Akala ng mga Magulang na Susuko na sa Buhay ang Anak na May Kapansanan, Ngunit Isang Tao ang Dumating sa Buhay Nito na Naging Daan Upang Muling Magtiwala sa Sarili

Si Randy ay isang batang pinanganak na may congenital disease. Ito ang dahilan kung bakit sa edad niyang sampung-taong gulang ay wheelchair na ang inaasahan niya sa pagtungo sa iba’t ibang lugar.

Dahil rin sa karamdaman kung bakit palaging natutuksong lumpo ang bata at halos walang kaibigan. Pinanghihinaan na ito ng loob at gabi-gabing sinasabi sa kanila na ayaw na nitong pumasok sa eskwelahan, “Ma, wala pong gustong makipaglaro sa akin sa school.”

“Anak huwag mo silang intindihin. Isang araw makakakilala ka rin ng kaibigang tanggap ka kahit ano ka pa.”

Tila maagang dininig ng Diyos ang dasal nilang magpamilya. Dahil isang araw ay may bago silang kapitbahay na nakilala. Napag-alaman nilang Smith ang apelyido ng bago nilang kapitbahay. Mukhang kano ang bata dahil nakuha nito ang itsura ng ama, samantalang ang ina ay isang Filipina. Mabait ang pamilya Smith. Palakaibigan at mapagpakumbaba.

“Hello!” nagulat sila nang biglang batiin ng anak ng kapitbahay si Randy. “My name is Johnson.”

Ngumiti lang na tila nahihiya ang anak nila, “Ako si Randy.”

Doon nag-umpisa ang pagkakaibigan ng dalawa. Hindi na sila nagtakang tanggap ni Johnson ang anak nila bilang kaibigan dahil pinalaki ito sa Amerika kung saan namulat ang mga tao sa pagtanggap ng kahit na anong itsura.

Doon nabuhayan muli ang kanilang anak. Pumapasok na ito palagi sa eskwela at ang maganda pa dito ay sumasali na ito sa mga paligsahan sa school.

Advertisement

“I’ll help you!” ika ni Johnson sa kaibigang si Randy.

Hindi naman ito binigo ng kaibigan. Dahil kasali si Randy sa marathon nila sa school ay halos araw-araw nagpapraktis ang dalawa para sa kumpetisyon.

“Napakabait ng anak niyo, Jona.”

Tumingin ang ina ni Johnson kay Rina na ina naman ni Randy, “Yan ang una naming tinuro sa bata. Ang pantay na pagtingin sa kapwa.”

“Laking-pasalamat ko na lumipat kayo dito,” naluluhang ika ni Rina “Nagsisilbing anghel ngayon ang anak niyo sa anak namin.”

Sa tulong ni Johnson ay nanalo sa Marathon Competition si Randy. Doon na nagsimulang magkaron ang bata ng self-confidence. Naging palangiti na ito at masayahing bata.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.