Panakot ng Binata ay Ikakalat ang mga Walang Saplot na Larawan ng Nobya Kapag Nakipaghiwalay Ito sa Kanya, Pahiya Siya Nang Maisahan ng Dalaga

Nagkakilala si Joshua at Dianne sa kanilang eskwelahan noong sila ay hayskul pa lamang. Magmula pa noon ay masugid nang nanligaw si Joshua, at sinagot lamang siya ng dalaga nang pareho na silang nakapagtapos ng kolehiyo.

Mabait ang pakikitungo ng binata kay Dianne, kaya naman pati ang pamilya ng babae ay tiwalang-tiwala sa kaniya. Kaya naman sa tuwing nagpapaalam si Joshua na ilabas ang nobya, agad pumapayag ang nanay at tatay ng dalaga.

Pakiramdam ni Dianne ay swerteng-swerte siya kay Joshua. Labis ito kung mag-alaga sa kaniya, hatid sundo siya kahit saan siya magpunta, at madalas siyang ibinibili ng lahat ng kagustuhan niya.

Isang araw, biglang naramdaman ni Dianne ang malaking pagbabago sa ugali ni Joshua. Magmula nang payagan niya itong lumabas kasama ang mga lalaki nilang kaklase noong hayskul ay tila nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya.

Kung noon ay madalas manlambing ang binata, ngayon ay napakalamig na ng pakikitungo nito. Madalas pa ay nasisigawan niya ang dalaga kahit wala naman itong ginagawa sa kanya.

“Dianne! Ang tagal-tagal mo. Kanina pa ako dito!”, sigaw ni Joshua na naghihintay sa isang coffee shop na tagpuan nila ni Dianne.

“Hala, babe? 3:30 pm pa lang naman. Hindi ba, 4:00 pm ang usapan natin?”, tanong ng nagtatakang dalaga.

“Ah basta! Palagi ka na lang makupad kumilos. Bilisan mo na!”, dagdag pa ni Joshua.

Advertisement

Matapos ang araw na iyon, naging madalas na ang pagiging mainitin ng ulo ng lalaki. Napansin din ni Dianne na napapadalas na ang paglabas nito tuwing gabi kasama ang mga kaklase nila noong hayskul. Kaya naman naisip niyang tanungin ang isa sa mga ito.

“JM! Napapadalas ang labas niyo nila Joshua ah. San ba kayo nagpupunta?”, tanong ni Dianne sa dating kaklase.

“Nako. Hindi na ako sumasama! Noong una kasi naming pagkikita-kita, nagkayayaan sa isang bar. E wala, daming chikababes dun e. Lagot ako kay Tanya. Bakit? Sumasama pa rin ba si Joshua?”, paliwanag ni JM.

“Ah.. eh… Oo e. Anong ginagawa nila doon?”, tanong ni Dianne. Kinakabahan siya sa isasagot ng dating kaklase.

“Siyempre, inuman. May mga babaeng nagsasayaw din doon e. At ang alam ko, yung iba pwedeng i-kama basta babayaran mo. Nako, Dianne ha! ‘Wag mong mababanggit kay Joshua na ako ang nagsabi. Yari ako dun.”, pakiusap naman ni JM. Takot ito dahil kilala niya ang ugali ng lalaki.

Pumayag naman si Dianne sa pakiusap ng dating kaklase. Galit na galit siya sa kaniyang mga nalaman. Kaya naman pala nanlalamig na sa kaniya ay dahil may ipinalit nang iba! Kailan man ay hindi ginusto ni Dianne na makihati sa babae ng kaniyang nobyo, kaya naman agad-agad niya itong pinuntahan upang makipaghiwalay.

“Joshua! Ang kapal ng mukha mo. Kaya pala ha? Kadiri ka! Sa mga pokpok ka pa pumatol! Pagkatapos mo akong ligawan ng matagal, ipagpapalit mo lang ako sa iba? T*NGA!”, litanya ng galit na galit na si Dianne nang maabutan ang binata sa apartment nito.

“O, ano na naman? San mo na naman nakuha ‘yan?”, tanong ng tila walang pakialam na binata. Imbes na makipag-usap ng maayos ay nakasubsob pa ito sa kaniyang cellphone.

Advertisement

“Alam ko ang lahat! May nagsabi sa akin!”

“O, talaga? Sige. Subukan mo lang makipaghiwalay. Ipopost ko sa Facebook ang mga hubo’t hubad mong litrato!”, pagbabanta ni Joshua. Kahit pa may kinakalantari siyang ibang babae ay ayaw pa rin niyang pakawalan si Dianne.

“Demonyo ka! Hayop! Hayop ka!”, galit na galit na sabi ni Dianne. Agad itong nakaisip ng paraan kaya tumakbo siya palabas ng bahay ni Joshua at dumiretso sa isang malapit na kaibigan.

Nang makarating sa bahay ng kaibigang si Marie, agad ikinwento ni Dianne ang mga kahayupan ni Joshua.

“Sabi ko naman sa’yo e. Ayoko talaga dun. Halatang nagbabait-baitan lang. ‘Yan! Lumabas din ang tunay na kulay.”, ‘ika ni Marie habang ginagawa ang kahilingan ng kaibigan. Isang magaling na hacker si Marie. Kaya naman agad nitong nabuksan sa pamamagitan ng teknolohiya ang mga pictures sa cellphone ni Joshua at agad itong binura.

“Ok na?! Dabest ka talaga!”, tuwang-tuwang sambit ni Dianne habang yakap-yakap ang kaibigan.

“Oo. Gaga ka! Bakit kasi may mga ganoong pictures pa e!”, pang-aasar ni Marie.

Agad inilabas ni Dianne ang kaniyang cellphone. Nag-text siya kay Joshua at sinabing,

Advertisement

“Ano? May maipo-post ka pa? Sige lang. Subukan mo pa akong guluhin. Baka nakakalimutan mo, may picture ako niyang ANO mo! Hahaha! Mas nakakahiyang i-post ‘yan. Maliit! Hahaha!”, pang-aasar ni Dianne sa manlolokong kasintahan.

Pahiyang-pahiya si Joshua. Akala niya’y maiisahan niya ang dalaga, ngunit mas mautak pa pala ito sa kanya. Agad niyang tinigilan ang pangba-blackmail sa dalaga at tuluyan nang nilayuan ito.

Natutunan ni Dianne na kilalaning mabuti ang magiging nobyo, at huwag na huwag magbibigay ng mga malalaswang larawan sa kahit na sino.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!