Tamang Hinala

Parang magkapatid na ang turingan ng matalik na magkaibigang si Sheena at Trisha. Nasa elementarya pa lamang ay parati na silang magkasama. “Sisters for life” ika nga nila. Kahit anong problema man ang dumating ay parati silang magkasangga. Ang kaaway ng isa, ay kaaway nilang dalawa.

Nangakong walang iwanan at parating nandyan. Na ang presensya ng bawat isa ay kailaman hindi lilisan. Ano man ang problemang dumating ay siguradong hindi nila ito haharaping mag-isa kahit na kailan, yan ang mga pangakong pinaghahawakan at pinangangalagaan ng matalik na magkaibingan.

“Bes! OMG! Alam yung crush ko sabi niya, gusto niya daw manligaw sakin!” patiling sigaw ni Sheena sa matalik na kaibigan.

“Wait, what? Hoy, ikaw Sheena, sigurado ka ba dyan? Baka mamaya masaktan ka lang dyan ha?” nag-aalang saad ni Trisha kay Sheena.

“Mabait naman siya bes! Tsaka, ipapakilala ko muna siya sayo. Tignan mo kung okay ba siya sayo?” nakangiting sagot ni Sheena sa kaibigan at pinulupot ang dalawang kamay nito sa braso ng matalik na kaibigan.

Naglalambing na naman si Sheena kay Trisha na madalas talagang gawin nito. Likas kasi talagang malambing si Sheena. Samantalang palaban naman si Trisha.

“O sige na nga. Kikilatisin ko ng mabuti yang manliligaw mo,” wala nang nagawa pa si Trisha kundi sumang-ayon sa gusto ni Sheena. Suportado niya din naman kung ano man ang desisyon ng kaibigan basta ba’t hindi ito mapapasama.

Ipinakilala nga ni Sheena si Trisha sa manliligaw nitong si Jayvee. Kinilatis muna ng mabuti ni Trisha ang lalaki bago ibigay ang kanyang “go” signal sa kaibigan. Mabilis naman na nagkasundo din si Trisha at Jayvee kaya naman hindi na pinatagal pa ni Sheena ang panliligaw sa kanya ng binata.

Advertisement

Naging masaya si Sheena at Jayvee. Kahit saan man magpunta ang dalawa ay parati nilang sinasama ang matalik na kaibigan ni Sheena na si Trisha.

Walang iwanan, yan ang pangako nila. Ayos lang din naman ito kay Jayvee dahil magkasundo naman sila ni Trisha. Parang tropa na nga din ang turingan ng dalawa.

Magmula sa mga dates, monthsary, at mumunting samahan ay parati silang magkakasama. Kahit na minsan ay hindi maiwasang maramdaman ni Trisha na isa talaga siyang dakilang third wheel sa dalawa ay okay nalang din sa kanya. Nagkakasundo naman sila ni Jayvee at masaya siya para sa kaibigang si Sheena.

May mga bagay din silang napagkakasunduan ng binata na minsan ay hindi masabayan ni Sheena. Hanggang sa napapansin na ni Sheena na may mga sensyahan ng ginagawa ang dalawa na sila lang ang nagkakaintindihan, pinilit niya pa ring hindi maghinala.

Pero isang araw ay nakita niya na biglang nagtext si Jayvee kay Trisha na agad namang tinago ng kaibigan at sinabing may pupuntahan lang siya. Hindi niya maiwasang kabahan kaya naman sinundan niya ang matalik na kaibigan.

Halos tumigil ang pintig ng puso niya ng makita ang kanyang matalik na kaibigan at ang kanyang kasintahan na masayang magkasama sa isang shopping mall. Nanginginig ang kanyang kamay na tiwagan niya si Trisha.

“Hello sis, nasaan ka?” tanong ni Sheena sa matalik na kaibigan.

“Ah, hello Sheen? Sorry medyo busy eh. I’ll call back later nalang okay? Sige bye,” sagot ng kaibigan at agad din namang binaba ang tawag. Hindi man lang siya pinagsalita.

Advertisement

Tinitigan niya ang traydor na kaibigan at ang taksil na kasintahan. Gusto niya sugurin ang mga ito pero parang hindi niya rin kaya. Kailan pa nila ginagawa iyon sa kanila? Kailan pa sila palihim na nagkikita? Kailan pa nila siya inumpisahang lokohin? Hindi na napigilan ni Sheena ang sariling mga luha. Kusa itong tumulo sa kanyang mga mata.

Makalipas ang ilang oras ay tinawagan ni Trisha si Sheena. Nag-aalinlangan namang sinagot ito ni Sheena.

“Hello sis? Nasaan ka? Nandito ako sa inyo,” masayang saad ni Trisha sa kaibigang wala siyang malay ay naninibugho sa kanya.

“Sige sis, pauwi na ako dyan,” pilit na pinasigla ni Sheena ang kanyang boses para hindi mapansin ni Trisha ang kanyang nararamdamang lungkot at sama ng loob. Plano niyang komprontahin ang kaibigan at harapang tanungin ito kung bakit at paano nagawa nito na lokohin at pagtaksilan siya.

Pagkarating niya sa kanila ay nakita niyang nakaparada ang sasakyan ni Jayvee sa harapan ng bahay nila. Nag-igting naman ang kanyang mga baga. Sabay pa sila ngayon dumating.

So ano ‘to, aamin na sila sa kataksilang nagawa? Dali-dali siyang umakyat sa kwarto niya at nang mabuksan ang pinto at nakita ang matalik na kaibigang si Trisha ay agad niya itong sinabunutan.

“W*langhiya kayo! Mga traydor! Mga taksil!” sigaw niya habang nakasabunot sa buhok ng kaibigan. Pero natigilan siya sa nakita sa loob ng kwarto niya.

Nagkalat na lobo at birthday decorations. Isang surpresa. Naghanda pala ang mga ito ng surpresa para sa kanya. Napaluha siya ng mabasa ang bandiritas na nagsasabing, “Happy Birthday Sheena!”

Advertisement

Sa sobrang pagkapraning niya sa paghihinala ay nakalimutan niyang kaarawan niya pala! Kaya pala ilang araw itong may mga lihim na usapang kanyang napapansin.

Naghahanda pala ang mga ito para sa surpresahin siya. Ang tanga-tanga niya! Hiyang-hiya siya at hindi makatingin ng diretso kay Trisha.

“Ako pa talaga sa lahat ng tao ang pinaghinalaan mong tratraydor sayo ha, Sheena? Ako pa talaga?” punong-puno ng hinanakit na tanong ni Trisha kay Sheena. Hindi naman nakasagot o kahit makatingin man lang si Sheena sa kaibigan. Hindi nakayanan ni Trisha at umalis ito.

“Babe, wala kaming ginagawang masama ni Trisha. Palihim lang kaming nag-uusap dahil pinaghandaan namin itong surpresa naming para sayo,” nilapitan naman ni Jayvee si Sheena at niyakap.

Napahagulhol nalang sa iyak si Trisha dahil sa sobrang kahihiyang nadarama. Hindi siya makapaniwala na pinaghinalaan niya ng ganun ang matalik na kaibigan. Labis siyang nahihiya sa kanyang nagawa.

“I know. I’m sorry. I’m sorry…” Paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang nobyo habang lumuluha.

“Hush, it’s okay. Pero kailangan mong mag sorry kay Trisha. Ang laki pa naman ng effort nun para sayo,” pagpapakalma ni Jayvee sa kanyang nobya. Tumango lang ang dalaga at pilit na pinapakalma ang sarili.

Hindi nila pinatapos ang araw at pinuntahan si Trisha sa bahay nito upang makahingi ng paumanhin dito. Naintindihan din naman ni Trisha ang matalik na kaibigan at agad na pinatawad ito.

Advertisement

Simula noon ay hindi na naulit ang pangyayaring iyon. Kalaunan din ay nagkaroon na rin ng sariling nobyo si Trisha kinilatis din naman muna ni Sheena. Naging masaya ang magkaibigan at patuloy na pinangalagaan ang kanilang pagkakaibigan.

Pakakatandaan sana natin na bago tayo maghinala, o manghusga kapwa, ugaliing magtanong muna. Sapagkat, hindi lahat ng pagkakataon ay tama ang ating hinala. Bigyan natin ng pagkakataong magpaliwanag ang iba. linawin muna bago mag-isip ng masama.

Image courtesy of www.google.com