Minaltrato at Ikinadena ng Walanghiyang Tiyuhin ang Ulilang Batang Babae; Matinding Balik ng Karma Pala ang Nag-aabang sa Kanila

Pang walo si Jane sa labing tatlong magkakapatid. Simple lamang at masaya ang kanilang pamilya, subalit dahil sa dami nila ay nakakaranas sila ng matinding hirap. Magkaganoon pa man ay nagtutulungan sila upang maidaos ang isang araw at maitatawid ang kalam ng tiyan.

Bagama’t naghihirap, patuloy pa rin sa pagkayod ang kanilang mga magulang upang matustusan ang kanilang pangagailangan sa araw-araw. Dahil nga sa sila ay marami, laging napupuno ang kanilang tahanan ng mga biruan at tawanan. Hindi perpekto, ngunit isang masayang pamilya.

Ang sayang kanilang nadarama ay bigla pa lang matutuldukan nang isang gabi ay sumiklab ang malakas na sunog sa kanilang bahay. Tinupok ng malaking apoy ang kabuuan ng kanilang bahay at halos abo na lamang ang itinara sa lahat ng nasa loob.

Sa buong pamilya ay tanging si Jane lamang at ang bunsong kapatid lamang ang nakaligtas. Ang sumsiklab na apoy at malakas na usok ang naging dahilan ng pagpanaw ng kanyang mga magulang at kapatid.

Naitakbo pa ang dalawa sa ospital, ngunit habang nasa daan ay binawian din ng buhay ang bunsong kapatid ni Jane. Wala na siyang mga kapatid at wala ding mga magulang. Isa na siyang ulilang lubos. Isang musmos lamang siyang walang muwang sa mundo nang maiwan na nag-iisa.

Wala ibang mapupuntahan ang batang babae kaya’t kinuha siya ng kanyang tiyahin. Mula sa probinsiya ay dinala siya sa magulong mundo ng Maynila. Lingid sa kanyang kaalaman ay doon na pala magsisimula ang pasakit na kanyang daranasin sa buong buhay niya.

Nang makarating siya ng Maynila ay tila ba hindi agad niya nagustuhan ang paligid. Ayaw niyang bumaba sa sasakyan at nais na lamang umuwi at bumalik sa pronbinsiyang pinanggalingan.

“Ano na, Jane? May plano ka pa bang bumaba diyan o ibebenta na lamang kita sa drayber?” inis na tanong ng kanyang Tiya Petchie.

Advertisement

“Bababa na po,” takot na sagot naman ng bata.

Pagpasok niya ay sumalubong sa kanya ang isang lalaking nakahubad, si Tiyo Esterban. Nakaupo naman sa kusina ay si Lolo Pancho. Nandoroon din naman ang pitong anak nila Tiya Petchie at Tiyo Esterban na naglalaro.

“Nakikita mo naman Jane, marami rin kami dito, kaya kung gusto mong makisama sa amin, eh makipagtulungan ka,” wika naman ng tiyahin.

“Opo tiyang.”

“Maninilbihan ka dito sa amin dahil hindi libre ang pagtira mo dito. Hindi naman pwede lalamon ka lang dito ng libre at magpapalaki ng kung ano,” seryosong sabi naman ng tiyahin.

Tumango lamang ang bata na tila ba ay wala naman na siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod, dahil wala naman na siyang ibang pamilya na pwede pang puntahan at lapitan.

Lumipas ang ilang araw ay natuklasan niya ang mga ugali ng tao doon. Si Tiya Petchie ay may pagkamadamot at masama ang ugali. Si Lolo Pancho naman ay strikto, at si Tiyo Esterban naman ay tamad at may pagkamanyakis.

Walang ibang magawa si Jane kundi tiisin ang lahat ng ginagawa at ipinagagawa sa kanya. Hanggang sa isang araw ay umabot sa sukdulan ang kawalanghiyaan na ginawa sa kanya ng mag-anak doon.

Advertisement

“Oy, Jane! Halika nga rito at may iuutos ako sa’yo,” sigaw ng tiyahin.

“Saglit lamang po tiyang,” tugon naman ni Jane habang tumatakbo papunta sa kusina.

“Aalis ako para mamalengke ha? Tignan-tignan mo itong sinaing at ulam. Kapag ito nasunog tatamaan ka sa akin,” bilin naman ng babae.

“O-opo tiyang,” mahinang tugon naman ng bata. Umalis ang babae habang naiwan namang nagbabantay ang bata.

Sa pag-iintay na maluto ang sinaing ay hindi nalamayan ng bata na nakaidlip na pala siya. Nagising lamang siya ng tumama sa ulo niya ang isang malaking palad na halos matangay na palayo sa katawan niya ang kanyang ulo dahil sa lakas ng hampas nito.

“Puro ka talaga katamaran na bata ka! Palamon ka na nga lang sa bahay na ito, nagsasayang ka pa ng pagkain ha?!” sigaw ni Esterban sa kanya.

“Pasensya na po tiyo, naka-idlip lang po ako kaya hindi ko po namalayan,” naluluhang sagot naman ng batang babae.

“Ano puro tutong ang ipapakain mo sa amin ha? Ito bang sunog na sinaing ang lalamunin namin? Walanghiya kang bata ka! Bakit hindi ka na lang nasunog kasama ng pamilya mo?! Wala kang pakinabang dito!” galit na sigaw ng lalaki.

Advertisement

“Hindi ko po talaga sinasadya tiyo. Patawarin po ninyo ako,” pagmamakaawa pa ng bata.

Subalit sinabunutan siya ng lalaki at saka kinaladkad palabas ng bahay dala ang sunog na kanin sa kaldero. Kumuha ng kadena ng aso si Esterban at saka ipinupulot sa leeg ng bata. Itinali ito sa may gate katabi ng kulungan ng aso.

“Nararapat lamang sa’yo iyan para magtanda ka!” wika ng kanyang tiyuhin.

“Tiyo, parang awa mo na. Tanggalin niyo na po ako dito!” pagmamakaawa ng bata.

Itinali pang muli ng lalaki ang kamay at paa ng bata at hinayaang nakabilad sa araw katabi ng kulungan ng aso habang nakakadena ang leeg. Walang ibang magawa ang bata kundi umiyak na lamang.

Ilang oras pa ang lumipas at dumating din si Tiya Petchie. Nagtataka siya kung bakit nakatali doon ang pamangkin. Akmang tatanggalin niya sana ang kadena nang pigilan siya ng kanyang asawa.

“Huwag mong tanggalin iyan! Pabayaan mo siya dyan. Sinunog ng batang iyan ang kanin natin. Dapat maturuan ng leksyon yan!” saad ni Esterban.

“Ay kaya naman pala naigapos ka diyan eh. Ubod ka kasi ng t*nga! Nararapat nga lang sa’yo iyan!” inis na pahayag naman ng babae.

Advertisement

“Tiyang, pakawalan na po ninyo ako. Nagugutom na din po ako tiyang,” iyak pa ng bata.

“Oh eto kainin mo!” inilabas ni Esterban ang pakainan ng aso na may mabahong amoy at saka doon inilagay ang tutong na kanin na may halong mga tira-tirang pagkain na para sana sa aso, “iyan ang kainin mo ha?!”

Kinalagan ng lalaki ang bata upang makakain sana, ngunit halos masuka naman ang bata sa tila kaning baboy na nasa harap niya. Ang malala pa dito ay sa mismong pakainan pa ng aso inilagay.

“Ano kumain ka bilis!” sigaw muli ng lalaki.

“Parang awa na po ninyo, hindi ko na po uulitin. Pangako po iyan!” pagmamakaawa ng bata sa mag-asawa.

Pinilit na ibinuka ni Esterban ang bibig ng bata at saka naman isinubo ng Petchie ang mga tira-tirang pagkain. Halos maduwal na ang bata sa lasa ngunit wala siyang ibang magawa kundi ang lunukin na lamang ito.

Matapos noon ay tumatawang pumasok ang mag-asawa sa looban ng kanilang bahay. At dahil hindi na iginapos pang muli ang kanyang mga kamay, nakahanap siya ng pagkakataon upang tanggalin ang kadena sa kanyang leeg. Nagmamadali siyang tumayo ang tinanggal ang kadena.

Nang matanggal ang kadena ay bigla siyang nakita ni Esterban. Nagmadali si Jane na tumakbo at lumabas sa gate habang tumatakbo naman ng mabilis ang lalaki patungo sa kanya. Napansin niya na bukas ang gate ng malaking bahay sa kanilang tapat kaya’t dali-dali siya doong tumakbo at pumasok.

Advertisement

Awtomatiko namang sumara ang gate nang siya’y makapasok doon. Kaya’t hindi siya naabutan ni Esterban, “walanghiya ka talagang bata ka! Lumabas ka diyan!” sigaw ng lalaki sa labas ng gate.

Labis ang kabang nadarama ni Jane ngayon. Nakaupo siya sa may gilid ng pintuan ng bahay nang biglang lumabas ang isang babaeng may edad na, “hija mabuti naman at nakapasok ka kaagad dito.

Kanina pa kita sinisilip mula rito. Mabuti at nakatakas ka kaagad sa mag-asawang iyon. Halika at pumasok ka sa loob,” pag-anyaya sa kanya ng ale.

Nilinisan siya ng katawan at saka pinakain ng maayos ng matandang babae. “Maraming salamat po sa pag tanggap ninyo sa akin dito,” naluluhang sabi ng bata.

“Nakita ko ang mga pangyayari, hija. Kaya’t noong makita ko na nakatakas ka ay agad kong binuksan ang gate upang makatakbo ka papasok dito. Buti na lamang at napili mo ngang pumasok sa aking bahay upang maging ligtas ka,” pahayag ng ale.

Nagpakilala ang babae bilang si Regina, isang mayamang matandang dalaga. Labis ang kanyang lungkot nang madinig ang masalimuot ng kwento ng buhay batang babae. Buti na lamang at may CCTV siya sa labas ng bahay kaya nakita niya ang pang-aabusong ginawa kay Jane.

Agad silang nagreport sa pulis upang isuplong ang mag-asawang nang-abuso sa bata. Dala-dala ang CCTV record ay agad na pinanagot ang mag-asawa. Nahatulan silang makulong ng matagal na panahon dahil sa pang-aabuso sa karapatang pambata.

Dahil wala nang pamilya ang bata, minabuti ni Regina na ipaayos ang papel ng bata at legal na ampunin. Itinuring niyang isang tunay na anak si Jane at kinalinga. Pinaramdam niya dito ang puro at tunay na pagmamahal ng isang ina.

Advertisement

Pinag-aral niya ang bata at sinuportahan sa lahat ng mga naisin nito. Naging masipag at mabait na anak naman si Jane sa kanya na labis niyang ikinatuwa. Naging masalimuot man ang naging karanasan ni Jane, ay laking biyaya naman ang dumating sa kanya sa bisig ni Regina.

Hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ay nakasuporta sa kay Jane ang matandang babae. Ngayon ay isa nang ganap na abogado ang dalaga at nagtatanggol ng libre sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata at babae.

Sa piling ng isang matandang dalaga ay muling naranasan ni Jane ang makaramdam ng pagmamahal ng isang magulang. Hindi niya kaano-ano ang matanda, subalit buong puso pa rin siya nitong tinanggap ang inaruga.

Minsan kung sino pa ang hindi natin kadugo ay sila pa ang nagpaparamdam sa atin ng kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng isang pamilya. Isang bukas na puso na handang magmahal ang ipinakita sa kanya ng matanda.

Dahil sa isang mabuting loob ay nasagip ang isang bata at nabigyan ng pagkakataon na makabangon at makaranas ng tunay na pagmamahal. Naparamdam sa kanya na kahit ulila na siya ay mayroon pa rin puso na handang pumuno sa pagmamahal na ipinagkait sa kanyang ibigay ng mga mapang-abusong kamag-anak.