Walang Gustong Sumeryoso sa Lalaking Ito Dahil Mukha Siyang Bata, Mahanap Pa Kaya Niya ang Babaeng Tatanggap sa Kanyang Itsura?

Nasa kolehiyo si Allan noong mapansin niyang hindi na siya lumaki pa nang tuluyan at nanatili sa kanyang limang talampakan na tangkad.May itsura naman ang lalaki, maganda ang mga mata nito at maayos ang buhok. Plantsado ang kanyang mga damit at malayo pa lang ay maamoy mo na ang kanyang mahalimuyak na pabango.

“Hello, magandang umaga! Ako nga pala si Allan David Gopol, labinlimang taong gulang,” pakilala ng binata noong tumakbo siya sa pagiging presidente ng eskwela. Alam niyang pasok ang itsura niya sa mga babae lalo na sa mga mas bata sa kanya.

Hangang sa dumating ang huling taon niya ay hindi parin nagbabago ang kanyang itsura kahit pa nga siya ay labing siyam na taong gulang na.

“Oi, Allan! Dito ka pala nag-aaral? Si Shiela ‘to. Kaklase mo noong hayskul,” bati ng babae sa kanya sa library.

“Shiela Lapir!? Hala ang laki na ng pinagbago mo!” bulalas ng lalaki at sabay sabay silang nasita sa ingay. Nagka-dibdib ang dalaga na noon ay pasas lang ang bumabakat sa damit nito. Humaba narin ang buhok nito habang hapit na hapit sa kanya ang suot niyang blusa. May kaunteng kolerete sa kanyang mga mata at naka suot ito ng pink na lipstick. Tumangkad din ito at mas malaki sa kanya.

“Wow, Shiela! Ikaw na ba talaga ‘yan? Wow talaga! Napakaganda mo!” pahayag ni Allan habang tinitignan ang dalaga simula ulo hangang paa.

“Oo nga e, malaki na raw ang pinagbago ko. Samantalang ikaw napaka-baby face mo parin!” saad ng babae sabay kurot sa pisnge nito.

Nag-usap at nagkamustahan ang dalawa. Si Shiela ay ang mahigpit niyang katunggali sa eskwela noon. Niligawan niya rin ang dalaga ngunit hindi niya nasungkit ang matamis nitong oo.

Advertisement

“E bakit nga hindi mo ako sinagot noon ha Shiela?” nakangising tanong ni Allan sa dalaga

“Huwag ka sanang masasaktan, Allan ha? Gwapo ka at matalino. Pakiramdam ko lang kasi ay hindi tayo bagay dahil mas matangkad ako kaysa sa’yo,” tumatawang sagot ni Shiela sa kanya.

“Napakasama!” sabay tawa rin ng lalaki.

“Mauuna na ako sa’yo, Shiela. May klase pa rin kasi ako,” dagdag ni Allan dito.

Umalis na ang binata at umuwi ito agad, nagdahilan lamang siya kanina dahil nasaktan ito. Tiningnan niya ang sarili sa salamin.

“Ano bang problema, Allan? Bakit walang nagkakagusto sa’yo? Matalino ka naman, guwapo. Maganda naman ang katawan mo. Oo maliit ka pero lahat naman ay nagpapantay sa kama. Hayaan mo at magkakagulo rin sila sa’yo pagdating ng araw,” pahayag ni Allan sa sarili habang inis na inis ito.

Nakapagtapos na si Allan ng kolehiyo na hindi pa rin nagkaka-nobya. Natanggap din siya kaagad sa trabaho bilang Human Resource assistant. Iniba niya ang kanyang itsura: nagsuot siya ng salamin kahit wala namang grado ang mga mata niya, kung dati lagi lamang siyang naka t-shirt ngayon ay parating naka-polo na. Ngunit kahit anong gawin niya ay mukha parin siyang 18 anyos kahit pa nga 22 na siya noon.

Lumipas ang ilang taon niya sa trabaho at nakasanayan nang “Baby Allan” ang tawag sa kanya ng ibang empleyado. At dumating si Hanna sa kumpanya. Data encoder ang babae at noong ini-interview pa lamang ni Allan iyon ay talaga namang tinamaan na sya sa babae.

Advertisement

Lumipas ang tatlong buwan ay naglakas loob si Allan na ligawan ang babae. Isang araw, sinabayan niya ito sa paglalakad pauwi.

“Oy Hanna, saan ang uwi mo? Dito ka dumadaan?” tanong nya sa babae na kunwari e iisa sila ng dadaanan pero ang totoo e hinabol talaga niya ito.

“Oh, Allan! Oo, dito ako lagi dumadaan,” sagot ng dalaga.

“Gusto mong kumain muna tayo ng squid balls? Libre ko!” pahayag ni Allan ng may madaanan silang nagtitinda nito. Pumayag naman ang babae na labis ikinatuwa ni Allan.

“Swerte mo Allan, ano? Kahit bata ka pa e may trabaho ka na agad. Kakatapos mo lang din ba ng pag-aaral?” tanong ng babae sa kanya.

“Mukha lang akong bata, pero ang totoo ay 28 anyos na ako. Matagal na rin ako sa opisina,” baling ni Allan dito sabay ngiti.

“Ay talaga ba? Hala, mukha kang bata! Virgin ka pa ‘no?” tanong ng dalaga sa kanya na labis niyang ikinahiya dahil napakaraming tao ang nakarinig at hindi niya malaman kung paano sasagutin ang tanong nito.

Humagalpak na lang sa tawa ang binata dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon. Hindi na tinuloy ni Allan ang balak na panliligaw dahil nabalitaan niya na may nobyo ang babae.

Advertisement

“Kaya ba hindi ka nagmumukhang matanda Allan kasi virgin ka pa? Wala na bang babae ngayon ang may gusto ng virgin na lalaki? Alam ko naman paano gagawin iyon e,” saad ni Allan sa sarili habang nakaharap na naman sa salamin.

Hangang sa nag 30 anyos na si Allan ngunit mukha parin siyang totoy sa paningin ng marami babae. Hinahawakan parin siya sa ulo ng kanyang mga boss sa trababo na tila ba siya pa rin ay isang bata.

Sinubukan na rin niyang magpatubo ng bigote at uminom ng alak para lang makasabay sa ibang lalaki, ngunit hindi talaga niya nagustuhan ang lasa nito. Naka-ilang babae na rin ang tinangka niyang ligawan ngunit kahit isa sa mga iyon ay walang nagkagusto sa kanya. Kung hindi mas matangakad sa kanya ang babae e minsan ay mas mataba naman kaya hindi daw talaga sila bagay sa isat-isa.

Nakikipag-blind date na rin siya sa mga binibigay ng kanyang mga kaibigan ngunit sasabihin lamang ng mga ito na mukha raw silang magkapatid kapag sinagot nila ang binata. Nasubukan na rin niyang tumakbo, mag-gym at lumaklak ng kung ano ano pang pampatangkad ngunit hiningal lamang ang binata.

Hindi pa rin nagkaka-nobya si Allan hangang ngayon. Hindi pa rin nakakatikim ng kahit anong klase ng pagtatalik dahil naniniwala siyang nais niyang ibigay iyon sa babaeng tatangapin siya ng buo. Nananalig na lamang si Allan sa tulong ng kanyang kamay at ilang malikhaing palabas para mairaos ang kanyang mga init na nararamdaman.

Kinalaunan ay nagkaroon ng bagong kinahihiligan si Allan. Ito ay ang pag-akyat niya ng mga bundok.

“Mag-isa ka lang? Broken-hearted? Ako naman ay isang NGSB. Hello, i’m Allan,” wika niya sa isang babaeng kasabayan niyang umakyat sa Mt. Kulot. Naabutan niya itong umiiyak.

“Nakakatuwa ka naman. Ako nga pala si Reyna,” saad ng dalaga sabay abot nito sa kanyang kamay.

Advertisement

Lumipas ang isang taon at dumalo si Allan sa kanilang college reunion.

“Hello, ako nga pala si Reyna, Mrs. Reyna Golop,” pakilala ng babae sa mga kaklase ni Allan. At hindi nga tayo nagkakamali. Oo, mag-asawa na ang dalawa.

Natutunan ni Allan na kapag nakatadhana ang isang bagay, mangyayari at mangyayari na lamang ito ng kusa. Para sa lahat ng hindi pa nakakahanap ng kanilang mamahalin habambuhay, maghintay lamang tayo dahil tiyak na darating din ang taong tatanggap sa atin ng buong-buo.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.