Hindi Akalain ng Maganda at Mabait na Guro na Matagal na Palang Nasa Harapan Niya ang Lalaking Bibihag sa Kanyang Puso

“Magandang umaga Bb. Serrano!” sabay sabay na sabi ng mga estudyante na tumayo pa sa kanilang mga upuan nang pumasok ang guro sa silid aralan.

“Magandang umaga rin mga bata, sige na maari na kayong maupo.” magiliw na sabi ni Elizabeth sa 4th year high school students na kanyang tinuturuan. Nagtapos siya sa kursong education dalawang taon na ang nakalilipas, matapos maipasa ang board exam ay natanggap agad siya rito sa eskwelahang pinagtatrabahuhan dahil bukod sa maganda ay napakatalino rin ng babae. Ngayon ay subject na Filipino ang itinuturo niya.

Parang talang marikitMay taglay na pang akitHangad niyang makamit‘Wag sanang ipagkait

Isinulat niya sa pisara upang mabasa ng mga estudyante.

“Ang tawag dito ay TANAGA, Binubuo ng 7 pantig ang bawat linya. Bawat saknong ay may apat na linya at nagtataglay ng talinghaga, ito ang isa sa mahalagang ambag ni Ildefonso Santos sa panitikang-” napatigil siya sa pagpapaliwanag nang humahangos na pumasok sa loob ng classroom si Alex, ang estudyante niyang palaging late.

“Mr. De Jesus, late ka na naman. Ano ang masasabi mo tungkol sa TANAGA?” sabi niya. Tila binuhusan naman ng suka ang mukha ni Alex dahil napansin pala siya ng guro, wala pa naman siyang kaalam alam sa tinatalakay nito kaya binasa niya nalang ang nakasulat sa unahan at doon nag isip ng maisasagot.

“Parang talang marikit, may taglay na pang akit ako sayo ay naaakit dahil ikaw ma’am ay marikit!” nabiglang sabi niya, na pinagsisihan niya rin pagkatapos dahil nanlaki ang mata ng kanyang guro at nagtawanan ang mga estudyante.

Napailing na lang si Elizabeth, buti na lang ay may nag iwan ng rosas sa kanyang table sa faculty kanina kaya maganda ang mood niya, hindi niya na pinansin ang kapilyuhan ng estudyante.

Advertisement

“Huy! Huy Liz! Sabi ko ayan ang chocolate bigay ni Sir Mark!” nagising sa pagmumuni muni si Elizabeth nang kalabitin siya ng isa sa mga kasamahang guro, anim na taon na rin ang nakalipas nang makapasok siya sa eskwelahang ito, nasaan na kaya ang mga estudyanteng iyon? Nabaling ang mata niya sa chocolate na bigay ng head teacher na nanliligaw sa kanya.

“Aba Liz, wag mong sabihing ayaw mo rin kay Sir Mark, ang dami mo nang binigong manliligaw girl. Sayang ang ganda mo kung tatandang dalaga ka, 28 ka na no, mag asawa ka na!” biro pa ng kasamahan. Napailing na lang siya rito, nagkataon lang talaga na wala pa siyang mahanap na magpapatibok ng kanyang puso.

Sa katunayan, hindi tumigil magpadala ng bulaklak ang kanyang secret admirer, kung dati ay sa table niya lang iniiwan iyon ngayon ay ipinapadala na sa kanyang bahay. Sa loob ng anim na taon ay ganoon ito, baka nga kaya hindi pa siya makatingin sa ibang lalaki ay nais niyang makilala ang lihim na nagpapadala ng mga bulaklak, palagi pang may note na nakaipit.

“Wag mokong i-pressure darating din ako dyan. Nasaan na pala yung bagong teacher na sinasabi nila?” tanong niya rito, narinig niya kasi kanina na may bagong kasamahan daw kasi sila, kinikilig pa nga maging ang matatandang guro dahil maginoo raw at gwapo ang bago nilang kasamahan.

“Magandang umaga Bb.Serrano,” napapitlag sila pareho nang kasamahan nang may magsalita mula sa likuran.

“Ay k*ke mo tumalon!” sigaw ni Elizabeth, napatakip naman siya ng bibig nang ma-realize kung ano ang nasabi niya, natawa ang lalaki sa kanilang harapan.

“Ako po ang bagong guro, Alexander de Jesus. Hindi na po ako nale-late ngayon ma’am.” nakangiting sabi nito, hindi alam ni Elizabeth kung ano ang nakikita niya sa mga mata nito, tuwa at…kilig?

“A-alex?” hindi makapaniwalang sabi niya, aba, ang payatot na binatilyo noon- heto at kay tikas at kay kisig na ngayon! Napahiya sa sarili si Elizabeth dahil pinagpapantasyahan nya ang estudyanteng limang taon ang agwat ng edad sa kanya.

Advertisement

“Yes ma’am, nakalimutan ko po palang iwan sa table nyo kanina.” sabi nito. Nagulat si Elizabeth nang mula sa likuran ay ilabas nito ang mga rosas na katulad na katulad ng ipinapadala ng kanyang secret admirer, may note ding nakaipit na sulat kamay pala nito.

Ibig sabihin…

“Ikaw ang nagbibigay nito? Sa loob ng anim na taon?!”

“Hinintay ko pong maka-graduate ako at makapasa sa board exam para may maipagmamalaki na ako sayo kapag niligawan kita. Nakuntento lang ako sa pagpapadala ng mga rosas, umaasa na sana ay wag ka munang mag asawa at bigyan mo ako ng chance. Eto na ako ngayon, 23 na ako. Siguro naman pwede na?” nakangiting sabi nito.

Walang naisagot si Elizabeth dahil gulat na gulat siya sa mga pangyayari. Sino ang mag aakala na kay tagal niyang hinintay ang lalaking nagpapadala ng mga bulaklak pero matagal na pala itong nasa harapan niya? Pinayagan niyang manligaw si Alex dahil aminin niya man o hindi, tinamaan din siya rito.

Dalawang buwan itong nanligaw sa kanya bago niya ito sagutin at sa ikatlong taong anibersaryo nila bilang magnobyo ay nagpakasal ang dalawa.

“Huy tama na ang birit, baka imbes na makatulog ay magising ang anak natin.” malambing na sabi ni Elizabeth sa mister na hinehele ang kanilang dalawang buwang sanggol, ang kanilang panganay.

“Mahal kita Liz,” hindi pinansin ni Alexander ang puna ng kanyang misis.

Advertisement

Napangiti naman si Elizabeth, si Alexander na kanyang estudyante noon- laging late at laging tulala sa kanya tuwing nagtuturo siya ay ama ng kanyang anak ngayon. Kakaiba ang kanilang love story at siguro hindi lahat ay sasang ayon sa “age doesn’t matter” na set up nilang mag asawa pero totoo iyon, hindi edad ang nag didikta sa pag ibig.

Tama nga ang kasabihan, may tamang panahon para sa lahat, Diyos lang ang nakakaalam ng mga mangyayari. Kung minadali niya ang sarili na mag asawa dahil lang sa idinidikta ng iba ay hindi sana darating sa buhay niya si Alexander at hindi magiging ganito kaligaya ang buhay niya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!