Inday Trending

Pilit Inaalam ng Dalaga ang Sine-sikretong First Love ng Tiyahing Matandang Dalaga; Hindi Niya Inaasahan ang Matutuklasan Nang Mabuksan ang Karton Nito

Limang taon pa lamang si Rita nang pumanaw ang kanyang ama sa isang malubhang karamdaman, habang pitong taon siya nang pumanaw naman ang kanyang ina dahil sa isang aksidente. Ang tanging nag-aalaga na lang sa kanya ngayon ay ang tita niyang matandang dalaga. Ang sabi ng ibang kapatid nito, nasawi raw kasi sa pag ibig ang tita niya kaya di na ninais na umibig pa, pero kapag tinatanong niya naman ang babae ay hindi nito sinasabi sa kanya ang totoo at iniiba ang usapan.

“Dali na ‘Ta, kwento ka na kasi about sa first love mo.. sabi nina Tita Jing, iyon lang daw ang naging boyfriend mo at matagal daw kayo..” pangungumbinsi niya isang gabing naghahapunan silang dalawa.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ikaw talaga.. ang kulit mo. Ang bata mo pa puro love-love kana dyan. Pag 18 ka na, ikukwento ko na sayo,” sabi nito, nailing pa habang nakangiti.

“Kahit name lang? Name nya dali, isesearch ko sya sa Facebook,” sabi ni Rita.

“Wala.. hindi ko na alam. Nakalimutan ko na ang pangalan nya, wag ka ngang nagpapaniwala sa Tita Jing mo, binibiro ka lang nya. Paniwalain ka kasi!” pang aasar nito sa kanya.

Napairap na lang ang dalaga, mukhang wala talagang balak umamin ito sa kanya. Hindi naman malihim ang kanyang tita, sa katunayan nga ay mahilig itong magkwento. Tungkol sa kabataan nito at ng kanyang ina, sobrang close kasi ang dalawa. Nagkahiwalay lang ang mga ito nang piliin ng tita niya ang mamuhay sa Amerika, minsan nga ay nalulungkot siya para sa magkapatid, umuwi lamang kasi ang Tita niya matapos ang maraming taon nang kritikal na ang lagay ng kanyang ina.

Iyak ito ng iyak sa ospital, paulit-ulit naman sa paghingi ng tawad ang mama niya, sa hindi niya malamang kadahilanan. Sabi pa nga ng tita niya, “Matagal na kitang pinatawad.” Tapos ay nangako itong aalagaan siya.

Pagdating lang talaga sa usaping pag-ibig, madamot magkwento ang babae. Lalo tuloy siyang nacu-curious, sino kaya ang magiting na lalaking nakabihag sa puso ng mailap niyang tita?

Kinabukasan, maagang nagising si Rita dahil may exam sila sa school. Bago siya bumaba sa kusina upang kumain ay napansin niyang bukas ang kwarto ng kanyang tita, nang sumilip siya ay naroon sa loob ang babae, nasa kandungan nito ang isang lumang kahon, hindi niya alam kung umiiyak ang tita niya dahil narinig niya itong sumisinghot habang may binabasa.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Tita Rose?” tawag niya rito.

Tila nabigla naman ang babae at agad na tinupi ang sulat, bago ibinalik iyon sa kahon.

“Huy, gising ka na. Wait lang iinit ko lang ang coffee ha?” sabi nito at nagmamadaling pinahid ang luha, oo nga, umiiyak nga ito.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ta bakit ka po naiyak?” nag aalalang tanong niya.

“W-wala.. naalala ko lang ang Mommy Rina mo, kamukhang-kamukha mo sya,” sabi nito, nakangiti at hinaplos ang kanyang mukha.

“Tita naman, ang aga-aga, ang drama mo..” sabi niya, pinipilit pasayahin ang babae, kitang-kita naman kasi sa mga matanito ang lungkot kahit pa pinipilit nitong ngumiti.

“Sensya na, tumatanda na kaya ma-drama. Basta Rita, kahit ulitin ang mga pangyayari, di ako magsisisi sa naging desisyon ko.” makahulugang sabi nito.

“Kung anu-ano pang sinasabi mong pa-wisdom words dyan.. siguro ang saya-saya ng mommy sa langit dahil ikaw ang naging Ate niya, ” sabi niya pa.

“Sana nga.. tara na,” inakay na siya nito upang bumaba sa kusina at sabay silang nag-almusal.

Maagang natapos ang exam ni Rita, wala pa siyang teacher sa kasunod na subject kaya mas maaga sa inaasahan siyang nakauwi. Mukhang wala ang tita niya dahil wala ang kotse nito, di bale na, may susi naman siya ng bahay.

Pagpasok niya sa loob ay nagmeryenda muna siya, di niya alam pero parang may nagbulong sa utak niya na umakyat sa kwarto nito at basahin ang sulat. Baka galing iyon sa mommy niya, miss na miss niya na ang babae at kahit na anong mula dito ay mahalaga para sa kanya, di bale nang mapagalitan mamaya.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Agad niyang kinuha ang maliit na kahon, ibinaba iyon sa salas. Mamaya pa naman siguro uuwi ang tita niya, mainit kasi sa kwarto.

Pagbukas nya noon ay tumambad sa kanya ang pagkarami raming litrato ng tita niya at ng….kanyang daddy?

Tinitigan niyang mabuti, daddy niya nga!

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Pero tila bata pa ang mga ito, siguro ay mga teenager. Ayon sa kwento ng mommy niya, 23 years old ito at 26 naman ang daddy niya nang ikasal ang dalawa. Ibig bang sabihin.. nauna ang tita niya?

Ang dami ring mga sulat.

Binuksan niya ang isa, galing iyon sa daddy niya.

Rose,

Handa ako’ng panindigan ang mga nagawa ko, lasing lang ako no’n. Di ko tatalikuran ang bata at pakakasalan ko si Rina dahil iyan ang hiling mo. Pero sana alam mong ikaw ang mahal ko. Patawarin mo ako.

Larry 

“Rita nandito ka na pala galing ako sa convenience store-” hindi na naituloy ng kanyang tita ang pagsasalita dahil nagulat ito. Kalat-kalat sa salas ang mga sulat at litrato at naroon siya, umiiyak.

Palapit palang ito sa kanya nang sugurin ito ni Rose ng yakap, walang kasing dakila ang sakripisyong ginawa nito.

Tinalikuran nito ang lalaking iniibig, hindi nito inisip ang sarili- para lang may matawag siyang ‘daddy’.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.


Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Tags: , , , ,