Napakaraming Lalaki ang Naaakit sa Napakagandang Dilag na Ito, Ngunit Nabalot ng Misteryo ang Kanilang Baryo Nang Mabuking ang Malaki Nitong Lihim

Maganda, kaakit-akit at maalindog. Ilan lamang ito sa mga madalas na itawag kay Amanda. Sa taglay niyang karisma ay walang lalaki ang hindi mapapalingon sa kaniya.

“Hi Amanda,” bati ng mga binatilyong nakatambay sa tindahan habang bumibili ang babae.

“Hello boys, napapadalas yata ang pagtambay ninyo rito ah,” wika niya.

“Oo, gusto kasi namin na makita ka araw-araw,” pambobola pa nila.

Sa dami ng nagkakagusto at nanliligaw sa kaniya ay wala siyang pinansin sa kanila kahit isa. Nariyan ang mayayaman at matitipuno niyang manliligaw, mayroon ring mga ordinaryo ngunit mababait na lalaki, at ilang binatang nagsusubok na siya ay mapa-ibig.

“Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa Amanda na iyan, simula nang lumipat yan dito sa ating baryo ay parang nahuhumaling sa kaniya ang lahat ng kalalakihan,” wika ng isa niyang kapitbahay.

“Ay siya man din, yung anak kong si Pako? Naku nahuli ko minsan pinagnanasahan ang litrato ng babaeng iyan, aba eh di nabatukan ko,” sagot ng kausap nito.

Lingid sa kanilang kaalaman ay naririnig sila ng babae sa kanilang pag-uusap kaya’t mas lalo pa nitong ikinendeng ang kaniyang bewang sa pagdaan niya sa harap ng dalawang babae.

Advertisement

“Por que ang papangit niyo ako pinag-iinitan niyo,” bulong niya sa sarili.

Anim na buwan ng namamalagi si Amanda sa baryo na nilipatan, at sa tagal ng panahon niya roon ay isa pa ring misteryo sa mga tao kung bakit ang isang magandang dilag na kagaya niya ay mag-isang naninirahan sa maliit nilang lugar.

“Magandang umaga Aling Carmen, bibili sana ako ng shampoo, naubusan na ako eh,” wika niya sa tindera.

“Oh eto Amanda, yan ang palagi mong binibili dito. Hija, matanong nga kita, ikaw ba ay walang kasamang pamilya sa bahay mong iyan?” paguusisa ni Carmen.

“Wala po, solo po akong nabubuhay simula noong pumanaw ang mga magulang ko, mauna na po ako.”

Samantala ay nagumpisa naman ang haka-haka sa kanilang baryo na mayroong naninirahang aswang sa kanilang lugar, dahil sa madalas na pagkawala ng mga alagang hayop ng mga residente.

“Mga bata magsi-pasok na kayo, magdidilim na may balitang may aswang na pagala-gala rito sa atin,” sigaw ng isang nanay.

Natawa na lamang si Amanda habang pinapanood ang mga kapitbahay na hindi magkanda-ugaga sa pagpapapasok ng mga batang naglalaro. Pasado alas-8 ng gabi kagaya ng kanyang nakagawian ay isinara na niya ang mga pintuan at bintana ng kaniyang bahay.

Advertisement

“Oras na,” wika niya.

Inilabas ni Amanda ang mga kagamitan niya sa pagmamahika at kumuha ng isang walang malay na hayop sa kaniyang bodega. Bago siya lumabas ay pinagmasdan niya ang mga hayop na ninakaw niya sa kaniyang mga kapitbahay.

“Pasensya na kayo ha, kailangan ko lang ang dugo niyo, alam niyo naman kailangan akong mapanatili ang sariwa at maalindog kong pangangatawan,” wika niya.

Sa isang maliit na kwarto ay isinuot niya ang itim na bestida, nagsindi ng mga kandila at ginilitan ang leeg ng hawak na hayop. Pinatulo niya ang dugo nito sa isang lalagyan bago dinasalan at sinayawan, saka ipinahid sa kaniyang katawan ang naipong dugo. Makalipas ang isang oras ay natapos na ang kaniyang ritwal.

“Hay, tagumpay nanaman ang gabing ito. Bukas mas magiging maaliwalas na ang kutis ko,” wika niya.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Amanda ay ilang araw na siyang minamanmanan ni Pako na patay na patay sa kaniya. Gabi-gabi itong nagtatago sa kaniyang palikuran upang kuhaan siya ng litrato, laking gulat lamang ng binata na sa pagkakataong ito ay kakaibang Amanda ang kaniyang nasaksihan.

Dali-dali siyang tumakbo papalayo sa bahay nito sa sobrang takot at nerbiyos. Nang makarating sa kaniyang tahanan ay agad niyang ipinaalam sa ina ang kaniyang natuklasan.

“Si Amanda ‘nay, hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero yung mga hayop na nawawala lahat nasa kaniya, nakita ko pinatay niya ang alaga ni Mang Felix at may kung anong ritwal siyang ginawa sa dugo nito,” paliwanag ni Pako.

Advertisement

“Sigurado ka ba sa nakita mo, Pako? Aba eh kahit hindi ko gusto ang babaeng iyon ay masama ang magbintang.”

“Oo ‘nay, nakita ko, pinahid niya yung dugo ng hayop sa balat niya matapos niyang dasalan.”

Hindi na nga nagpatumpiktumpik ang mag-ina at agad na tinawag ang kanilang mga kapitbahay at mga ka-barangay. Kaniya-kaniyang dala sila ng itak at mga pamalong kahoy para sa pinaniniwalaang aswang.

“Tara mga kapitbahay, si Amanda ang aswang na nangunguha ng ating mga alagang hayop, sugurin natin siya at bawiin ang ating mga alaga,” sigaw niya.

Sama sama nilang sinugod ang bahay ng natutulog na si Amanda, pinasok nila ang kaniyang bahay at hinanap ang kinaroonan nito, nagulat sila nang tumambad sa kanilang harapan ang isang hubo’t-hubad na babae na puno ng dugo sa katawan.

“Wala kayong karapatang pasukin ang bahay ko,” wika niya.

“Ibalik mo ang mga alaga namin at lumayas ka na sa nayon namin!”

Dahan-dahan nilang nilapitan ang babae upang dakmain ngunit mabilis itong tumakbo papalayo na tila mo isang aso na nakawala sa hawla, sa sobrang dilim ng paligid ay hindi nila nakita kung saan ito nagtungo.

Advertisement

“Para sa mga babae, kunin niyo na ang inyong mga alaga at umuwi sa inyong tahanan, yung mga lalaki, sumama kayo sakin at hahalughugin natin ang buong baryo para mahanap ang aswang,” sigaw ng tanod.

Anumang halughog nila sa ilalim ng mga puno, sa sapa, sa ilog at maging sa mga estero ay hindi na nila nakita pang muli si Amanda, ilang araw nilang sinubukan na hanapin ito ngunit bigo silang matunton ang babae. Kinalaunan ay tinigilan na nila ang paghahanap at naiwang nakatiwangwang ang bahay ni Amanda na kinatatakutan naman ng lahat.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.