya at nababagay sa kompanyang kaniyang pinagtatrabahuan ay binago niya ang kaniyang pananamit. Puro branded na ang mga isinusuot niya. Napalitan na rin ng contact lens ang makapal niyang salamin na sinusuot noon.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Bakit hindi ako pwedeng sumama sa birthday party ng officemate mo?” tanong ni Kiana sa kaniyang nobyo.

Dati ay halos hindi mapaghiwalay ang magkasintahan. Kung may lakad si Kiana ay palaging nakabuntot si Kian. Pag ang lalaki naman ang may pupuntahan ay palagi niyang niyaya ang kaniyang nobya na sumama sa kaniya. Pero ngayon ay napapansin ni Kiana na ayaw na siyang isama ni Kian sa mga lakad niya. Ni hindi siya pinakikilala nito sa kaniyang mga katrabaho.

“Ma-a-out of place ka lang doon kaya huwag ka nang sumama. Puro mga lalaki ang kasama ko.”

Nung minsang nag-date ang dalawa ay nakita si Kian ng ilang ka-officemate niya. Nagkataong pupunta sa c.r. si Kiana kaya hindi niya napansing may lumapit sa kaniyang nobyo.

“Yun yung date mo? Ang baduy namang manamit.” biro ng isang katrabaho ni Kian.

“Hindi, pare. Nagtanong lang ng direksyon. Hindi ako sinipot nung ka-blind date ko.” pagtatanggi ng lalaki.

Simula nung nagbago na siya ng pananamit ay ayaw na niyang makita siya ng kaniyang mga katrabaho na kasama ang kaniyang nobya dahil ikinahihiya niya kung paano manamit ang kaniyang nobya. Ayaw na niyang maging tampulan ng mga tukso tulad nung nasa kolehiyo pa siya.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Dahil tinanggi ni Kian na may kasama siya ay niyaya siya ng kaniyang mga katrabaho na sumama na lang sa kanila sa bar. Kailangan niyang panindigan ang kaniyang pagsisinungaling kaya nag-text na lang siya kay Kiana para sabihing sa ibang araw na lang silang mag-date dahil may biglaan siyang kailangan asikasuhin sa opisina.

Ni hindi niya man lang hinintay na lumabas ng c.r. ang kaniyang nobya para personal na magpaalam. Isang oras na naghintay si Kiana sa lugar kung saan niya iniwan ang kaniyang nobyo sa pag-aakalang may binili lang ito sandali. Kung hindi pa nag-ring ang kaniyang cell phone ay hindi niya mababasa ang text ng lalaki na iniwan na siya nitong mag-isa.

Hindi inaasahan ni Kian na may iba pa pala siyang katrabaho na nakakita sa kaniya na kasama ang kaniyang nobya. “Kakaiba pala ang taste mo, pare. Kung alam ko lang na losyang ang type di sana nireto ko na yung yaya ko sa iyo!” sigaw ng katrabaho ni Kian.

Narinig ito ng mga nakasama niyang pumunta ng bar kaya inasar din siya ng mga ito. Kahit todo tanggi siya sa bawat patutsada ng mga ito ay hindi siya tinigilan ng mga ito.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Pwede ba tigilan niyo na ko. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala akong nobya. Hindi nga ako sinipot nung ka-blind date ko kahapon, di ba? Isa pa, hindi ako pumapatol sa isang losyang. Ang type ko ay iyong mga sopistikadang mga babae. Yung mga liberal mag-isip at magaling sa kama. Bakit na man ako papatol sa isang manang na mas matanda pang magdamit kaysa sa nanay ko?” naputol ang tawanan nung biglang magsalita ang may-ari ng kompanya.

“Kiana, anak, anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito? Sa pagkakaalam ko ay mas may panahon ka pa sa boyfriend mo na hanggang ngayon ay hind ko pa nakikilala. Payag ka na ba sa alok kong mag-train para maging susunod na CEO ng kompanya?”

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Niluto ni Kiana ang paboritong pagkain ni Kian. Balak niya sana itong sorpresahin sa kaniyang trabaho at yayain sana na sabay na silang kumain ng tanghalian. Pero siya pala ang masosorpresa. Kaya pala ayaw siya nitong ipakilala sa kaniyang mga katrabaho ay dahil ikinahihiya siya nito.

“Yes, Daddy. Tinatanggap ko na po ang alok niyo na mag-train ako bilang susunod na CEO ng ating kompanya. And for the record, hindi po ako pumapatol sa isang hunyango na kahit anong palit ng bihis ay pareho pa rin ang laman loob, isang mapagpanggap.”

Sinubukan ni Kian na humingi ng tawad kay Kiana pero hindi na siya nito pinatawad pa matapos siyang itanggi nito sa kaniyang mga katrabaho. Itinuon na lang ng babae ang buo niyang atensyon sa kaniyang training bilang susunod na CEO ng kompanya. Ang iba pang mga empleyado na nanlalait kay Kiana noon dahil sa kaniyang kasuotan, kabilang na ang dati niyang nobyo, ay palaging nagtataasan ang mga balahibo sa takot sa tuwing ipapatawag sila ng dalaga sa opisina dahil sigurado sasabunin na naman sila nito sa kanilang mga kapalpakan.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,