Sobrang Martir ng Misis na Ito Dahil Pumayag Siyang Patirahin ni Mister ang Kabit Niya sa Kanilang Bahay, Ano ang Mangyayari sa Dalawa?

Magpi-pitong taon nang mag-asawa sina Mia at si Benjo, hindi biro ang mga pinagdaanan ng dalawa. Ilang beses na nasubukan ang kanilang pagsasama dulot ng pera, pamilya, at ang pinakamasakit ay ang pagtataksil. Gayunpaman ay ipinangako ni Mia na hindi iiwan ang mister kahit ano pa ang mangyari.

Image courtesy of www.google.com

“Hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito Mia, mapatawad mo sana ako at huwag mong idamay ang bata,” saad ni Benjo sa kaniyang misis na lumuluha. “Kahit hanggang ngayon lang ma, kahit hanggang makapanganak lang siya at pagkatapos noon ay aalis na siya rito sa atin,” dagdag pang muli ng lalaki.

“Sige, basta hindi malalaman ng mga anak mo kung ano ang totoo. Sabihin mo na lang na pamangkin mo yung babae, ayoko na malaman nila ang malaking pagkakamaling ito,” sagot naman ni Mia na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

Image courtesy of www.google.com

Nahuli niyang may ibang babae ang kaniyang asawa, dating estudyante ito ng kaniyang mister at ngayon ay nagdadalang tao pa. Pinakiusapan ni Benjo ang kaniyang misis na patirahin ang babae sa kanilang bahay hanggang sa ito ay makapanganak.

“Iba ka rin talaga Mia, kung ako yung nasa sitwasyon mo malamang pinakulong ko na si Benjo at ‘yong haliparot na babae! Pagkabata-bata e pumapatol sa may asawa,” wika ni Bernadeth, ang matalik na kaibigan ni Mia.

Image courtesy of www.google.com

“Ewan ko ba, natatakot akong mawalan ng ama ang mga anak ko. Natatakot akong magutom kami kasi wala naman akong trabaho. Nakapagtapos nga ako ng kolehiyo pero hindi ko naman nagamit dahil simula’t sapul ay naging taong bahay na ako. Kung lalaban man ako ulit sa industriya ng I.T baka copy paste na lang ang alam kong gawin,” malungkot na sagot ni Mia sa kaibigan sabay higop ng kaniyang kape.

“E sinasabi ko sayo, ihanda mo ang sarili mo diyan sa desisyon mo. Mia, magpapatira ka ng ahas sa sarili mong bahay,” dagdag pa ni Bernadeth.

“Para lang naman daw sa bata, tapos na sila at yun lang ang hinihiling sa akin ni Benjo. Walang kasalanan ang batang wala pang muwang dito sa mundo,” pahayag namang muli ni Mia.

Advertisement

“Ewan ko lang ha, basta prepare yourself! Emotionally, spiritually and physically dahil baka mapaaway ka ng wala sa oras,” tumatawang saad sa kanya ng kaibigan.

Dumating na nga ang dalagang si Wilma, maganda ito, kutis mayaman at kahit na apat na buwan na ang kaniyang tiyan ay sexy pa rin ang dating ng dalaga.

Image courtesy of www.google.com

“Ito nga pala ang magiging kwarto mo, nasa kabilang silid lang kami at pwede kang kumatok sa pader ‘pag may kailangan ka dahil kahoy naman ito,” wika ni Mia sa babae sabay katok sa kanilang pader na pagitan.

Hindi nagsalita ang babae at inilibot lamang ang kaniyang paningin sa bahay at sa higaan. May kaya ang pamilya nila Mia at maganda ang trabaho ni Benjo kaya kahit paano ay maayos at may kalakihan ang kanilang bahay.

Pumasok si Mia sa kanilang kwarto at sumandal ito sa pader, tinakpan ang kaniyang bibig dahil baka marinig ang kaniyang pag-iyak, tuloy-tuloy ang agos ng kaniyang luha.

“Kaya mo ‘to Mia, limang buwan lang na pagtitiis para sa bata, magiging maayos rin ang lahat,” paulit-ulit na binabanggit ng babae sa kaniyang sarili.

Image courtesy of www.google.com

Dahil sa kaniyang kakaiyak ay hindi siya nagising ng maaga para maghanda ng almusal, dali-dali siyang tumayo at pumunta sa kusina. Ngunit naabutan niyang nakayakap si Benjo sa likuran ni Wilma at hawak nito ang tiyan ng babae, agad ring napansin ni Mia na kahit maaga pa ay maganda at naka-postura agad ang babae. Hindi nakapagsalita si Mia at biglang napatingin sa salamin, doon niya nakita ang kaniyang sarili. Magulo ang buhok, walang suot na bra at malaki ang t-shirt na suot. Ibang-iba sa babaeng niyayakap ng kaniyang mister.

“Ahem!” malakas na pahayag ni Mia saka kumuha ng baso para magkape.

Advertisement

“Hindi mo kailangan magluto para sa pamilya ko, Wilma,” wika pang muli ng babae.

“Ah don’t worry, hindi ko ginalaw ang kitchen mo. But I cooked for myself, I’m starving na rin kasi and Benjo told me that I can do whatever I want dito sa bahay basta hindi nila malaman yung totoo. Noted on that,” mabilis na sagot ng dalaga sa kaniya sa sabay kuha ng kape nito.

Image courtesy of www.google.com

“Hindi maganda ang kape sa buntis,” sagot naman ni Mia sa pagtataray nito.

“Oh makinig ka dito kay Mia, dahil ito ang the best na nanay sa lahat!” singit naman ni Benjo na palabas na ng kusina dahil ayaw niyang madamay sa mainit na iringan ng dalawa.

“But not the best wife,” ismid naman ni Wilma. Hindi na lamang pinatulan ni Mia ang maagang pambabastos sa kaniya ng babae at nagluto na ng agahan para sa kaniyang dalawang anak na si Miggy at Ziggy parehas na high school na ang mga ito.

Dumaan pa ang ilang buwan at walang araw na hindi umiiyak si Mia sa sitwasyon nila. Minsan pa nga nahuhuli niya na naglalambingan ang dalawa ngunit pakiramdam niya wala na siyang lakas pa para magsalita o makipag-away kay Benjo dahil pagod na pagod ang kaniyang puso.

Isang gabi habang wala pa si Benjo dahil OT sa trabaho ay nagkakape si Mia sa kanilang kusina at lumapit naman si Wilma na walong buwang buntis na.

“Bakit hindi mo ako inaaway? Bakit mo nakakayanan itong ganitong sitwasyon natin?” tanong sa kaniya ng dalaga.

Advertisement

“Kasi mahal ko ang asawa ko, mahal ko ang pamilya ko lalo na ang mga anak ko,” sagot naman ni Mia dito.

“Sorry ha, kung ginulo ko ang pamilya mo,” sambit naman ni Wilma.

“Kung gusto mo talagang magsorry, ikaw mismo ang lalayo sa asawa ko. Ikaw mismo ang gigising sa kaniya na sobrang sakit nitong ginagawa niyo sa akin,” at nabasag ang boses ni Mia sabay patak ng kaniyang luha.

Niyakap siya ni Wilma sa unang pagkakataon at bumulong ito. “I want to be like you, isa kang matapang na babae. Kaya sana wag mong sukuan si Benjo at ipaglaban mo ito. I am really sorry for everything.”

Kinaumagahan ay tinanghali na naman si Mia ng gising at agad niyang pinuntahan si Wilma para tingnan ito dahil alam niyang ano mang oras ay manganganak na ang dalaga. Ngunit wala na siyang naabutan sa kwarto, malinis at maayos na ang mga gamit doon at naiwan ang isang sulat. Agad naman niyang tinawag si Benjo para siya ang magbukas ng papel at magbasa ng kung ano man ang nakasulat doon.

Image courtesy of www.google.com

“Dear Mia, I am really sorry sa lahat ng sakit na nadulot ko sa’yo and to your family but I can’t have Benjo dahil nagpa-DNA test ako nung nakaraan and lumabas na ang result, hindi siya ang ama. Sana kung ano man yung namagitan sa amin dati ay hindi na makasira pa sa inyo ngayon. Sana mapatawad niyo ako. And to Benjo, ‘wag mong sayangin ang isang katulad ni Mia dahil wala nang hihigit pa sa pagmamahal niya sa’yo. Maraming salamat at patawad,” lumuluhang binasa ni Benjo.

Binitiwan niya ang papel at niyakap si Mia, “Patawarin mo ako ma, patawarin mo ako kung nilagay kita sa ganoong sitwasyon at kung nasaktan kita ng sobra. Pangako ko sa’yo ito na ang huling beses na iiyak ka dahil lang sa kawalang hiyaan ko,” wika ni Benjo sa asawa at hinalikan ito sa ulo. Hindi na sumagot pa si Mia at nagpasalamat na lang sa Diyos saka umiyak nang umiyak.

Ngayon maayos na nagsasama ang dalawa, at tulad nga ng pangako ni Benjo ay hinding-hindi na ito nagloko pa. Bagkus ay ginawa pa niya ang lahat upang makabawi sa lahat ng sakit na idinulot niya sa butihing asawa.