Inday Trending

Sinira ng Babae ang Relasyon ng Pinsan at Nobyo Nito, Isang Malaking Pilat na Hindi na Mawawala ang Naging Kapalit ng Ginawa Niya

Ayaw sana ni Sally na pumunta sa kaarawan ng kaniyang pinsang si Marie pero dahil nakapangako na siya dito ay hindi siya pwedeng mawala sa mahalagang okasyon ng kaniyang pinsan. At laking pasasalamat niya at pumunta siya dahil kung hindi ay hindi niya makikilala ang mestisong si Ryan, ang nobyo ng kaniyang pinsan. Agad na nagkagusto si Sally sa kaniya at handa siyang gawin ang lahat mapasakanya lang ang lalaki kahit pa magkasira sila ng kaniyang pinsan.

Binaba ni Sally ang kaniyang blouse para makita ng lalaki ang malulusog niyang mga dibdib. Nilihis na rin niya ang maikli niyang palda para ipangalandakan ang makikinis niyang mga hita pero hindi pa rin siya nililingon ng lalaki. Nung hindi umubra ang kaniyang alindog ay naging mas agresibo na siya nung niyaya niya itong magsayaw. Ipinagdikdikan niya ang kaniyang katawan kay Ryan pero bahagya siyang itinulak nito papalayo. “Isang tao lang ang nilalaman ng puso ko. Huwag mo sanang sirain ang magandang relasyon niyo ng pinsan mo.”


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Sa buong buhay ni Sally, si Ryan ang kauna-unahang lalaki na tahasang tumanggi sa langit na inaalok niya. Ano ba ang binatbat ng pinsan niyang ubod ng konserbatibo sa tulad niyang maraming karanasan? Walang alam si Marie pagdating sa kung paano paliligayahin ang mga lalaki. Sa ngayon ay palalampasin niya ito. Iisipin na lang niyang nagpapakipot lang si Ryan pero sa bandang huli ay mahuhulog din ito sa kaniyang bitag.

Naging stalker na ni Ryan si Sally. Bigla-bigla na lang sumusulpot ang babae kung saan siya naroroon para akitin siya. Minsan na ring nilagyan ng babae ng droga yung iniinom niya nung sundan siya nito sa bar pero hindi siya nagtagumpay sa masama niyang balak dahil hindi na ininom Ryan yung alak na iniwan niya nung nag-c.r. siya. Umorder na lang ito ng panibagong inumin.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Nung walang napala si Sally sa kakasunod niya kay Ryan ay ang pinsan niyang si Marie ang kaniyang binalingan.

“Totoo. Ako mismo ang nakakita na may kahalikan si Ryan sa bar.”

Para lalo niyang mapaniwala ang kaniyang pinsan ay sinendan niya ito ng kopya ng litrato ng isang lalaking kahawig ni Ryan na may kahalikang babae na kinunan niya sa kaniyang cell phone. Naniwala si Marie sa kaniyang pinsan kaya nakipaghiwalay siya sa kaniyang nobyo sa pag-aakalang pinagtataksilan siya nito.

Ilang araw matapos makipaghiwalay si Marie kay Ryan ay binisita ni Sally si Ryan sa restawran na pagmamay-ari nito. Nung panahong iyon ay iniispeksyon ng lalaki ang ginagawa ng kaniyang mga empleyado sa kusina. Tinakot ni Sally ang lalaki na sisirain niya ang kaniyang reputasyon kung hindi ito papayag na makipagrelasyon sa kaniya. Hindi nagpatinag si Ryan sa kaniyang pananakot kaya’t nagsisigaw siya at lumikha ng iskandalo sa harap ng mga empleyado ng lalaki.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

“Nasira ang relasyon namin ng pinsan ko dahil sa iyo! Matapos kong ibigay sa iyo ang sarili ko itatapon mo na lang ako ng parang basura! Paano na yung ipinagbubuntis ko!” Pinagbabato ni Sally kung ano man ang maabot ng kaniyang mga kamay. Nagkalat ang mga basag na pinggan at baso sa kusina. Habang siya ay nagwawala ay hindi niya napansin na natabig niya ang bote ng mantika sa kaniyang likuran kaya’t nung humakbang siya paatras ay nadulas siya.

“Tulong! Ang mukha ko! Tulungan niyo ko!” Tumama ang mukha ni Sally sa nakabukas na ihawan at nasunog ang kalahati ng kaniyang mukha. Isinantabi muna ni Ryan ang nararamdaman niyang galit para sa dalaga at dinala niya ito sa pinakamalapit na ospital.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Nagpunta agad si Marie sa ospital nang mabalitaan niya ang nangyari kay Sally pero nagulat siya nang madatnan niya ang kaniyang pinsan habang ginagamot ng isang babaeng doktor. Ang nasabing doktor ay yung babaeng kahalikan ni Ryan sa litratong pinadala ng kaniyang pinsan. Susugurin na sana niya yung babae nang pumasok si Ryan kasama ang isang doktor na kahawig niya. “Wife, may naka-schedule pa akong operasyon mamaya kaya baka late akong makauwi.” Bati ng doktor na kahawig ni Ryan sa babaeng doktor na gumagamot kay Sally.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Natuklasan ni Marie na nagsinungaling sa kaniya ang kaniyang pinsan para sirain ang relasyon nila ng kaniyang nobyo. Ipinagtapat din ni Ryan ang lahat ng mga ginawa nito para lamang akitin siya.

“Hindi ko pinaalam sa iyo dahil ayaw kong masira ang relasyon niyong magpinsan. Hindi ko naman inakala na sisiraan niya ko sa iyo.” paliwanag ni Ryan kay Marie.

Nagtagumpay man si Sally na sirain ang relasyon ng dalawa ay hindi rin nagtagal at nagkabalikan ang mga ito matapos malaman ni Marie ang buong katotohanan. Si Sally naman ay nawalan ng isang pinsang nagmamahal sa kaniya. Ang malaking peklat sa kaniyang mukha ang palaging magpapaalala sa kaniya na huwag manira ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,