Pag-Ibig ng Matandang Dalaga

Dalawang dekada ang agwat ng edad ni Emy at Robin, mas matanda ang babae ngunit busilak, mayumi at tunay daw ang kanilang pag-iibigan.

“Alam mo ate hindi ko naniniwala na mahal ka niyang si Robin. Pera lang ang habol niyan,” wika ni Lily, kapatid ng babae.

“Kayong mga kapatid ko pa talaga ang nagsasabi sa akin niyan, mukhang ayaw niyo lang na magkaroon ng kaagaw sa perang kinikita ko kaya kayo ganyan!” galit na sabi ni Emy dito.

“Ate, hindi naman namin kinakaila na ikaw na ang bumuhay sa pamilya natin at maging sa mga anak ko kaya nga sobrang mahal ka naman at ayaw ka namin maloko kaya namin sinasabi ito,” saad naman ni Lily.

“Anong pruweba niyo para masabing niloloko lang ako ng tao aber?,” baling ni Emy sa kaniyang kapatid.

“E kasi masyadong mataas ang agwat ng edad niyo malay natin may kinakalantaring mas bata yun kaysa sayo,” mabilis na sagot ni Lily dito.

“E di lumabas din ang totoo, na edad na naman namin ang issue niyo sa amin. Mahal ako ni Robin at papatunayan ko yan sa inyo kapag nakauwi na ako diyan,” sabi ni Emy sabay baba ng telepono.

Matagal ng OFW si Emy at mula sa makupad na baguhang kasambahay, ngayon ay mayordoma na siya sa mayamang pamilya doon. Kaya naman doble na rin ang kaniyang sinasahod, na siya namang ikinabuhay ng kaniyang pamilya sa Pilipinas.

Advertisement

18 anyos lamang ay nangibang bansa na si Emy upang itaguyod ang mga kapatid, hindi na kasi makakapagtrabaho ang kanilang magulang. Ang kaniyang ama ay nabulag nang dahil sa katarata, samantalang may sakit puso naman ang kaniyang ina kaya naman bilang panganay ay siya na ang nagsakripisyo sa buhay.

Kaakibat din noon ang hindi niya pagkakaroon ng asawa, sa edad na 48 anyos ay hindi pa rin nagkakanobyo man lang ang babae. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala nga niya ang binatang si Robin, 28 anyos.

“Baby, pasensya ka na ha? Hindi ako nakatawag agad, naglaro kasi kami ng basketball kasama ang mga tropa. Galit ka ba?” tanong ni Robin sa babae habang nagvi-video call ang dalawa.

“Naku hindi, magpalit ka muna ng damit at mukhang basa pa iyang suot mo. Magpunas ka na rin ng likod nang hindi ka magkasipon,” saad naman ni Lily sa lalaki.

“Sus, ang baby ko ayaw pang sabihin na gusto lang makita ang abs ko. Pasimple ka rin ha,” asar ni Robin sa babae sakay niya hinubad ang damit.

“Susmaryosep! Napakasarap mo talaga,” tumatawang saad naman ni Lily.

“Seryoso na ako baby, kaunti na lang at mahahawakan mo na ito. Mayayakap na rin kita, kaya sana umuwi ka na. Bumilis na sana ang panahon,” wika naman ni Robin.

“Alam mo iyan din ang hiling ko kaya lang yung mga kapatid ko hindi pa rin naniniwala na mahal mo ako, na seryoso ka,” malungkot na pahayag ni Lily.

Advertisement

“Alam mo naiintidihan ko naman sila, matanda ka na rin kasi tapos ako bata, gwapo, makisig kaya kahit sino ganun ang magiging reaksyon pero aanhin ba natin ang mga sinasabi nila kung hindi naman totoo iyon diba? Papatunayan ko sa buong mundo na mahal kita dahil handa akong pakasalan ka,” saad ni Robin.

Medyo nasaktan si Emy noon sinabing matanda na daw siya pero nabawi naman ito kaagad nang marinig na papakasalan siya ng lalaki.

Nagkakilala ang dalawa sa Facebook Messenger, sumakto namang magkakababayan lang kaya naman mabilis na pumalagay ang loob ni Emy. Ilang beses na rin namang inalam ng mga kapatid ni Emy ang pagkatao ng lalaki ngunit wala silang nalaman kaya naman mas lalo pang kinabahan ang mga ito.

Alam kasi nilang nagpapadala na si Emy sa lalaki ng pera at bilang nagmamahal daw sa babae ay ayaw nilang basta basta na lang mapunta ang kapatid nila sa lalaking hindi nila kakilala.

Mataas ang sikat ng araw at basang basa na ang polo ni Robin kakaantay sa pagdating ni Emy sa Naia, delayed ang byahe kaya mas napatagal pa lalo ang paghihintay ng lalaki. Maya-maya pa ay may sumisigaw na ng kaniyang pangalan,

“Baby! Nandito ako,” magiliw na sigaw ni Emy sa lalaki at tumakbo ito kay Robin.

Halos pinagtinginan naman sila ng lahat ngunit walang pakundangang hinalikan ni Robin si Emy na siya namang kinainggitan ng maraming nakatingin.

“Papatunayan ko sa buong mundo na mahal kita!” bulong pa ng lalaki. Sa unang pagkakataom ay kinilig si Emy abot hanggang buto.

Advertisement

Sumakay sila sa nakuhang taxi ni Robin, agad na naglambingan ang dalawa sa likod.

“Hold up to, akin na lahat ng pera niyo,” wika ng driver. Doon lang nila napansin na dinala na sila sa lugar na hindi alam ni Emy, lalo na’t kakauwi niya lang ng ‘Pinas.

“Ipuputok ko ito kapag nanlaban kayo,” wika pang muli ng driver.

“Huwag huwag, parang awa mo na huwag! May anak ako, may pamilya ako at kung gusto mo ibibigay niya lahat ng pera niya huwag mo lang kaming saktan,” pahayag ni Robin na siyang ikinagulat ng babae.

“May anak ka? May pamilya ka? Ano yun, ano tayo?” tanong ni Emy dito.

“Pasensya ka na Emy, pera lang talaga ang habol ko sa’yo. May pamilya ako at nasa ibang bansa sila kaya naman hindi ko sila kasama, hindi ako makaipon ng malaki kaya naman hinuhuthutan kita,” sagot naman ni Robin.

Mabilis na sinampal ni Emy ang lalaki at pinagsisisipa ito palabas ng sasakyan, hindi naman nakaimik ang driver na may hawak na baril.

“Ano? Gusto mo ng pera ko? Sa inyo na, lahat kayo manloloko, minsan na nga lang ako magmahal tapos ganito pa! Ano bang mali sa akin? Dahil matanda na ako, dahil ba kulubot na ang balat ko? Sige na iputok mo na lang iyan tutal naman napakasakit na rin ng puso ko,” wika niya sa driver at nag-iiyak ang babae.

Advertisement

Hindi naman niya napansin na bumaba ang driver at nagpunta ito sa likuran upang tabihan siya. Kinuha nito ang ulo ni Emy at isinandal sa kanyang balikat.

“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, pasensya ka na kung dahil sa akin ay nasira ang pag-iibigan niyo. Wala naman akong balak na iputok ito, hindi ko na kailangan ng pera dahil mas importante ngayon ay maging ayos ka,” malambing na pahayag ng driver.

“Ako nga pala si Jervin, kakabyudo ko lang at lubog sa utang kaya nagawa ko iyon kanina. Iniwan na rin ang ng babaeng mahal na mahal ko kaya alam ko ang pakiramdam mo ngayon,” saad pa ng lalaki.

Hindi malaman ni Emy kung anong malas o swerte ang meron sa kaniyang ng araw na iyon. Hindi siya makapagsalita dahil sa naririnig niya sa lalaking kanila lang ay gustong siyang kitilin pero ngayon ay siya namang nagiging sandalan niya. Nakakatawa man ngunit umiyak ng umiyak si Emy sa lalaki.

Kumain sila at nagkape sa labas, nagkwentuhan buong magdamag. ?Naging magkaibigan at hanggang sa hindi na namalayan ng babae kung paano nangyari dahil ngayon ay asawa na niya si Jervin.

Wala naman masabi ang kaniyang pamilya sa lalaki dahil ubod ng bait pala nito at pinakilala pa si Emy sa buong angkan maging sa pamilya ng yumaon asawa. Walang pera na namagitan, walang tawag na pinagsaluhan dahil lahat ng oras ay ramdam na ramdam nila ang tunay na pagmamahalan.

Hindi man siguro siya napunta kay Robin na siyang pangarap ng babae ngunit sinong mag-aakalang mamahalin niya ang lalaking tumutok sa kanyang ng baril. Pag-ibig nga naman, hindi mo talaga masasabi.