Paghiwalayin Natin Sila

Kahit naka-palda ay walang pakialam si Alice, dali-dali siyang umangkas sa motorsiklo ni Edge.

“Pag tayo nahuli ng pulis dahil ayaw mong mag-helmet, lalong mabubulilyaso ang plano natin.” nakasimangot na sabi ng binata.

Kahit alam niyang di siya nakikita nito ay umirap pa rin siya, “Pakialam mo ba? Ang hirap kayang ayusin ng buhok ko. Tapos ikukulob mo lang sa helmet? Ano na lang ang itsura ko niyan, pag nakita natin sila? Kung ako sayo ay bilisan mo na ang pagpapatakbo nitong motor! Sabi na kasi kotse nalang ang dalhin eh,”

“Edi lalo tayong nahirapang sumingit. Minsan miss, ang ganda mo kaya lang hindi ka nag iisip.” pang aalaska nito.

Hindi na siya nagsalita at umirap nalang ulit. Kahit nakakainis at masungit ang binata, kailangan niya ito. Mali, kailangan nila ang isa’t isa.

Mayroon siyang dating nobyo, si Dennis. Wala pa silang isang taon ng lalaki pero masasabi niya namang minahal niya ito. Kaya lang, dahil nga ayaw niyang isuko ang bataan hanggang hindi pa sila kasal ay ipinagpalit siya nito. Ang bago nitong jowa ngayon? Walang iba kundi si Korine, ang dati namang nobya ni Edge.

Sa madaling salita, silang dalawa ni Edge ang mga iniwan. Hindi nila matanggap iyon kaya heto sila, nagkasundo para mabawi ang mga jowa nilang kumawala. Ang plan A, pagseselosin ang dalawa. Ang plan B naman, aakitin.

Siguro naman, hindi iyon magiging mahirap diba? Kasi may pinagsamahan na naman sila ni Dennis.

Advertisement

Nakarating na sila sa coffee shop na pag aari ni Korine, napag alaman kasi nilang doon nagkikita ang dalawa.

“Sobrang arte mo, promise. Si Korine ko simple lang eh.” wika ni Edge habang ipinaparada ang motor sa parking. Nagsasalamin kasi siya sa side mirror nito at iniusli niya pa ang pwet.

“Hoy, akong maarte ay tapat magmahal. Si Korine mong simple, ipinagpalit ka.” pang aasar niya.

Tila napikon ito dahil hinapit ang bewang niya at taas ang kilay na nagsalita, “Anong sinabi mo?”

Nabigla si Alice, hindi siya nakasagot..sandali ring natulala ang binata at napatitig sa kanya.

“H-Hoy, ano ba. Bitiwan mo nga ako.” kunwaring pagtataray niya.

“Ang kapal mo naman miss, practice na po iyon ng acting natin.” sagot naman nito at nauna nang maglakad.

Pagpasok nila sa coffee shop ay magiliw na magkaakbay ang dalawa. Hinalikan pa siya ni Edge sa pisngi at medyo nailang ang dalaga, hindi niya lang ipinahalata.

Advertisement

Umorder sila ng kape at sinimplehan ang cashier, “Palagyan nalang ng extra shot ng espresso. Ah miss, nasaan pala ang boss mo? Si..Korine. Im a good friend of hers,” ngiting ngiting wika niya.

Nagpabalik balik ang tingin nito sa kanilang dalawa, marahil ay nakikilala si Edge na dating nobyo ng amo. At nagtataka na rin kung paano siya naging ‘good friend’ kung nobyo niya ngayon ang ex ng babae. “Umalis po eh.”

“Umalis?” sabay nilang tanong ni Edge. Shocks, sayang ang effort nila.

Kung akala nila ay iyon na ang pinakamasamang balitang pwede nilang marinig, may mas titindi pa pala.

“Opo madam. Kasama po si Sir Dennis, iyong fiance niya. Ang alam ko po, makikipagmeet sa wedding coordinator.”

“What? Wait, what the f*ck?!” napalakas ang boses ni Alice kaya inakay na siya ni Edge palabas.

Parang umakyat yata ang dugo niya sa ulo, kasal agad?! Dalawang buwan palang ang mga ito, anak ng tokwa! Mag iisang taon sila ni Dennis kahit singsing na gawa sa pwet ng baso ay hindi siya nabigyan ng hinayupak!

“What? What do we do now?”nagpa-panic na sabi niya kay Edge. Tahimik lang ang lalaki.

Advertisement

“Hindi tayo susuko. Pangako, paghihiwalayin natin sila. Babalik sila sa atin,” desididong sabi nito. Hinawakan pa ang kamay niya.

Iyon nga ang kanilang ginawa, kung saan saan nila sinundan ang mag-nobyo. Nakita sila ng dalawa pero parang walang epekto kahit halos maghalikan na sila sa harapan ng mga ito.

Ayaw mang aminin ni Alice, nakakaloka mang pakinggan, parang ayaw niya nang matapos ito. Parang ang pagpapanggap nila sa harap ng dati nilang mga kasintahan ay totoo na sa puso niya. Hindi na ito dahil kay Dennis, kundi dahil kay Edge na. Natutuwa na siya kapag niyayakap siya nito, o nilalambing dahil..mahal niya na ang binata.

Bwisit ang puso niya, ang hilig lumagay sa delikado! Tiyak naman kasi, panibagong heartbreak na naman ito.

Mabilis lumipas ang panahon, hindi maamin ni Alice ang nararamdaman niya. Natatakot kasi siya na kapag nalaman iyon ni Edge ay isipin ng lalaki na bulilyaso na ang plano at layuan na siya. Kaya pinanindigan niya na lamang ang pagpapanggap na gusto pa rin niyang makipagbalikan kay Dennis.

“Anong tinitingin-tingin mo dyan?” kunwaring mataray na wika niya kay Edge, narito sila sa isang bar at titig na titig ito sa kanya.

“You’re beautiful. Bakit ka naghahabol?” maging ito ay nagulat rin sa tanong na iyon.

“D-dahil..dahil I love Dennis?” wika niya. Sh*t, labas sa ilong. Sana hindi nito nahalata. Nang tingnan niya naman ito ay lumalagok na ng alak.

Advertisement

Kung mamasdan, mas gwapo naman talaga si Edge kay Dennis. Bulag yata siya na hindi niya iyon nakita noon. Pero mas bulag si Korine, kasi ipinagpalit pa ang binata. Sa ilang buwan nilang magkasama ay madaling nahulog si Alice rito, mabait kasi, maginoo kahit na masungit kadalasan, matalino at responsable. Nakakatawa pang kausap.

Bagay sila. Ay, ilusyunada.

“Come on girl, drink.” alok ng binata sa kanya.

“I don’t-”

“Pampalakas ng loob, remember, plan B.”

Oo nga pala, ngayong gabi na nila gagawin ang plan B. Kinabukasan kasi ay kasal na nina Korine at Dennis, nabalitaan nilang magpaparty ang magnobyo rito kaya ko-cornerin na nila. Sunud-sunod na nilagok ni Alice ang laman ng ilang baso. Hindi niya na alam kung gaano karami basta bigla na lamang umikot ang kanyang paningin.

Ang gaan rin ng pakiramdam niya, iyon bang malaya.

“Alam moh, hik! Gwapoh ka eh! Naga-gwapuhan ako sayoh,” humahagikgik na sabi niya kay Edge ilang sandali pa. Humawak siya sa leeg nito at sumandal sa malapad nitong dibdib.

Advertisement

Hindi naman sumasagot ang binata, basta ang lakas lakas lang ng tibok ng puso nito.

“Huy! Sabi koh, nagagwapuhan ako sayoh! Kakainish ka naman eh! Kung gusto mo, hik! Parah makaganti talaga tayoh, tayo nalang ang magpakasal! Unahan natin sila sa simbahan!”

Nang hindi pa rin ito sumasagot ay tumingala siya nang kaunti. Nahuli niya itong nakatingin sa hindi kalayuan, nang sundan niya ang direksyon ng mata nito ay tila sinaksak ang mata niya nang makita kung sino ang tinatanaw ng binata.

Si Korine.

Umiinom ng alak ang babae sa isang gilid. At the end of the day, si Korine pa rin pala. Ano ba ang mayroon ito na wala sa kanya?

Dala siguro ng kalasingan, malakas ang loob ni Alice. Nang makita niya naman si Dennis na nakikipagsayawan sa mga kaibigan nitong lalaki ay kumalas siya kay Edge.

“Where are you going?” narinig niyang tanong ng binata pero di niya na ito nilingon.

Tumapat siya kay Dennis, nagulat pa ang lalaki nang makita siya. Hinawakan niya ang leeg at ginilingan ito.

Advertisement

“Woah pare! She’s your ex diba? Baka makita kayo ni Korine,” sabi ng isang binata.

Damn Korine, sa isip isip naman ni Alice.

“Akin ka nalang baby,” sabi ng isa pa.

Nakapikit siya at tuloy lang sa pagsasayaw bagamat napakabigat ng kanyang puso. Namalayan niya na lamang na may humihila na sa kanya.

“Ano bah! Hik!” sabi niya, kinaladkad na pala siya ni Edge palabas. Nang nagpupumiglas pa rin siya ay binuhat na siya ng binata na parang bata tapos ay pabalyang isinakay sa kotse nito.

“Anoh bah! What the hell is wrong with yhou?!” galit na wika niya.

“I’ll give you what you want.” walang lingon-lingong sabi nito tapos ay nagmaneho na. Nakabibingi ang katahimikan. Ilang minuto lang ay narating nila ang condo ng binata. Pinababa siya nito ng kotse at tahimik na inakay paakyat.

Hindi alam ni Alice kung ano ang aasahan niya pero mas hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sumasama pa rin siya.

Advertisement

Nang makapasok sila sa loob ay siniil siya nito ng halik. Galit. Mapusok. Nagpaparusa.

Pero nang maramdaman nito ang mga luha sa kanyang pisngi ay naging masuyo iyon at puno ng pagmamahal.

Noong gabing iyon, isinuko ni Alice ang sarili sa lalaking laman ng kanyang puso.

Kinabukasan

Nagpalakpakan na ang mga tao sa simbahan ay tulala pa rin si Alice. Katatapos lamang ng kasal nina Korine at Dennis, hindi siya imbitado pero nakapasok naman siya sa simbahan. Nasa bandang likuran lang siya.

Ang hapdi hapdi ng puso niya hindi dahil sa ikinakasal, kundi dahil ibig sabihin, tapos na rin ang lahat sa kanila ni Edge. Wala nang dahilan pa para magsama sila dahil naikasal na ang nais nilang paghiwalayin.

Naglabasan na ang mga tao, kaya sumabay na rin siya sa paglalakad sa labas ng simbahan. Napahinto nalang siya nang biglang may tumawag sa kanya.

“Alice? What are you doing here?”

Advertisement

Paglingon niya ay kinakausap pala siya ni Korine, lagot. Nakita siya ng babae.

“Nagsisimba lang-”

“Don’t tell me, hindi ka pa rin nakakamove on? Akala mo, hindi ko alam ang ginawa mo sa asawa ko kagabi? Alam mo sobrang nakakaawa ka,” taas ang kilay na sabi nito. Nagbulung-bulungan ang mga tao. “Everyone, this woman here- she tried to ruin us. This woman-“

“This woman, ay ang babaeng inagawan mo ng minamahal. Kaya wala kang karapatang pahiyain siya.”

Nagulat si Korine sa boses na iyon, maging si Alice ay unti-unting napalingon. Papalapit sa kanila si Edge, inakbayan siya nito at siniil ng halik.

“Hah! So nagsama ang dalawang talunan,” bulong ni Dennis.

“Alam mo pare, we wish you all the best. Sana, maging masaya ang buhay mag asawa ninyo kahit alam naman nating lahat na nanloko kayo pareho. You know what? Blessing in disguise pala kasi pinakita ng Diyos na di kami bagay sa inyo. Kayo ang bagay sa isa’t isa, pareho ng kulay.

Thank you, if you didn’t dump me Korine, siguro ay di ko nakilala si Alice. Ang pinakamamahal ko.You deserve each other,” simpleng wika nito tapos ay inakay na siya palayo.

Advertisement

Naiwan ang bagong kasal na nakatanga at pahiyang pahiya.

Nang makasakay sila ni Edge sa kotse ay hinawakan ng binata ang kamay niya.

“Bakit ka umalis kanina?” seryosong tanong nito, oo nga pala. Iniwan niya ito sa kama. Tinakasan niya. Natatakot kasi siya sa sasabihin nito paggising.

“A-Ano kasi, alam ko naman na si Korine pa rin-” hinalikan siya ni Edge. Bakit ba ang hilig hilig nitong putulin ang mga sinasabi niya?!

“Matagal na siyang nabura. Matagal ka nang narito, mula pa noong inangkas kita sa motor at ayaw mong maghelmet.” natatawang kinurot nito ang kanyang ilong.

“Mahal kita Edge..” bulong niya.

“Mas mahal kita..”

Sino ang mag aakalang ang dalawang iniwan pala ang siyang magkakatuluyan? Siguro ay sinadya ng Diyos na wasakin ang kanilang mga puso, binigyan sila ng matinding pagsubok upang ihanda sila para sa isa’t isa. Ganoon naman talaga eh.

Advertisement

Ngayon ay masaya na silang namumuhay kasama ang isa’t isa, kasal na at may apat na anak.

Images courtesy of www.google.com