Pinaratangan Siya ng Tiyahin na Maagang Mabubuntis, Isang Malupit na Karma ang Natanggap Nito nang Mabuntis ang Sariling Anak

“Hindi makakagraduate ‘yang anak mo, Lerry. Bukod sa mahina ang ulo ay mahilig pang makipagtropa sa mga lalaki. Tignan mo, bukas makalawa-buntis ‘yan.”

Narinig na naman ni Lily ang paninira sa kanya ng tiyahin na si Annalyn. Hindi siya nasasaktan sa mga sinasabi nito dahil alam niya sa sarili na hindi iyon mangyayari. Ang nakakasakit sa kanya ay ang reaksyon ng kanyang ina sa tuwing naririnig ang paninira ng tiyahin.

“Manang-mana sayo ang anak mo, walang patutunguhan ang buhay.”

Kung minsan ay gusto na niyang sagutin ang tiyahin. Kaso nga lang ay naaawa siya sa sitwasyon ng kanyang ina kapag sinisingil nito sa pagkakautang. Halos lahat kasi ng pantustos sa pag-aaral niya ay sa tiyahin nila inuutang.

Dahil din doon kaya hindi magawang sumagot ng kanyang ina upang ipagtaggol siya. Wala naman sa kanya. Aminado siyang puro lalaki nga halos lahat ng mga kaibigan, ito ay ayaw siyang tanggapin bilang kaibigan ng maarteng kaklase niya.

Aminado rin siyang hindi siya ganoon katalino dahil hindi niya kayang makipagsabayan habang pinagsasabay niya naman ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Ngunit sa kabila ng hirap, pagod at puyat ay pinipilit niya pa ring pumasok para makapagtapos ng pag-aaral. Ito kasi ang katangi-tanging regalong kaya niyang ibigay sa kanyang ina.

“Lily, may problema ako,” minsan ay kinausap siya ng kanyang pinsang si Angel, anak ng kanyang tiyahin.

Advertisement

“Bakit? Anong problema?”

“B-buntis ako.”

Gulantang siya sa sinabi nito. Isang taon nalang kasi ay makakatapos na ito, “Bakit? Sino ang ama?”

Umiling ito, “Hindi ko alam. Ayokong sabihin kay Mama. Papatayin niya ‘yun kapag nalaman niya.”

Nalaman niyang ayaw umanong panagutan ng lalaki ang dinadala ni Angel. Sa halip ay gusto pa daw nitong ipalaglag ang bata.

Takot na takot si Angel nang tulungan nilang mag-ina na aminin ang lahat kay Annalyn, sa ina nito. Halos atakehin ito nang mabalitaan ang masaklap na balita ng anak. Halos bugbugin niya ito dahil ayaw nitong aminin kung sino ang ama ng bata.

Sising-sisi ang kanyang tiyahin sa mga paninira sa kanya. Halos hindi rin siya maharap nito dahil sa kahihiyan sa anak.

“Patawarin mo ako, Lerry, sa lahat ng paninira ko noon sa anak mo. Hindi ko akalaing ang anak ko pa pala ang gagawa ng lahat ng sinasabi ko kay Lily,” iyak ito nang iyak habang nakayakap sa kapatid.

Advertisement

At dahil mapagpatawad ang kanyang ina ay agad nitong pinatawad ang kapatid.

Tinulungan rin niya ang kanyang pinsan sa pagbubuntis. Simula noon ay naging mas malapit pa ang pamilya nila sa isa’t isa.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.