Hindi na Maalala ng Kanyang Asawa ang 82-anyos na Lolo na Ito, Ngunit Isang Bagay ang Paulit-ulit Niyang Ginagawa Para Dito

Aksidenteng nahiwa ng isang 82 years old na matandang lalaki ang kanyang kamay, kaya naman dumiretso siya sa pinaka malapit na klinika dahil medyo malalim ang hiwa at kailangan niya itong ipatahi. Siya si John, may asawa ngunit hindi biniyayaan ng mga anak.

“Sir kailangan pong tahiin ito at pagkatapos ay bibigyan ko na lang kayo ng antibiotics para mabilis matuyo ang sugat.” Paliwanag ng doktor.

Tumango lang si John.

“Kung hindi parin po matuyo at kung magka impeksyon ay kailangan ninyong bumalik para makita ko. Wag lang kayong hahawak sa mga maruruming bagay, at gagaling iyan agad.” bilin muli ng doktor sa kanya.

Nagbayad na si John sa klinika at dali dali nang umuwi.

Matapos ang isang linggo ay hindi pa rin natutuyo ang sugat ni John. Marahil na rin siguro sa kawalang pahinga niya, siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Luto, laba, pamamalengke, lahat. Kaya naisipan niya na muling bumalik sa klinika.

Binigyan siya muli ng panibagong antibiotics, habang nililinis ng nurse ang sugat niya, at nagsalita si John.

“Ineng, matagal pa ba iyan?” tanong ng matanda na maya’t maya ang lingon sa orasan sa pader.

Advertisement

“Medyo po ‘tay. May lakad po ba kayo?” tanong naman ng nurse.

“Hindi naman. Kaya lang ay magluluto pa ako ng tanghalian namin ng misis ko. ” sagot naman ng matanda, na pagkabigkas sa misis ay nagliwanag ang mukha.

Nagtaka naman ang nurse, siguro ay walang anak o apo, sa isip isip nito. Ngunit bakit si Tatang pa ang nag luluto para sa misis gayong lalaki ito? Tila nabasa naman ng matanda ang nasa isip niya at muling nagsalita ito.

“Hindi kami nagkaanak. May Alzheimer’s disease ang misis ko kaya ako na ang nag aalaga sa kanya.. ako ang nagluluto, hindi ko na siya pinakikilos sa bahay dahil madalas nasasaktan lang siya o di kaya’y nagkakagulo ang bahay namin dahil hindi niya na maalala ang ilang bagay. Minsan ay naglagay siya ng sabon sa ref,” pagbabahagi ng matanda. Bagamat nakangiti ito ay hindi mo masasabing pinagtatawanan nito ang sitwasyon ng asawa. Hindi rin ito galit, kung magkwento ito ay tila isang batang makulit na gumawa ng kalokohan ang misis.

“Hindi po ba siya magagalit dahil nagtagal kayo rito?” usisa pa rin ng nurse.

Umiling ang matanda.

” Hindi niya na naman ako natatandaan, kailangan ko pa ngang ipakilala ang sarili ko nang paulit ulit, araw araw bago niya tanggapin ang pagkaing niluto ko. Hindi raw sya kumakausap ng hindi niya kilala. Minsan nga ay pinalayas niya ako, nagmakaawa lang ako sa tapat ng gate namin at parang naawa naman siya kaya pinatuloy ako.Ang babaeng iyon, hanggang ngayon ay mataray pa rin.” may ngiti sa labi si john.

“Bakit ninyo po pinipilit na sabayan siyang kumain araw araw , eh hindi na naman niya pala kayo natatandaan?” sabi ng nurse.

Advertisement

Ang sagot ni John, ay naghatid ng luha sa mata ng nurse. At pag asa sa puso nito na mayroon pa ring tunay na pag ibig.

“Hindi niya ako natatandaan. Pero ako, natatandaan ko siya.”