Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Isang Gwapong Doktor ang Nagpaanak sa Babaeng Nabuntis ng Estranghero, Pinaglaruan lang Pala Sila ng Tadhana - Inday Trending

Isang Gwapong Doktor ang Nagpaanak sa Babaeng Nabuntis ng Estranghero, Pinaglaruan lang Pala Sila ng Tadhana

Pabalik-balik si Aurora sa salas ng maliit nilang bahay, nakikitira lang siya sa Tiya Celing niya dahil ulilang lubos na siya.

“Ano na? Halika na! Feeling mo ba si Cinderella ka? 22 anyos kana Aurora, hindi palaging may pa-party sa bahay ng mayayaman at hindi palaging imbitado ang mga pobreng gaya natin, samantalahin mo na!” sabi ng kaibigan niyang si Ofelia. Niyayaya siya nitong sumama sa isang pa-party ng tatakbong konsehal sa probinsya nila, imbitado ang mga taga-baryo kaya naman excited ang lahat.

“Paano pag nalaman ng Tiya Celing na tumakas ako at umattend sa sayawan?” kabadong sabi niya.

“Bakit, kahit naman wala kang ginagawang masama ay pinapagalitan ka noon diba? Kaya halika na, nang mag enjoy ka naman sa buhay mo,” sabi pa ng babae.

Totoo naman iyon, hindi naman din kasi pamangkin ang turing sa kanya ng tiya kundi katulong. Kung utusan siya nito at hiyain sa harap ng maraming tao ay ganoon nalang, maging ang pinsan niyang anak nito ay ginagawa pa syang taga-laba ng panty nitong may regla. Saglit na nag isip si Aurora, alas diyes na naman ng gabi at di na siguro malalaman ng kanyang tiya ang pagtakas niya.

Pagdating nila sa malaking bahay ay ang daming masasarap na pagkain.Kanina pa nagsimula ang party na sa bakuran ginanap kaya ang dami nang tao, halu halo ang mahihirap at mayayaman. Kumuha si Ofelia ng maiinom na alak sa waiter at iniabot ang isa sa kanya, tinanggihan niya iyon pero mapilit ang babae.

“Sige na, minsan lang!” sabi nito dahil maingay ang tunog.

Napaubo pa si Aurora sa mapait na lasa ng alak, pero pagkatapos noon ay tila gumaan ang pakiramdam niya at pakiramdam niya ay malaya sya. Sumayaw sila nang sumayaw ni Ofelia at uminom nang uminom. Maya maya pa ay dumating ang nobyo nito kaya naiwan siyang mag isa, wala namang masyadong kilala roon si Aurora.

“Gahnito palah ang epekto ng, alak, hik!” sinisinok na sabi niya. Palakad lakad siya at kinakausap lahat nang masalubong, umiikot na ang kanyang paningin. Gustong gusto niya nang humiga at wala na siyang pakialam sa paligid kaya pumasok siya sa malaking bahay, wala namang tao doon dahil abala ang lahat sa kasiyahan.

“Wow, parang palasyoh. Ang daming napepera ni Konsehal! Tumakbo na rin kaya ako sa susunod na eleksyon? Hik! Gaga! Wala kang pinag aralan,” sabi niya sa sarili at sinundan pa iyon ng hagikgik.

Umakyat siya sa hagdan at pumasok siya sa unang kwartong nakita nya. Hihiga na sana siya sa kama nang mapansin niyang okupado na iyon, hindi niya masyadong maaninag pero alam niyang lalaki ang nakahiga.

“Ay, machoh..” bulong niya.

Napangiti naman ang lalaki na noon ay lasing din, hindi niya maaninag ang mukha ng babae pero kitang kita ang sexy nitong katawan. Hinila niya ito sa kama at pinagsaluhan nila ang init sa malamig na gabi.

Tila nawala naman ang kalasingan ni Aurora matapos ang pagtatalik nila, walang lingun lingon na lumabas siya sa kwarto. Buti nalang ay walang nakakita sa kanya pauwi.

Siyam na buwan ang nakalipas.

“Tulong Doc!” sigaw ng isang ale.

Napalingon naman agad si Dr.Lemuel Crescini, narito siya ngayon sa isang medical mission sa probinsya. Palagi niya itong ginagawa nang libre upang makatulong sa mahihirap na baryong walang kakayahang makapagpagamot.

Palapit sa kanya ang isang buntis na babaeng inaakay ng dalawang matandang babae. Sa itsura nito ay manganganak na ito. Dahil may edad na rin ang nag aakay ay natagalan bago lumapit ang mga ito, si Dr. Lemuel na ang lumapit at binuhat ang hirap na hirap na dalaga. Itinakbo niya ito sa health center ng barangay.

“D-Doc.. pumutok na po ang panubigan ko,” nanghihinang sabi ng babae.

Natetensyon si Lemuel, hindi naman kasi siya espesyalista sa pagpapaanak at ito ang magiging first time niya pag nagkataon, bagamat pinag aralan niya naman iyon. Bukod doon, wala nang ibang doctor dito kundi siya.

Napasulyap siya sa mukha ng babae at napansin niyang maganda ito.

Ah, Lemuel ano ba! Emergency ito! saway niya sa kanyang sarili.

Pinahiga niya ang babae at nang silipin niya ay kita niya na ang bumbunan ng bata. Lalo siyang kinabahan,”Okay miss, hinga ka nang malalim tapos isabay mo sa kirot ang pag iri. Okay, kaya mo to!” sabi niya.

“1,2,3 push!” sabi niya, sumabay naman ang babae. Napapangiwi siya sa nakikita, ganito pala kahirap ang dinaranas ng mga nanay. Tatawagan niya ang mommy niya mamaya para magpasalamat.

“Konti na lang, sandali nalang, push!” sabi niya ulit. Pag iri ng babae ay lumabas ang sanggol na lalaki, sinalo niya iyon at ang laki laki ng ngiti niya. Pakiramdam niya ay isa ito sa mga tagumpay niya bilang doctor. Iba rin ang tibok nang puso niya nang umiyak ang sanggol.

“Ano ibibigay nating pangalan?”

Tanong ng Doctor kay Aurora. Saglit na nag isip ang dalaga, isang oras na ang nakakalipas nang ipanganak niya ang baby boy niya. Nakaramdam pa nga siya nang hiya kaninang buhatin siya ng gwapong doctor, pero isinantabi niya na ang katotohanang makikita nito ang pagkababae niya dahil pumutok na ang panubigan niya.

“B-baby Harry po..” nanghihina pang sabi niya. Tumango naman ang doctor,”Baby Harry, ang cute ng pangalan. Bagay sa kanya. Ano ang surname ng daddy nya?”

Hindi naman alam ni Aurora kung ano ang sasabihin niya, inaayos kasi ng doctor ang mga papeles para sa birth certificate ng bata.”W-wala po syang daddy,” napapahiyang sabi nya.

Di naman sumagot ang lalaki at tumango lang,”Ano na lang ang surname mo?”

Di naman alam ni Lemuel kung bakit nakaramdam siya ng kilig nang malaman niyang walang asawa ang babae.

Diyos ko ka Lemuel, kapapanganak lang nung tao! sabi ng utak niya.

Simula noon ay si Lemuel na rin ang nagchecheck up kay Harry, pero ang totoo, hindi lang ang sanggol ang nais niyang makita kundi maging ang nanay nito. Maganda at mabait si Aurora.

Hindi nila namamalayan na lumalalim na ang nararamdaman nila sa isa’t isa. Hindi malaman ni Lemuel kung paano siya aamin sa babae dahil baka hindi pa ito handa na umibig muli, dahil sa nakaraan nito. Bagamat di niya alam ang kwento tungkol sa ama ni Baby Harry, hindi na siya interesado sa walang kwentang lalaking nang iwan sa mag ina.

Isang hapon ay dinalaw ni Lemuel ang mag ina, naabutan niyang naroon ang kaibigan ni Aurora na si Ofelia.

“Doc, tignan mo itong kaibigan ko. Ayaw sumama sa party. Por que ba nanay na ay hindi na mag eenjoy?” sabi ng babae.

Ngumiti naman si Lemuel, “Bakit nga ba ayaw mo ganda?”

Napansin niyang namula ang pisngi ni Aurora sa kanyang sinabi, “Basta ayoko. Dala na ko sa mga ganyan,” sabi lang nito.

“Dahil ba kay Baby Harry? Blessing naman sya, kung hindi dahil noon-edi sana wala kang-“

“Ofelia!” saway ni Aurora.

“Ay, hindi pala alam ni Doc. Sige, dito na muna ako..” sabi ni Ofelia. Natakot sa matalim na tingin ng kaibigan dahil muntik niya na itong ibuking.

Napabuntong hininga naman si Aurora, “Tutal may clue ka na rin, siguro aaminin ko na rin sayo.” hindi siya makatingin nang diretso sa lalaki.

“H-hindi ko talaga boyfriend ang daddy ni Baby Harry, may pa-party nung February si Konsehal.. sinama ako nyang si Ofelia, hindi naman ako sanay uminom kaya nalasing ako kaagad. Tapos, hindi ko na alam ang pinaggagawa ko, basta pumasok ako sa kwartong kulay asul. May.. may lalaki doon na di ko kilala. Tapos.. may nangyari sa amin,s-siya ang daddy ni Baby Harry, hindi ko kilala.” pabulong na sabi ni Aurora. Alam niya na ang iisipin ni Lemuel, malandi siya. Nakipagtalik sa di niya kilala. Kaya inihanda niya na ang sarili sa susunod na lalabas sa bibig nito.

“Gwapo ba siya?” nagulat pa si Aurora sa tanong nito, tila pinipigil nito ang mangiti.

“Hindi ko alam. Ano ba namang tanong yan?” sabi nya.

“Mmm,” tumatangu-tango ito.”Magaling humalik?”

“Ano bang ibig mong sabihin?” naguguluhan si Aurora sa pinagsasabi nito.

“Parang ganito ba,” sabi ni Lemuel at hinalikan ang babae. Nanlaki naman ang mata ni Aurora, tila ba ganoon nga ang halik ng estranghero!

Pero imposible..paanong..?

“February 5, ininvite ako ni Konsehal sa party nila bilang pagbawi raw sa libreng check up na gagawin ko sa baryo nyo. Nalasing ako agad, alas nuwebe palang. Kaya sabi ng misis niya gamitin ko muna raw yung kwarto nila sa taas, unang pinto makalagpas ng hagdan. Asul na kwarto. Papikit na ako nang isang magandang diwata ang pumasok at inakit ako-“

Nakurot naman ni Aurora ang lalaki, “Hindi kita inakit!”

Nagyakap nang mahigpit ang dalawa. Kaya pala ang lakas ng tibok ng puso ni Lemuel nang makita si Baby Harry, siya pala ang ama nito. Isang buwan lamang ang nakalipas ay nagpakasal ang dalawa.

Walang alak na ininom ang dalawa nang maghoneymoon sila dahil nais nilang this time, makita na ang mukha ng isa’t isa habang pinagsasaluhan ang init ng pag ibig. Di nagtagal ay naging kuya na si baby Harry sa cute na cute na kambal.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.