Nagtataka ang Dalagang Ito sa Batang Bitbit ng Isang Pulubi Dahil Parati Itong Tulog, Sa Huli ay Hindi Niya Inaasahan ang Matutuklasan

Kahit laking states ang dalagang si Zaira ay hindi naman nakalimutang ituro sa kaniya ng mga magulang ang mga mabubuting asal, lalo na nga ang pagtulong sa mga kapos-palad.

Image courtesy of www.google.com

Halos taon-taon itong nagdaraos ng kaniyang kaarawan sa bahay-ampunan kahit pa nga siya ay nasa ibang bansa.

“Mama, bakit ganito sa Pilipinas? Bakit kaliwa’t kanan ang mga nanlilimos?” tanong ng dalagang sa kaniyang ina.

Image courtesy of www.google.com

“Anak, masanay ka na. Ganito talaga sa ‘Pinas, masyado kasing maraming populasyon, mahirap ang buhay dahil marami ang walang trabaho kaya ganyan ang sitwasyon natin. Kailangan mong masanay lalo na’t araw-araw mo na iyang makikita,” baling naman ni Aling Fatima, ang ina ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com

Sa Pilipinas kasi napagdesisyunang mag-aral ng kolehiyo ni Zaira at pumapasok ito malapit sa Mendiola. Foreigner ang ama ng babae at Pinay naman ang kanyang ina, ngayon ay sinamahan siya ng ina dito sa Pilipinas para sa pag-aaral at naiwan sa ibang bansa ang kaniyang ama dahil nandoon ang kanilang kabuhayan.

“Tutulungan ko na lang ho sila, mama,” nakangiting sagot muli ni Zaira.

“Naku anak! Kulang ang baon mo para matulungan mo silang lahat at mas lalong kulang ang pera natin para matulungan natin sila,” wika naman ng ale at natawa ito.

Halos araw-araw nga itong nakikita ni Zaira at hindi pumalya sa pagtulong ang dalaga, nag-aabot ang babae sa lahat ng kapos-palad na nakikita niya. Mga pagkain at mga barya ngunit naagaw ng isang aleng may bitbit na bata ang kaniyang pansin.

Advertisement

“Napakaganda naman po niyang batang dala niyo, ano hong pangalan niyan?” tanong ni Zaira sa ale ngunit yumuko lang ito at kinalog ang kaniyang tasang may barya.

Image courtesy of www.google.com

Nagtaka naman ang dalaga dahil sa lahat yata ng pulubi sa Recto at may Mendiola ay sumasagot naman sa kaniya sa tuwing kinakausap niya ito. Nagbigay ang dalaga ng biscuit at muling tinanong ang babae,

“Kayo po? Ano pong pangalan niyo, ako nga po pala si Zaira, isang estudyante.”

Bigo pa rin siyang mapagsalita ang ale dahil yumuko lang ito kaya naman umalis na lang siya.

“Ma, bakit ganoon? ‘Yong isang ale kanina na namamalimos ay hindi nagsasalita nung kinausap ko, first time po ‘yon,” pahayag ni Zaira sa kaniyang ina nang makauwi sa kanilang bahay.

“Binigyan ko naman ng biscuit dahil napaka-cute kasi nung bata niyang dala kaso nga lang tulog, baka kung gising iyon ay nalaro ko at nakipag-usap sa akin,” dagdag pa ng dalaga.

“Baka wala lang sa mood iyon anak, subukan mo ulit bukas,” sagot naman ni Aling Fatima at kumain na sila ng hapunan.

Kinaumagahan ay maagang binalikan ni Zaira ang ale dahil alam niyang nasa isang pwesto lang ito, may dala na niluto ng kaniyang ina para maibigay sa ale.

Advertisement

Malayo pa lang si Zaira ay napansin na niyang tulog na naman ang batang dala nito na mga nasa tatlong taong gulang, agad na lumapit ang dalaga at ibinigay ang pagkain, “Para po sa inyo,” saad ni Zaira. Agad rin tumayo ang dalaga at umalis, ngunit tiningnan niya galing sa malayo kung kakainin ba ng ale ito.

Hindi naman siya nabigo dahil kaagad na kinuha ng ale at binuksan ang binigay niyang pagkain, ngunit nakakapagtakang hindi nito ginising ang batang kaniyang dala, imbes, nilapag lamang ito sa isang tabi. Masyadong nagtaka ang dalaga kaya naman hindi muna siya umalis at binantayan ang dalawa, dumating na ang tanghalian ngunit tulog pa rin ang batang bitbit ng ale.

Kinuha ni Zaira ang telepono at agad na tinawag ang kaniyang ina, “Ma, yung aleng sinasabi ko sa inyo, pakiramdam ko may problema dun sa batang dala niya,” wika nito sa telepono.

“Naku anak, anong gagawin natin?” tanong ng ale.

“Pwede ka bang pumunta rito? Tapos ikaw ang kumausap. O hawakan mo man lang yung bata, kanina pa kasi akong umaga nakabantay sa kanila e at hindi gumigising yung bata,” saad pang muli ni Zaira sa kaniyang ina.

Dali-dali namang nagpunta si Aling Fatima sa anak at pinuntahan din ang aleng pulubi.

“Ale, anak mo ba iyan? Bakit parang palagi na lamang siyang tulog?” tanong ni Aling Fatima.

“Huwag kang mangialam. Umalis ka rito,” sambit ng aleng pulubi.

Advertisement

Doon na kinabahan si Aling Fatima, “Anak, mukhang wala nang buhay yung batang dala niya,” pahayag ng ale kay Zaira.

“Anong gagawin natin, mama? Halika, pumunta tayo sa pulis at sabihin natin yun,” sagot naman ni Zaira sabay hawak sa kamay ng ale.

“Kaso anak, baka kasi may humahawak sa kanilang sindikato at baka tayo naman ang balikan,” nanginginig na boses ni Aling Fatima.

“Ma, buhay yun, bata yun, kaya sige na, please,” nagmamakaawang saad ni Zaira.

Pumunta na nga ang dalawa at agad na inireport ang kanilang napansin, dinampot naman ito ng pulisya at pinatingnan ang bata. Doon napag-alamang hindi anak ng babaeng pulubi ang kaniyang bitbit at tinurukan ng pangpatulog ang bata, para raw hindi ito mag-iiyak at hindi istorbo sa kaniyang panglilimos.

Image courtesy of www.google.com

Mabuti na lang at na-isumbong ni Zaira sa pulisya at naisugod ang bata sa hospital dahil kung nahuli siya malamang binawian na ng buhay ang batang akala niyang tulog lang. Dahil wala ng magulang ito ay binigay sa DSWD ang bata at baka dalhin na lamang sa bahay ampunan, samantalang ang aleng pulubi naman ay nasa pangangalaga pa rin ng pulisya para sa malalim na imbestigasyon.

Sa huli, labis na hinahangaan ni Aling Fatima ang lakas ng loob ng kaniyang anak dahil nakapagligtas ito ng buhay. Wala naman daw palang masama sa pagtitingin o pagmamasid natin sa ating kapwa lalo na’t kung may kahinahinalang nagaganap.