Inabutan ng Lalaki ang Pulubing Matanda ng Pera Pambili ng Tinapay, Ikinabigla Niya nang Malaman Kung Sino ang Kumain ng mga Ito

(Photos are for illustration purposes only.)

Kaka-graduate lang si Joshua sa kolehiyo noong Marso at ngayon ay excited na siyang maghanap ng trabaho. May kaya naman ang kanilang pamilya pero syempre, iba pa rin iyong kumikita siya ng sariling pera. Sa Makati, Sa MOA, sa Taguig ang mga nakita ni Joshua na magagandang mga kumpanya na posibleng apply-an niya.

(Photos are for illustration purposes only.)

Kinabukasan ay bihis na bihis ang binata, matapos kumain ng almusal ay diretso na siya sa terminal ng bus para bumyahe papuntang Makati.

(Photos are for illustration purposes only.)

Pagkarating doon ay puno na ang naunang bus at kailangan pa niyang hintayin ang kasunod. Hindi siya masyadong nakakain ng almusal dahil siguro sa excitement ngunit ngayon ay nakaramdam siya ng gutom, buti na lang natanaw niya ang isang bakery.

(Photos are for illustration purposes only.)

Inabutan niyang bumibili ang isang matandang lalaki, parang basurero ito dahil maraming dalang plastik na bote, marumi ang suot at ang paa ay puro uling.

Advertisement

“Magkano itong monay ‘ne?” tanong nito sa tindera.

“Tres ho isa.” sagot naman nito habang nagtetext.

Binilang ng matanda ang pera sa palad, gusot na bente pesos at mangilan ngilang barya, tila naman nadismaya ito at tumingin nalang ng ibang tinapay.

“Eh itong mamon?” tanong ulit nito,nanginginig na tinuro ang mga tinapay sa salamin.

“Ganun din.” simpleng sagot ng tindera.

(Photos are for illustration purposes only.)

“Ito kayang bicho?” tanong ulit nito sa tindera.

“Tres din ho. Ano sayo?” naiinip na ang tindera, kaya siya na ang inuna nitong tanungin.

Advertisement

“Donut dalawang piraso at isang RC Cola maliit lang paki-plastic.” sabi niya sabay abot dito ng 50 pesos, di niya maiwasang sulyapan ang matanda sa gilid na tila nagkukwenta ng pera.

Pagkaabot ng tindera sa kanya ng pagkain at nang sukling 20 pesos ay iniabot niya ito sa matanda.

“Dagdag nyo na ho.” sabi niya rito at umalis na, narinig niya na lang na sumigaw itong “Salamat!”

Pumara na lang ng ordinary bus si Joshua dahil kung hihintayin niya pa ang airconditioned bus ay tatanghaliin siya. Agad namang umandar ito at tumigil lang sa may stoplight. Saktong naroon ang matanda kanina, sa ilalim ng hagdan ng overpass, napapaligiran ito ng maliliit na bata.

(Photos are for illustration purposes only.)

“Lolo! Dami tinapay yehey!” sabi ng mga batang gutum na gutom na kinain ang mga tinapay.Masayang nakatingin ang matanda sa mga ito.

“Sang galing lolo?” inosenteng tanong ng isa.

“May mabait na anghel lang na tumulong sa atin apo. Magpakabusog kayo.”

Advertisement

Napangiti si Joshua, maliit na bagay sa kanya ang sukling iyon pero nabusog noon ang ilang sikmura at ilang malalaking ngiti ang naihatid sa mga bata.

Tila pinagpala naman siya dahil natanggap agad siya sa unang trabahong innapply-an.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.