Isang Aroganteng Lalake ang Halos Biniyayaan ng Lahat ng Sarap sa Buhay; Ngunit Isang Pangyayari ang Pupukaw sa Pagkatao Niya

(Photo for illustration purposes only)

“This is the life!” Sigaw ni Juan habang nakikipag-inuman sa mga katrabaho sa loob ng isang bar. “Grabe pare iba ka, nasa iyo na halos ang lahat.” Hirit ng isang kaibigan.

(Photo for illustration purposes only)

Isa na siguro sa pinakasuwerteng nilalang si Juan sa balat ng lupa. Nakapangasawa ng napakagandang babae, nagkaroon ng malaking bahay, magarbong kotse at mataas pa ang posisyon sa trabaho.

(Photo for illustration purposes only)

“Oo nga eh, pahingi naman kami ng swerte mo kahit konti.” Sabi ng katabi niya.

“Guys, sorry pero sa mga guwapong katulad ko lang nangyayari ito, tsaka lahat ng ginusto ko sa buhay nakuha ko dahil sa sariling pagsisikap ko. Ako lang, wala nang iba.” Mayabang na hirit ni Juan.

Madalas nagmamadali si Juan sa umaga tuwing papasok sa opisina, halos gabi na rin ito kung umuwi kaya’t wala na itong panahon makasama ang mga anak, kahit ang asawa nito ay madalas hindi na niya nabibigyan ng panahon.

“Alis na ko, bye!” Saad niya sabay mabilis na humalik sa asawa at mga anak na kumakain.

“Dad, ingat love you!” Sigaw ng misis niya.

“Okay see you later!” Sagot niya sa asawa. Pansin sa mukha ng maybahay ni Juan ang lungkot sa mga mata nito habang tinatanaw ang paalis na mister.

Advertisement

Arogante magmaneho si Juan, lagi itong nagmamadali. “Hoy bilisan niyong tumawid!” Habang binubusinahan niya ang mga tao sa kalye. Pagdating sa opisina, isnabero ito kapag may babati sa kanya.

(Photo for illustration purposes only)

“Good morning po Sir.” Masayang bati ng guard sa pinto na si Mang Berting.

“Buksan mo dali, wag kukupad-kupad!” Paninigaw nito sa mabait na guwardiya.

(Photo for illustration purposes only)

Totoong trinabaho ni Juan kung ano man ang meron siya ngayon sa buhay niya, pero tila nagbago ito simula ng makamit niya ang tinatamasang sarap ng buhay. “P*cha, ano ba namang klaseng trabaho ito, Renz? Ayusin mo trabaho mo hindi ganito parang basura!” Pasigaw na sita niya sa kanyang tauhan.

Madalas mainit ang ulo nito sa trabaho, at halos lahat ng kaopisina niya ay takot sa kanya.

Isang araw pinatawag siya ng CEO ng kompanya. “Mr. Ramos, take a seat please.” Utos ng matandang lalake.

“Good morning Sir, what can I do for you?”

“Nababalitaan ko na madalas daw mainit ang ulo mo at palagi mong sinisigawan ang mga tao mo.”

Advertisement

“Well, may magagawa ba ko kung mga inutil at walang kwenta sila, hindi ko na problema ‘yan, sir.” Maangas na sagot nito.

Ngumiti ng bahagya ang matandang lalake at tumingin ito sa asul na langit mula sa bintana, “Masaya ka ba sa buhay mo ngayon, Juan?”

“What a question, sir?! Of course! Ano pa po ba ang hahanapin ko sa mundong ito, nasa akin na ang lahat?” Taas noong sagot nito.

“Hmmmm…” Mga ilang minuto bago ulit nagsalita ang boss niya.

“Ahh sige, yung mga report mo submit mo dito bukas kailangan natin yan sa meeting.”

“No problem, sir”.

Bago pa makalabas ng pinto ang lalake, tinawag siya ulit ng kaniyang boss. “Juannn, siya nga pala bago ka umalis, gusto ko lang tanungin mo ang sarili mo kung ano ba talaga ang tunay na sukatan ng kasiyahan mo sa buhay.” Napailing na lang si Juan sa sinabi ng boss at isinara ang pinto.

Pauwi na si Juan sa bahay nila, medyo nakainom ito. Palibhasa’y hindi na naman nito pinalagpas ang pagkakataong makapagyabang sa mga kaibigan habang nag-iinuman. Habang nagmamaneho, hindi niya maalis sa isip ang tanong na iniwan ng kaniyang boss.

Advertisement

“Tunay na kasiyahan, bobo naman ng tanong na ‘yan. Nasa akin na lahat; pera, sexy na asawa, bibo at matatalinong anak, career, magagarang bagay, ano pa ba kailangan ko sa buhay? Wala na!”

(Photo for illustration purposes only)

Biglang tumunog ang telepono nito, inabot niya ang bag at sandaling inalis ang paningin sa kalsada. Nang ibalik niya ang mga mata sa malapad na kalye ay isang napakaliwanag na ilaw ang sumalubong sa kanya. Nasilaw siya at biglang napakabig sa manibela.

“Ahhhh–ahhh!!!” Sigaw niya sabay sumalpok ang kotse sa tila isang mataas na poste.

(Photo for illustration purposes only)

Pagdilat niya ng kaniyang mga mata, isang imahe ng tao ang nakikita niya sa di kalayuan. Pilit niyang inaaninag ang mukha nito ngunit masyadong nakakasilaw ang liwanag sa likuran nito. “Sino ka?!” Sigaw ni Juan.

“Halika hawakan mo ang mga kamay ko, may ipapakita ako sa iyo.” Malumanay na paanyaya nito sa kaniya.

(Photo for illustration purposes only)

Dahan-dahang lumapit si Juan, hinawakan niya ito. Sa isang iglap, nakita ni Juan ang asawa at mga anak na masayang-masayang naglalaro at nagtatakbuhan na parang niyaya siya na sumali dito. Ngunit bago pa siya makagalaw, nakita naman niya ang mga kasamahan sa trabaho.

Lahat ito ay nakangiti sa kanya na punong-puno ng galak, pati ang mga taong nakasalamuha niya na hindi niya binigyan ng halaga ay naroon din lahat, bakas ang saya sa mga mukha nila.

Kakaibang kasiyahan ang naramdaman ni Juan. “Ang sasaya nilaaa..” Nabubulol na sabi nito.

Advertisement

“Matagal na kitang ginagabayan, mula pagkabata mo hanggang sa makuha mo ang lahat ng ninais mo.” Saad ng kausap niya.

(Photo for illustration purposes only)

“Huh, hindi kita maintindihan!” Gulong-gulo na saad ni Juan.

“Gusto ko lang ibalik ka sa tamang landas upang makita mo ang tunay na kahulugan ng tagumpay at kasiyahan sa buhay. Lahat tayo ay nagkakamali, pero naniniwala ako na ang tunay na saya ng buhay ay makukuha mo sa pagmamahal at pag-unawa mo sa kapwa mo.”

Kinapitan ng mahigpit si Juan ng kausap niya. “Nandito lang ako palagi, hinding-hindi kita pababayaan.” Habang dahan-dahang bumibitiw si Juan sa mga kamay ng kausap, parang may nakapa siyang butas sa gitna ng kamay nito. Nagulat siya, gusto sana niya itong tanungin ngunit bigla siyang may narinig na malakas na boses ng babae.

“Daddddddd, labann!.. Juannnn wag mo kaming iwannn…”

Hinihintay ka na nila.” Saad ng imahe. Ilang segundo lamang ang lumipas at bigla na lang itong nawala na parang bula.

“Haaahh-ahhhh, hooo-hooo..” Hingal na hingal na napatayo mula sa kinahihigaan si Juan.

“Salamat sa Diyossss..” Tangis ng kaniyang asawa habang nakayakap sa sugatang mister.

Advertisement

“Natagpuan ka ni Mang Berting, pauwi na daw siya nang may makita siyang kotse sa tapat ng simbahan na nakasalpok sa istatwa ni Hesus, nagulat siya at ikaw ang nasa loob ng kotse at wala nang malay.

Sakto napadaan din doon ang isang kaopisina mo na si Renz na may dalang kotse, kaya isinugod ka nila kaagad dito sa ospital.” Kuwento ng misis niya.

Hindi na napigilan ni Juan ang sarili at lumuha ng matindi. Niyakap niya ng napakahigpit ang asawa. “Mahal na mahal kita hon, mahal na mahal.”

Handa na si Juan na pumasok ng opisina, pagbaba niya mula sa kwarto ay hinalikan niya ang mga anak at ang asawa na nakaupo na sa hapagkainan. Nagulat sila ng ito ay biglang umupo, “Di ka pa aalis hon?”

“Simula ngayon, sasabay na ‘kong kumain sa inyo at bago tayo kumain humingi tayo ng pasalamat para sa pagkain na ating kakainin.” Nakangiting bungad ng lalake.

Pagdating sa opisina, bago pa siya batiin ng guwardiya ay inunahan na ito ni Juan sabay abot ng isang tasa ng mainit na kape.

“Salamat sa pagsagip sa buhay ko. Para yan sa inyo! Good Morning, Mang Berting!”

Kinausap din niya si Renz upang magpasalamat at humingi ng tawad sa pagiging arogante dito.

Advertisement

Inabutan niya ang boss niya na nakadungaw sa bintana at parang may kinakausap sa langit. “Sirrr, Good Morning po.” Pagbati niya habang dahan-dahang pumapasok sa opisina nito.

“Mr. Ramos, ohh ikaw pala yan. Kamusta ka na?”

“Ayos naman po sir” Sagot niya.

“Magaling na ba ang mga sugat mo, kung kailangan mo pa ng pahinga sabihin mo lang.”

“Naku ‘di na sir, okay na okay na po ako.” Mapagkumbabang sagot ni Juan.

Lumapit siya kung saan nakatayo ang boss, “Sir, naalala niyo pa yung tanong niyo sa akin tungkol sa tunay na sukatan ng kasiyahan sa buhay ko?”

(Photo for illustration purposes only)

“Ngayon, alam ko na” Sagot ni Juan. Habang sabay silang nakatingin sa napakagandang langit.