Ikinagulat ng Isang Dalagita ang Nabasa sa Diary ng Kapatid Pagkatapos Niya Itong Pagsalitaan ng Masakit

Panganay si Karinda sa tatlong magkakapatid. 6 na taong gulang ang sumunod sa kanya, si Jemar; 5 buwan ang kanilang bunso,si Kel; habang siya naman ay 14 taong gulang.

Siya ang naatasang magbantay sa mga ito habang bakasyon dahil panggabi ang trabaho ng kanilang ina, ang ama naman nila ay isang tricycle driver ngunit lulong ito sa bisyo at madalas ay wala sa bahay, minsan ay mga ilang araw itong hindi umuuwi.

Inis na inis ang dalagita sa buhay niya. Ang ibang kaklase niya ay may mga magagandang cellphone at eto siya hawak hawak ang lumang modelo ng Nokia. Hindi niya alam kung bakit kinuha pa siya ng mga magulang samantalang kay ganda na ng buhay niya sa lolo at lola, ahh oo. Para mag alaga ng bata.

Malayo ang loob ni Karinda sa magulang dahil hindi siya pinalaki ng mga ito at ngayon na lang siya kukunin ay pag aalagain pa siya ng dalawang kapatid na maliit. Ano ba’ng malay niya rito? Ni hindi siya nauutusan kapag nasa lolo at lola siya.

Mahirap mag alaga ng 5 buwang sanggol, mabuti na lang at nariyan ang 6 na taong gulang na si Jemar para kahit papano ay mautusan niya, pero hindi niya pa rin maiwasang mainis sa bata, isa ito sa alagain niya.Palagi siyang nakairap at nakasigaw rito kahit wala naman itong ginagawa sa kanya.

Isang gabi, nagbabalot ng mga notebook na gagamitin ni Jemar sa school si Karinda, nang umiyak ang baby.Kinarga niya agad ito at inutusan si Jemar na kunin ang gatas sa itaas, abalang nagsusulat ang bata sa isang notebook, palagi nitong ginagawa iyon tuwing gabi.

Advertisement

“Bilisan mo naman jm! hindi nako magkandatuto dito!” bulyaw nya sa bata.

“Opo.” sabi nito at nagkukumahog na umakyat sa itaas.

“Ate ubos na tong nandito!” sigaw nito mula sa itaas.

Habang karga ang batang umiiyak ay sinubukang magtimpla ni Karinda ng gatas ngunit dahil malikot ito ay natabig ng munti nitong paa ang garapon at tumapon lahat ng powdered milk.

“Leche!” sigaw ni Karinda.

Natahimik naman ang tila nakakaintinding sanggol, nakatitig lang ito sa kanya.

“Ate wag mo nang pagalitan si Kel.. gutom po siguro siya..” bulong ni Jemar na nasa ibaba na pala ng hagdan.

“Kinakausap ba kita?! wag kang nakikisagot hindi naman ikaw ang nahihirapan sige nga ano kaya mo bang kargahin to? Kung kaya mo edi sana kayo nalang dito sa impyernong bahay na to pahirap kayo.” bulyaw niya sa kapatid.

Advertisement

Nasaktan ang bata at umakyat sa kwarto. Makalipas ang ilang sandali ay natulog na rin ang sanggol at nagliligpit na ng mga gamit na pinagbalutan ng notebook si Karinda.

Nadampot niya ang notebook na laging sinusulatan ni Jemar, at isa palang diary iyon.

Si ate ang nag ayos ng gamit ko. Kasusulat lang nito kanina, iyon pala ang pinagkakaabalahan nito habang nagbabalot siya ng gamit, akala niya ay hindi siya binibigyan ng atensyon bata, iyon pala ay proud na proud pala ito at may drawing pa.

Binuklat niya ang susunod na pahina na ang date ay noong isang araw.

Si Ate minsan masungit pero hindi na ako nasagot.

Halos maluha si Karinda dahil puro pala tungkol sa kanya ang isinusulat ng kapatid,sunud sunod niya pang binuklat ang mga pahina.

Advertisement

Si ate love na love ko iyan #1

I love you ate.

Na-realize ni Karinda na walang kasalanan ang mga kapatid niya sa kasalanan ng mga magulang niya, ang mga ito ay tulad din niya na kailangan ng pagmamahal. Sa katunayan, siya nga itong naging makasarili pero mahal pa rin siya ng kapatid. Kung may pagkukulang ang magulang niya ay sumumpa siyang siya ang magpupuno noon, simula noon ay naging mabuti ang samahan ng tatlo. Lumaki ang mga bata na mahal na mahal ang kanilang ate.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.