Inday Trending

Mapaghanap sa Pera ang Bungangerang Misis ng Jeepney Driver, Natameme Siya Nang Ma-Ospital na ang Kanyang Mister

“Eto lang ang kinita mo ngayong araw? Kulang pa to para sa pambayad ng kuryente ah!” bulyaw ni Margie sa kanyang asawa. Kinabukasan kasi ay mapuputulan na sila ng kuryente kung hindi sila makakapagbayad. Pagod na pagod ang asawa nyang si Andoy sa pamamasada ng jeep.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Madalas nang ganito ang sitwasyon sa bahay nila. Puro away at nasasaktan na minsan ni Margie ang kanyang mister. Nasanay na rin sa kanilang pagtatalo ang tatlo nilang anak. Noong unang taon ng kanilang kasal ay masaya naman sila ngunit nang magtagal ay unti-unti nang nanlamig iyon.

“Sorry, matumal ang tao ngayon eh kasi bakasyon, walang estudyante. Hayaan mo bukas, kikita ako ng malaki.” Patang-pata na sabi ni Andoy sa kanyang galit na asawa. Hindi naman nagustuhan ni Margie ang sagot ng kanyang mister.

“Anong bukas? Mapuputulan na tayo bukas! Ayan ka nanaman Andoy eh, dalang-dala nako dyan sa mga bukas mo.” Problemado na ngayon ang babae dahil wala syang ipambabayad sa kuryente. Labis ang galit nito kay Andoy. Dumiretso na lamang ito ng kwarto upang magpahinga.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Dahil simula tanghali ay di pa nakain si Andoy pumunta sya ng kusina upang maghanapan ng kanyang makakakain. Binuksan nya ang takip sa mesa ngunit wala. Naghanap sa sala ngunit wala ding pagkaing nakahain.

“Margie, wala man lang kayong tinirang pagkain sakin?” Nanghihinang tanong ni Andoy sa kanyang asawa. Gutom na gutom na ito.

“Wala!” Sabay dabog ng pinto ng kanilang kwarto dahil problemado pa rin ang babae sa kanilang bayarin. Nakatulog na lamang ng walang laman ang tyan ni Andoy.

Kinabukasan, umalis si Margie sa kanilang bahay upang maghanap ng mapag-uutangan ng pera upang ipangbayad sa kanilang bill ng kuryente. Nadaanan nya ang tindahan ni Andeng, kumare nyang nagtitinda ng ulam. Nakita nyang madami ang ulam na tinda nito at mukhang kumita kaya ang nagbakasakali na sya.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Hi mars! Mukhang malakas ang kita natin ngayon ah. Fresh na fresh din ang itsura mo.” Masayang bungad ni Margie kay Andeng habang papasok pa lang ito ng karinderya.

“Nako Margie, kilala kita. Anong kailangan mo ha? Uutang ka nanaman ano?” Sagot ni Andeng na nag-aayos ng mga plato at pawis na pawis, taliwas sa bola ni Margie.

“Oo sana, Mars. Mapuputulan na kasi kami ng kuryente eh kinulang sa pera kaya pwede bang makihiram, babayaran ko din sa isang linggo!” pakiusap ni Margie sa kanyang kumare.

“O sige na, eto oh. Pasalamat ka at maraming kostumer ngayon at malaki ang kita. Ibalik mo din sa isang linggo yan ah puhunan ko din yan.”

Tuwang tuwa naman si Margie dahil sa kabaitan ni Andeng. Mabuti pa ito, nagbibigay ng pera hindi tulad ni Andoy na halos palamunin lang sa bahay.

“Teka, etong natirang ulam kahapon dalhin nyo na. Masarap yan,ako nagluto nyan eh. Hindi pa yan sira dahil kahapon lang yan iniluto.” sabay abot ng isang plastik ng ulam. Hindi na ito tinanggihan ni Margie dahil hindi pa rin naman sila nagtatanghalian.

Pag-uwi ng bahay ay binuksan nila ang ulam na ibinigay ni Margie. Nangangalingasaw ito at sobrang bantot ng amoy. Hindi nito makain ang ulam kaya napagdesisyunan nalang nyang magprito ng itlog para sa kanilang mag-anak. Itinabi nya naman sa mesa ang mabahong ulam para yun nalang ang ipakain kay Andoy mamaya. Bagay lang dito ang pagkain, tutal ay wala namang silbi ito. Sure naman si Andeng na hindi pa sira ang pagkain, baka nakulob lang.

Kinagabihan ay nanghihinang umuwi si Andoy. May dala-dala itong pera at laruan para sa kanilang anak. Pagpasok nya ng bahay ay tahimik na, malamang tulog na ang mag-ina nya.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Ayos may ulam na tinira sakin! Gutom na gutom pa naman ako.” sa isip-isip ni Andoy nang makita nya ang nangangalingasaw na ulam sa mesa. Labis an ang gutom ng lalaki na kahit ano ay kakainin nya na para lang malamnan ang tyan.

BLAG!

Naalimpungatan si Margie dahil sa malakas na dabog ang narinig nya. Malamang ang asawa nya nanaman yun na kakadating lamang.

“Andoy! Gabing-gabi na nagdadabog ka pa dyan!” inis na inis si Margie.

Bumangon siya sa kama upang tingnan si Andoy at kunin na rin ang kinita nito ngayong araw. Nakita nyang nakapatong ang isang libong piso at laruang bola sa mesa. Dahilan upang mawala ang galit ni Margie.

“Wow, talagang kumayod ka ngayon, Andoy ha. Hindi na masama.” Kunwaring sabi ni Margie. Ang totoo nyan ay nabilib sya sa kanyang asawa dahil tumupad ito sa pangako sa kanya kagabi. Paglingon pa nito ay nakita nyang may bawas na ang ulam na ibinigay ni Andeng.

“ANDOY! Anong nangyari sayo? Naririnig mo ba ako?!” Nagulat ang babae nang makita nya ang kanyang mister na nakahandusay na sa sahig ng kanilang banyo. Bumubula ang bibig nito. Hindi malaman ni Margie kung ano ang gagawin, kahit kasi anong kalabit niya ay ayaw gumising ng asawa.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Tumawag siya ng tricycle at dinala ang mister sa ospital. Habang paparating sila sa emergency room doon niya lamang naisip ang mga sakripisyo nito para sa kanila. Ang mga panahon na ginagabi ito ng uwi para lamang may maibigay sa kanya.

Naisip niya rin ang mga pagkakataon na imbes na asikasuhin niya ito ay binubungangaan niya pa dahil di siya sapat para sa kanya ang perang dala nito.

Sana, hindi pa huli ang lahat.

Ilang sandali pa ay tila pinanigan naman ng Diyos ang kanyang panaghoy. Nailigtas si Andoy at stable na ang lagay nito.

Nakahinga na nang maluwang si Margie. Labis ang pagsisisi niya sa pinag-a-asta nya sa kanyang asawa. Nagpapasalamat sya sa Diyos dahil binigyan sya Nito ng pangalawang pagkakataon. Pinangako niyang hinding hindi niya sasayangin at pagtitibayin pa ang kanilang relasyon.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Tags: , , , , , , ,