Ginawa na ang Lahat Upang Maisalba ang Buhay ng Sanggol, Ngunit Iba Pala ang Kailangan Nito Upang Mabuhay

Si Karen ay mayroong isang anak na lalaki, si Michael, 3 taong gulang. At dahil buntis si Karen sa pangalawang anak, inihahanda niya na si Michael na magkaroon ng kapatid at tinuruan na ito kung paano maging mabuting Kuya.

Babae ang pangalawang anak ni Karen ayon sa ultrasound, araw araw ay kinakantahan ni Michael ang tiyan ng ina, nakabuo na sila ng samahan ng kapatid niya kahit hindi niya pa ito nakikita.

Normal ang naging pagbubuntis ni Karen, hanggang isang araw ay bigla nalang sumakit ang tiyan niya. Ang inakala nilang magiging masayang pagsalubong sa bata ay kabaligtaran pala dahil maraming komplikasyon ang kinaharap ni Karen at ng sanggol.

Nang manganak siya, ay kritikal ang lagay ng sanggol. Kinailangan siyang mamalagi sa Neonatal Intensive Care Unit, o isang pangangalaga para sa mga sanggol na may malalang kalagayan. Habang lumilipas ang araw ay mas lumalala ang kalagayan ng sanggol.

Ayon rin sa doktor ay napakaliit ng pag asa na mabuhay ang bata. Kinausap na ni Karen at ng kanyang mister ang isang sementeryo para bumili ng lupa rito. Samantala, nangungulit naman lagi si Miachel sa mga magulang na payagan siyang makita ang sanggol.

”Kakantahan kopo siya. “ Paulit ulit niyang sabi.

Advertisement

Sa ikalawang linggo ng sanggol sa ospital, parang hindi na ito aabutin pa ng Biyernes. Paulit ulit parin sa pagpapaalam si Michael na kakantahan niya ang sanggol, pero hindi kasi pwede ang mga bata sa lugar na iyon ng ospital.

Napagdesisyunan na ni Karen na isama si Michael pumayag man ang ospital o hindi. Kung hindi pa masisilip ng bata ang kapatid niya, baka hindi niya na ito makita ng buhay. Sinuutan na ni Karen ng hospital gown si Michael at sinamahan sa NICU.

“Alisin mo dito ang batang yan, bawal siya dito,” Sabi ng matandang nurse nang makita nito si Michael.

Matapang naman na sumagot si Karen. “Hindi siya aalis hanggang hindi niya nakakantahan ang kapatid niya.”

Sinamahan ni Karen si Michael malapit sa kinaroroonan ng sanggol at nagsimula na itong kumanta, sa inosenteng boses ng isang 3 taong gulang:

” You are my sunshine, my only sunshine, you make me happy, when skies are gray.”

Para namang naintindihan ito ng sanggol dahil nagiging kalmado ang tibok ng puso nito.

Advertisement

“Ituloy mo anak..” sabi ni Karen na ngayon ay umiiyak na.

“You never know dear, how much I love you.. please don’t take my sunshine away..”

Habang kumakanta si Michael ay nagiging maayos ang paghinga ng sanggol.

Diretso na ngayon ang dating hingal nito at paghabol ng hangin.

“The other night dear, as I lay sleeping. I dreamed I held you, in my arms.”

“Tuloy lang anak..” sabi ulit ni Karen.

“you are my sunshine, my only sunshine, please don’t take my sunshine away..”

Nang sumunod na araw, sa linggo ring iyon .. gumaling ang sanggol at maaari nang iuwi.

Advertisement

Mapapansin sa kwentong ito na may himala kung magpapakita tayo ng pagmamahal sa iba. Marahil hindi medisina ang makakapagpagaling sa may sakit. Marahil mas kailangan niya ng pagkalinga at pagmamahal mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Ang kwentong ito ay nagsasabi lamang na hindi tayo dapat matakot na magpakita ng pagmamahal sa kapwa natin kahit hindi natin sila kapamilya. Magiging maganda ang mundong kinagagalawan natin kung marunong tayong magmahal.

Ang pag ibig ang pinakamakapangyarihang gamot sa mundo. Ano ang natutunan mo sa kwento? Ibahagi ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming kwento, i-like lamang ang aming Facebook page.