Nangaalipusta ng mga Pangit ang Babaeng Maganda, nang Siya ang Pumangit ay Nakatikim Siya ng Kahihiyan

Iritableng ibinato ni Rita ang hawak na salamin sa kanyang kama. Hindi maari! Sobrang dami ng kanyang tigyawat, ang iba ay natuyo na pero nag iwan ang mga iyon ng malalim na bakas sa kanyang mukha na lutong luto na ng kung anu anong gamot na pinagpapahid niya dahil desperada na siyang kuminis ulit. At nang masdan niya ang sarili sa salamin kani-kanina lang ay nakita niyang may ilang malalaking tigyawat ang papatubo na naman.

Kung kailan namang malapit na ang reunion nila! 30 years na ang nakalipas nang huli silang magkita ng mga kaklase, siya pa ang pinakamaganda noon. Ano ang ipagyayabang niya ngayon? Ang asawa niya ay hindi na nakapagtrabaho dahil nagkasakit ito sa abroad, naibenta na nila ang kotse at nangungupahan lang sila ngayon.

Sus! Tiyak namang mas miserable pa sila sa akin, lalo na si Myrna! Naalala niya ang kaklaseng maraming tigyawat noon, walang nagkakagusto rito dahil sa kanya nakatingin ang lahat ng binata. Kahit matalino ang babae ay wa epek iyon, natawa na lang siya. Siguro ay mas mahirap pa sa daga si Myrna, ang mga pangit na tulad nito ay walang puwang sa lipunan.

Biglang lumakas ang loob ni Rita. Alam na niya! Pupunta siya sa reunion, at magpapanggap na maganda pa rin ang buhay niya. Magyayabang siya at sasabihin niya na lang na na-allergy siya kaya napakarami niya nang tigyawat ngayon. Pero bago ang lahat, kailangan muna niyang magpa-facial para fresh tignan ang kanyang mukha.

Agad pumunta sa dermatologist si Rita, hinanap niya iyong pinakamahal. Di baleng magtipid muna sila sa bigas basta maipaayos niya ang kanyang mukha. Pagdating doon ay agad siyang inasikaso ng isa sa mga assistant at pinaupo sa isang sulok. Minasdan niya ang paligid, ang sosyal ng lugar! Siguro ay napakayaman na ng doktor na may ari nito. Di nagtagal ay lumapit muli sa kanya ang isang assistant.

“Ma’am nandoon na po si Doktora sa loob, doon na lang po kayo mag usap kung anong treatment ang mairerekomenda niya sa inyo.” sabi nito. Tumango lang si Rita at taas noong pumasok.

Naabutan niyang nakatalikod ang babae at naglalagay ng alcohol sa kamay. Napakakinis ng palad ni doktora, kutis mayaman talaga.

“Hello, Doc.” sabi niya. Humarap naman ito at nakasuot ito ng facemask. Kahit nakatakip ang kalahati ng mukha nito ay alam niyang napakakinis din noon, napansin niyang nanlaki ang mga mata nito nang mamasdan siya. Ahh, siguro ay nagulat ito sa dami ng tigyawat niya.

Advertisement

“Oo na, kaya nga ako nagpunta rito para magamot mo. Kasi alam mo doc, reunion namin sa Linggo hindi ako pwedeng makita ng mga kaklase ko na ganito. Kailangan magmukha akong mas maganda sa kanila, mas mayaman. Kasi inggit na inggit ang mga kaklase ko sa akin eh, mayroon nga noon inaasar ko pa, Myrnang Kurikong!” natatawang sabi niya rito.

Hindi naman umimik ang doktora at sinimulan na ang treatment sa kanya. Nang matapos ay parang kay gaan ng mukha ni Rita, magaling ang doktor. Lalabas na siya sa clinic nang tawagin siya ng doktora. Nanlaki ang mata niya nang tanggalin nito ang face mask.

“Kita-kits nalang sa Linggo,” nakangiting sabi nito.

Nagmamadaling umalis si Rita. Kahit na umayos ng konti ang kanyang kutis ay wala na siyang mukhang maihaharap sa kanyang mga kaklase, lalo na kay Myrna dahil sa mga sinabi niya rito. Hindi siya dumalo sa reunion, nang tanungin siya ng mga kaklase ay sinabi niya ang totoo, na nahihiya siya dahil hindi na siya ang Myrna na maganda tulad noon.

Di nagtagal ay naisip niya na baka ito na ang karma niya sa pagiging pintasera, tinanggap niya ang kapintasan at sinimulang hindi tignan ang kamalian ng iba at nagulat siya nang dumami ang kanyang naging kaibigan. Tila blessing din na gumaling ang kanyang asawa at muling nakapag-abroad.

Sa kabila ng ginhawa na natamasa ay nanatiling mabuti ang ugali ni Myrna, natuto na siya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!