Naglasing ang Torpeng Lalaki nang Malaman Niyang May Nakauna na sa Babaeng Minamahal; Nagulat Siya nang Sugurin Siya ng Babae at May Ipinagtapat

Matagal nang magkaibigan sina Tom at Liana, may lihim na pagtingin si Tom sa babae pero parang imposible namang mapansin siya nito. Parang hinding-hindi na siya makakaalis sa friendzone, tuwing nagtatangka kasi siya ay inaakala ng babae na biro iyon. Minsan pala ay hindi rin maganda ang maging sobrang patawa, kahit seryoso ka na ay walang naniniwala.

Kaya naman dinadaan niya na lamang sa pang-aalaska ito, ang cute-cute kasi kapag napipikon. Umiirap ito at palagi siyang kinukurot sa baywang.

“Paano kasi tita, menopause na yan kaya mataray,” sabi niya sa nanay ni Liana isang gabing kumakain siya ng hapunan sa bahay ng dalaga, ganoon sila ka-close. Ka-pamilya na rin ang turing sa kanya ng pamilya nito.

“Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo, 28 pa lang ako, g*gong to,” sabi ni Liana na natatawa .

“28 at wala pang asawa, paano kasi ubod ng taray, hindi naman kagandahan,” pang aalaska niya pa, kahit ang totoo ay gandang -ganda siya sa babae. Kahit maghapon at magdamag niya itong titigan ay di siya magsasawa.

“Kuya Tom, wag ka namang ganyan, nape-pressure tuloy si Ate mag-asawa,” sabi ng nakababatang kapatid ni Liana, sinundan pa iyon ng kindat ng binatilyo sa Ate niya, paano kasi, hihingi ito ng allowance mamaya.

“Ano’ng pressure..baka pressure cooker ang kailangan ng Ate mo kasi makunat na sya!” pagkasabi noon ay nasamid pa ang lalaki sa kakatawa, sinundan naman iyon ng hagikgik ng nanay ni Liana. Bagamat naaasar ay tumawa rin ang dalaga, paborito talaga siyang asarin ng hinayupak na lalaking ito.

Nasa salas na sila at nagkukwentuhan pa rin ng biglang magtanong ang nanay ni Liana, “O, kailan pala dadalaw iyong manliligaw mo? si..Ted tama?” sabi nito.

Advertisement

Aba, teka..sa isip-isip ni Tom, “Sino ang nabulag sa’yo? Alam ba niyang may pagka-mangkukulam ka?” sabi niya sa dalaga.

“Officemate ko yun, hello, napaka-pogi noon no. Wag mo kong mamalakihan na tisoy ka, tisoy din yun,” taas kilay na sabi ng dalaga.

“Sus, susuko rin yan. Sa taray mong yan, tignan natin,” nakangiting sabi niya. Paano kasi, ang ibang manliligaw ni Liana ay sumuko na lahat dahil lingid sa alam ng dalaga, binabakuran niya ito.

Sana lang talaga magkaroon siya ng lakas ng loob na ipagtapat ang nararamdaman niya, bago pa sila tumandang dalaga at binata.

Lumipas ang tatlong araw at pumunta rin si Tom sa bahay ni Liana dahil alam niya, na sa gabing iyon dadalaw ang pinagmamalaki nitong ‘Ted’. Sus, tignan niya nga kung sino ang mas gwapo. Di naman siya papahuli ano, sabi nga ng nanay niya ay hawig niya raw si Ian Veneracion.

Pagpasok ni Tom sa bahay nina Liana ay naroon na si Ted, simpatiko ito, may dalang mga rosas at chocolate. May bitbit rin itong cake at ang ngiti ay pwede na sa commercial ng toothpaste.

“Good evening bro,” sabi nito sa kanya, kinamayan niya naman ito pero nagmamasid lang si Tom. Parang nakakuha siya ng katapat ah!

Nang matapos ang gabing iyon ay nagpaalam na rin ang lalaki, naiwan si Tom at Liana sa pinto, tinatanaw ang kotse nitong papalayo na.

Advertisement

“Ano, gulat ka no? Tss, parang pinunit sa pocketbook no?” nagmamalaking sabi ng babae.

“Hindi naman masyado, parang normal lang. Ano’ng pinunit sa pocket book?”

“Parang galing sa pocketbook. Gwapo, gentleman, may magandang trabaho..” itinaas pa ng babae ang mga daliri na parang nagbibilang.

“Ako rin naman ah, gwapo ako, gentleman- hindi pala masyado, pero may maganda rin akong trabaho, kapo-promote ko nga lang,” sabi niya naman.

“G*go bakit mo ba kinukumpara sayo eh hindi naman kita manliligaw?” natatawang kantyaw ni Liana at di nakasagot si Tom. Masyadong awkward ang paligid kaya napagpasyahan na ng lalaki na magpaalam na rin umuwi.

Lumipas ang ilang linggo at narinig ni Tom sa nanay ni Liana na balak na raw sagutin ng dalaga ang manliligaw, lalo tuloy siyang napanghinaan ng loob. Hindi na siya dumalaw pa muli sa bahay ng mga ito, para niya na ring pinapatay ang sarili niya sa tuwing nakikita ang dalaga pero di naman magiging kanya ito.

Dalawang linggo pa ang lumipas, ni text ay hindi siya nagpaparamdam sa dalaga. Hindi niya rin binabasa ang mga messages nito, tiyak niyang puro pang-aasar lamang iyon.

Nasa US na ang magulang niya at siya na lamang dito sa bahay kaya naisipan niyang mag inom, baka sakaling malunod sa alak ang pagiging sawi niya. Baka sakaling malimutan niya, na ang dalagang matagal nang minamahal ay maaaring pag-aari na ng iba ngayon.

Advertisement

Hilong-hilo na siya sa alak nang marinig niyang may kumatok sa kanyang pintuan. Nagha-hallucinate na siguro siya dahil nakita niyang si Liana iyon nang pagbuksan niya.

“Uy! Ang gandang panaginip! Akin ka na lang miss, hik!” sabi niya, ngumingiti pa sa kawalan.

“Gago ka talaga ano? Bakit hindi ka nagpaparamdam, ano bang trip mo? T*ng ina naman Tom, ang tatanda na natin! Ano ba talaga kasi-” hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin dahil hinalikan na ito ni Tom.

Dahan-dahang iminulat ni Tom ang kanyang mga mata, hindi niya matandaan kung paano siya napunta sa kama. Alam niya ay lasing na lasing na siya at nanaginip pa nga siyang pinuntahan siya ni Liana- doon siya napalingon.

Nandito nga si Liana, sa tabi niya! At..at..nakahubad ito! Teka.. nakahubad din siya!

Doon lang biglang bumalik ang mga alaala niya, sh*t! Bagamat kinakabahan na magalit ang babae ay aaminin niyang may bahagi ng puso niya ang tumalon nang ma-realize na may nangyari sa kanila.

Maya-maya pa ay nagmulat na rin ang babae, nakasimangot ito.

“Ano? Tinitingin-tingin mo?” sabi nito sa kanya, di naman nakaimik si Tom. Tigre talaga ang babaeng ito, ang iba ay mahihiya sa ganitong sitwasyon pero ito pa ang galit ngayon. Kung tutuusin ay.. virgin ito kaya dapat ay may konti man lang pagkailang, pero wala eh. Iba si Liana.

Advertisement

“Wala.. baka, baka magalit si Ted.” sabi niya na lang.

“Ted ka ng Ted, ikaw yata ang may gusto doon eh.”

“Ikaw kaya, sabi mo nga si Ted parang pinunit kamo sa pocketbook. Kaya nga napanghinaan na ako ng loob na sabihin na mahal kita,” kita niyang napangiti ang babae nang sabihin niya ang mga salitang iyon; itinuloy niya ang paliwanag, “Kaya nga nagmu-move on akong mag isa kasi mukhang doon ka naman sa kanya masaya, ano nga ba naman ang laban ko doon,” sabi niya.

Nagulat siya nang hawakan ni Liana ang dalawa niyang pisngi, “Ikaw lang ang hinihintay ko, matagal na. Napaka-torpe mo kasi, kung hindi ka pa malasing hindi pa magtatapat. Kung hindi pa kita pagselosin hindi ka pa matatauhan. Si Ted parang galing sa punit na pahina ng pocket book, at ikaw Tom.. ang tanging punit lang sayo ay ang brief mo, pero mahal kita,” madamdaming sabi ng babae.

Napangiti sa kilig si Tom, hindi niya inakalang mahal din pala siya ni Liana. Kung anong galing niyang mang alaska ay ganoon naman siya kahina sa panliligaw kaya ang misis niya na ang gumawa ng paraan, oo. Misis niya na ngayon si Liana dahil matapos ang dalawang taon ay nagpakasal rin sila. Ngayon ay kabuwanan na nito sa kanilang panganay na anak.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.