Inihulog ang Lalaki sa Dagat ng Kasamahang Seaman Dahil Buking Nito ang Baho Niya, Iyak Siya nang Malaman ang Pagkatao Nito

Matagal nang seaman si Rodolfo, kung saan-saang bansa na siya nakarating at malaki na rin ang kanyang ipon. May sariling bahay na siya, tatlong kotse at ilang negosyo na pinapatakbo ng kanyang mga kamag-anak. Sa edad niyang 49, pwedeng-pwede na siyang mag-retire.

Bukod kasi sa maganda ang sahod niya sa pagiging seaman, mas lumaki ang nakukubra niya dahil sangkot siya sa ilang ilegal na panghuhuli at pagbebenta ng mga hayop na malapit nang maubos. Mataas na ang posisyon niya sa barko at nakukuha siya sa suhol ng ilang mga kumpanyang nagshi-ship ng mga endangered species. Ibinebenta ang mga ito sa ibang bansa sa malaking halaga.

“Sir, secured na po.” bulong ni Gerald, isa sa mga seaman doon na kasabwat niya.

“Good. Alam mo namang maraming bago ngayon, hindi natin alam ang takbo ng kukote ng mga yan.’Yung leopard ba, siniguro mong hindi mag-iingay?” paniniyak niya.

“Mag-ingay man sir, walang makakarinig. Tsaka ho tinunduan ko ng pampatulog,” sabi nito, tinanguan niya ang lalaki bilang senyas na ayos na.

Kasalukuyan silang naglalayag at dala nila ang dalawang kahong pagong at isang leopard. Mahal dahil malapit nang maubos ang lahi ng mga ito.

Habang nakatanaw siya sa malayo ay inilabas niya ang pitaka. Kukunin niya sana ang calling card ni Mr.Lu, ang ka-sosyo niya ngayon nang mapasulyap siya sa isang lumang larawan. Bata pa siya, siguro ay 28 taong gulang at kaakbay niya ang dating nobya. Ang nag-iisang babaeng minahal niya.

Si Salome.

Advertisement

Hindi niya maiwasang himasin ang maamong mukha ng babae sa picture, nasaan na kaya siya ngayon? Kaaakyat niya lamang sa barko dati, napakaraming pangarap ang nais niyang matupad kasama ang dalaga.Bale ba ay nais niya nang pakasalan si Salome. Pero pagbalik niya sa Maynila matapos ang ilang buwan, wala na ito sa dating tinitirhan. Mula noon ay di na siya umibig pa sa iba.

“Sir, naglipat po ako ng ilang cargo sa basement, may nakita akong box doon na walang label. When I opened it, may mga pagong!”

Nagising siya sa pagkakatulala nang kausapin siya ng isa sa mga bagong seaman, si Roger.

Lintik, palpak si Gerald. Napakayabang pa nito at secured na raw! Buking naman pala agad ng isa sa mga bago. Baka ma-bulilyaso pa sila.

Nagpatuloy ang binata sa pagsasalita, “Sir I’m sure na mayroon dito sa mga kasama natin sa barko ang sangkot sa illegal na gawain. Bawal iyon diba ho?” tanong nito.

“Drop it Roger.” tiim bagang na sabi niya.

“H-Ho?”

“Ang sabi ko, wag kang makialam.” tiningnan niya ito ng masama. Bakas ang gulat sa mukha ng binata pero kalaunan ay tumigas ang ekspresyon nito.

Advertisement

“Ang taas ho ng tingin ko sa inyo Sir. Di ko akalaing kasing dumi ka rin pala ng iba.” sabi nito at tumalikod na.

Nahimas ni Rodolfo ang dalawang sentido niya at pasigaw na ni-radyo si Gerald.

“Akala ko ba secured na?! Kakanta yan, sigurado ako! Ganyang bago, magpapabango ng pangalan yan para tumaas agad ang ranggo. Agapan mo ito kung hindi ay tapos tayo pareho. Gusto mo bang makulong?!” halos suntukin niya si Gerald.

Mahirap kung itatanggi nila dahil kung tatawag si Roger ng pulis, tiyak na hindi pa sila nakakarating sa daungan ay nakaabang na ang mga ito. Hindi rin naman maaaring itapon nalang sa dagat ang mga hayop dahil kay Mr.Lu sila malilintikan, nakapagbayad na ang matandang intsik.

Isa nalang ang naisip nilang paraan. Si Roger nalang mismo ang patatahimikin nila. Tulog na ang lahat nang takpan ni Gerald ang bibig ng binata upang hindi ito makapalag at kaladkarin palabas ng quarters.

Doon ay nakaabang si Rodolfo.

“Pasensya kana bata, magaling ka sana at magaan ang loob ko sayo. Kaya lang masyado ka nang maraming alam eh.” kasunod noon ay tinalian niya ng duct tape ang dalawang kamay nito. Gayon rin ang dalawang binti ng binata.

Alam kasi nilang trained ang mga seaman sa paglangoy kaya siniguro nilang wala nang paraan upang mabuhay pa ang binata.

Advertisement

“Hindi ko na tatakpan ang bibig mo para makasigaw ka. Tutal naman wala nang makakarinig pa sayo. Kausapin mo ang mga isda. I-hello mo ako kay Little Mermaid ha?” sabi ni Rodolfo. Hawak ng isang braso niya si Roger, napakalakas ng alon at nasa kalaliman sila ng Atlantic Ocean.

“Lalabas rin ang totoo, habangbuhay mo itong dadalhin. Hindi ka matatahimik..Sir.”

Hindi na matagalan ni Rodolfo ang titig ni Roger, may kung ano sa mga mata ng binata na parang humahalukay sa sikmura niya kaya itinulak niya na ito. Isang malakas na tunog ng tumilamsik na tubig ang narinig noong gabing iyon, tapos ay wala na.

Umakto silang nagulat kinabukasan at wala ni isa mang naghinala na sila ni Gerald ang may kagagawan sa pagkawala ng isa sa mga seaman. Mabilis lumipas ang sandali at naipadala na nila ang mga hayop.

Tapos noon ay naglayag na sila pabalik sa bansa. Declared nang missing si Roger.

“Okay Sir, I’ll drop by the office at 9am. Okay.” sabi ni Rodolfo sa telepono. Tumawag ang boss niya mula sa opisina, naroon raw ang pamilya ni Roger at may kasamang attorney. Nais lang siyang mahingan ng statement bilang siya ang officer in charge ng paglalayag.

Madali lang naman ang plano niya, kunwari sasabihin niyang tanghali palang ay tila malungkot na si Roger. Parang may dinaramdam. Kaya baka naisip nitong magpakamatay.

Siguro naman hindi na magrereklamo ang pamilya nito, babayaran naman kasi ng 2 million ng ahensya. Choosy pa ba?

Advertisement

“Rodolfo, intindihin mo nalang na medyo hysterical ang pamilya. Lalo na iyong nanay, nag-iisang anak lang raw pala kasi.” paalala ng boss niya nang masalubong niya itong palabas ng opisina.

Naghanda na siya ng malungkot na ekspresyon bago kumatok ng tatlong beses sa pinto.

Pero napalitan iyon ng gulat nang makilala ang mga taong nasa loob. Si Kuya Abet, Ate Mylene..lahat ito ay mga kapatid ng dati niyang nobya.

At naroon sa dulo, sa tapat ng mesa ang halos matumba na at walang tigil kaiiyak na..si Salome. Kahit na nagka-edad na ay mababakas pa rin ang dating ganda nito.

“S-Salome?” hindi makapaniwalang sabi niya.

Saglit na sinulyapan lang siya ng babae, tapos ay nagtuloy na sa pag-iyak. “Roger..roger ko..” paulit-ulit na bulong nito.

“Ikaw ba ang officer in charge Rody?” tanong ni Ate Mylene, umiiyak rin.

Kinakabahan siyang tumango.

Advertisement

“Bakit mo siya pinabayaan?” noon lang nagsalita si Salome, titig na titig ito sa kanya. Hindi niya maunawaan ang nangyayari ngayon, pero iba ang kaba niya.

Nang hindi siya sumagot ay muling nagsalita ang babae at halos mawasak ang puso niya.

“Bakit mo pinabayaan ..ang anak natin?”

Napahawak si Rodolfo sa upuan sa gilid niya. Namanhid ang buo niyang pagkatao, para siyang hihimatayin. Nanlambot ang mga tuhod niya at nahaplos niya rin ang kanyang dibdib.

P*tang ina!

“Hindi mo alam, buntis noon si Salome nang maglayag ka. Pinaalis na kami ng landlady namin sa Valenzuela kaya naghanap kami ng malilipatan..hindi ka na namin na-contact. A-Alam mo ba na kaya nais ring mag-seaman ni Roger ay pangarap niyang magkita kayo balang araw, kahit na hindi niya alam ang itsura mo ay umaasa siyang makilala ka.” paliwanag ni Kuya Abet.

“Patawarin mo ako!” hiyaw niya. Nais niyang iuntog ang ulo sa pader hanggang mamatay na siya. Napaka-walang kwenta niyang tao. Ni hindi niya masabing napaka-walang kwenta niyang ‘ama’ dahil hindi siya bagay sa tawag na iyon.

“Ako ang pumatay sa kanya. A-Ako ang pumatay sa anak ko.” tulala niyang sabi.

Advertisement

Sa pag-amin niyang iyon ay lumutang na rin si Gerald at ito ang naglahad ng buong pangyayari, nakulong sila pareho pero para kay Rodolfo ay kulang pa iyon.

Doon na siya tumanda sa kulungan at binawian ng buhay. Ang kanyang huling habilin ay i-cremate ang kanyang katawan at isaboy ang abo sa karagatan.

Kahit man lang doon, makasama niya ang anak na iniwan. Kahit doon, madamayan niya ang piping saklolo nito noong gabing iyon. Kahit doon, makabawi siya sa kanyang mga kasalanan.