Inday Trending

Inisa-isang Niyaya ng Matanda ang mga Anak at Apo na Samahan Siya sa Pupuntahan Ngunit Walang May Oras Para Dito; Todo ang Hingi Nila ng Tawad nang Malaman Kung Saan Ito Pupunta

“Pwede mo ba akong samahan bukas? Tutal wala ka namang pasok. May gusto lang akong puntahan.” Tanong ni Tatay Tasio sa panganay niyang anak na si Boyet. Kung kaya niya lang umalis mag-isa ay hindi na siya hihingi ng pabor sa anak niya pero malabo na ang kaniyang mga mata at hirap na siyang maglakad. Baka masagasaan lang siya sa daan kung mag-isa lamang siya.

Ilang araw na siyang tinatanong ng tatay niya. Mukha yatang lumalala ang pagiging makakalimutin ng tatay niya dahil ilang beses na niyang sinabi na hindi niya ito masasamahan pero maya’t maya siyang tinatanong nito. “Tay, hindi ba sinabi ko na sa inyo na may lakad kami ni Kumpareng Leandro. Isasama niya ko sa bagong bahay na binili niya sa Cavite.”

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Tinanong na rin ni Tatay Tasio ang anak niyang babae na si Berna at ang biyenan niyang si Mildred pero magpapaparlor daw ang dalawa. Kung nandito lang ang bunso niyang anak na si Brenda ay siguradong sasamahan siya nito ang kaso ay nag-migrate na ito sa Europa kasama nang napangasawa niyang Pranses. “Ikaw, apo, pwede mo ba akong samahan bukas?”

“Lolo, magbabasketbol kami ng barkada ko, eh. Sa susunod na araw na lang. Nakapangako na ako sa kanila. Magtatampo ang mga iyon pag hindi ako sumipot.” Sagot ni Mobi, ang apo ni Tatay Tasio sa anak niyang si Boyet. Kahit mahal ng binata ang kaniyang lolo ay mas gugustuhin pa nitong makasama ang ang barkada niya. Sawang-sawa na siya sa paulit-ulit na pagkwento ng kaniyang lolo tungkol sa love life nila ng lola niya.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Kinabukasan ay bakas na bakas ang lungkot sa mga mata ni Tatay Tasio. Hindi ito nakatakas sa mga mapanuring mata ng kaniyang siyam na taong gulang na apo na si Bomi kaya tinanong niya sa kaniyang lolo kung bakit ito malungkot. “Ako na lang po ang sasama sa inyo, lolo. Sabihin niyo po sa akin kung ano ang nakasulat sa dyip para alam ko po kung ano ang sasakyan natin at kung saan po tayo bababa.” Malugod na alok ni Bomi sa kaniyang lolo.

Magtatanghali na makauwi sa bahay sina Berna at Mildred. Dirediretso sila sa kusina para umpisahan na ang pagluluto nila ng tanghalian. Hindi nila napansin na wala na sa bahay sina Tatay Tasio at Bomi. Pagdating ni Mobi ay saktong katatapos lang magluto ng dalawang babae kaya inutusan nila ang binata na tawagin ang maglolo nang makakain na sila ng pananghalian. “Nay, hinalughog ko na po ang buong bahay pero wala po sina Lolo Tasio at Bomi.” Nag-aalalang sabi ni Mobi sa kaniyang ina.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Inikot ng tatlo ang buong barangay at nagtanung-tanong na rin sila sa kanilang mga kapitbahay pero walang nakakaalam kung nasaan ang mag-lolo. Kaya’t humingi na sila ng tulong sa mga pulis ngunit dahil wala pang bente kwatro oras simula nung nawala ang dalawa ay wala silang magawa kung hindi ang patuloy na maghanap. “Nakita niyo na ba sila? Yung mga kaibigan ni Tatay napuntahan niyo na ba? Natawagan niyo na rin ba yung mga magulang ng kaibigan ni Bomi? Baka alam nila kung nasaan ang anak natin.” Natatarantang tanong ni Boyet nang makauwi siya sa kanilang bahay.

Pagsapit ng gabi ay tinawagan na ni Boyet ang bunsong kapatid niyang si Brenda para ipamalita ang masamang balita. “Pumunta ba kayong sementeryo? Malamang doon nagpunta sa si Tatay. Hindi iyon pumapalya sa pagbisita sa puntod ni Nanay tuwing kamatayan, kaarawan at anibersaryo ng kasal nila. Nakalimutan niyo na bang ngayon ang 50th wedding anniversary nila? Kung nabubuhay lang si Nanay siguradong isang bonggang-bonggang pagtitipon ay ihahanda ni Tatay para sa kaniya.” Walang bahid ng pag-aalalang sagot ni Brenda kay Boyet.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Tulad na sinabi ni Brenda ay natagpuan nila ang mag-lolo sa puntod ng asawa ni Tatay Tasio. Mahimbing itong natutulog si Tatay Tasio habang nakasandal ang kaniyang ulo sa balikat ni Bomi. “Hinayaan ko muna pong makapagpahinga si lolo sandali bago kami umuwi. Iyak po kasi siya nang iyak kanina, eh. Pasensyo na po kung pinag-alala namin kayo.” Hingi paumanhin ni Bomi nang nakita niyang ang mga nag-aalalang mukha ng tatlo.

Kung ipinagpaliban lang sana nila ang kanilang mga lakad para samahan si Tatay Tasio na bisitahin ang puntod ng kaniyang asawa ay malamang ay madadamayan nila ito sa kalungkutang kaniyang nadarama. Nang magising si Tatay Tasio ay panay ang hingi ng kapatawaran nina Boyet, Berna, Mildred at Mobi sa kaniya dahil hindi nila ito nasamahan at dahil nakalimutan nila ang isa sa pinakamahalagang okasyon sa kanilang pamilya. Nangako ang mga ito na palagi na nila siyang sasamahan tuwing nais nitong bisitahin ang puntod ng mahal niyang asawa.

Image courtesy of www.google.com (Photo for illustration purposes only.)

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,