Pinagnanasahan ng Lalaki ang Asawa ng Kaniyang Kuya; Laking Gulat Niya nang Mahuli Siya Nitong Minamanyak ang Babae

Bago pa man maikasal ang kuya ni Jayr na si Wade kay Viv ay pinagpapantasyahan na niya ang babae. Noong unang beses pa lamang itong ipakilala sa kaniya ng kapatid ay agad na siyang nabighani rito.

“Ako na diyan ate Viv, baka batukan ako ni kuya pag nakita niyang hinahayaan kitang mag-igib.” wika ni Jayr.

“Salamat Jayr, pero magaan lang naman yan, kayang kaya ko iyan.” nakangiting sagot ni Viv.

Dahil nagpasiya ang mag-asawa na manirahan muna sa tahanan ng magulang ni Wade ay araw-araw na nakakasama ni Jayr ang babaeng pinapantasya. Kapag wala ang kaniyang kuya ay siya ang nag-aasikaso rito.

“Ate Viv, kain na tayo, mauna na daw tayo sabi nina mama.” paanyaya niya.

“Sige Jayr papunta na ako.” sagot naman ng babae.Sa tuwing nakakaharap niya ito ay hindi niya mapigilan ang hindi ito titigan, madalas ay nakasuot lamang si Viv ng maninipis na damit sa bahay upang hindi masyadong naiinitan.

Sa pagkakataong iyon ay nakasuot siya ng sando kung saan bakat na bakat na ang kaniyang bra. Napapalunok naman si Jayr sa tuwing naaaninagan niya ang maputing dibdib ng babae.

“Ang ganda mo talaga, naunahan lang ako sayo ng kuya ko eh.” bulong niya sa sarili.

Advertisement

Matapos kumain ay iniligpit na ni Viv ang pinagkainan at hinugasan ang mga plato, malaya namang natitigan ni Jayr ang kaniyang katawan habang siya ay nakatalikod.

“Ah Jayr, pakiabot naman yung kaserola sa ibabaw para mahugasan ko na din.” biglang wika ni Viv.

“Sige ate kukunin ko.”

Pagkaabot niya noon kay Viv ay naamoy niya ang napakabangong buhok nito, halos magkadikit na ang kanilang katawan ngunit hindi napapansin ni Viv ang kaniyang mga kilos.

Di na napigilan ni Jayr ang sarili at umakyat na siya sa kaniyang silid upang doon pagnasahan ang litrato ni Viv hanggang sa siya ay nakatulog. Paggising niya ay nakauwi na ang kaniyang kuya.

“O kuya andiyan kana pala, nakatulog na ako, anong oras na ba?” wika niya.

“Alas tres pa lang naman, maaga lang akong umuwi para kumuha ng gamit, kailangan ko kasing magduty sa trabaho ngayong gabi.” sagot ni Wade.

Labis na ikinatuwa ni Jayr ang balita ng kapatid. Binabalak niyang pasukin mamayang gabi ang kwarto ng mag-asawa kapag mahimbing nang natutulog si Viv.

Advertisement

“Aalis na ako Jayr, ikaw na muna ang bahala dito ha, si Viv wag mo hayaang nag-iigib.” bilin nito.

“Oo naman kuya, ako bahala kay ate.” sagot niya.

Hinintay ni Jayr ang paglalim ng gabi, at nang makakuha ng tiyempo ay dahan-dahan niyang pinasok ang silid na kinaroroonan ni Viv. Mahimbing na itong natutulog suot ang napakaiksing damit.

“Wow!” ang tanging lumabas sa kaniyang bibig.

Nilapitan niya ang hita ng babae at dahan dahan itong hinaplos, maingat siya sa kaniyang pagkilos upang hindi ito magising. Akma pa lang na itataas ni Jayr ang laylayan ng damit nito nang biglang pumasok ang kaniyang kuya.

“Jayr! Anak ka ng! Anong ginagawa mo sa asawa ko?” sigaw nito.

Naalimpungatan na rin si Viv at kita sa mukha nito ang pagkalito sa mga nangyayari.

“Kuya, kuya wala akong ginagawa.” depensa ni Jayr.

Advertisement

Hinablot siya ni Wade sa braso at saka inilabas sa kwarto, sunod-sunod na suntok at tadyak ang inabot niya sa kapatid. Dumating na ang kanilang mga magulang na lubhang nababahala sa mga pangyayari.

“Wade, bitawan mo ang kapatid mo!” sigaw ng kanilang ina.

“Pagsabihan niyo yan ma, kitang kita ko kung pano niya pagnasahan ang asawa ko.” wika ni Wade.

Pumasok si Wade sa kwarto kasama si Viv, umuwi pala ito nang malamang may ibang empleyado na ang du-duty para sa gabing iyon. Ikinuwento niya sa asawa ang nasaksihan at pinagsabihan itong mag-empake.

Kinabukasan ay umalis ang mag-asawa. Labis ang galit ni Wade sa kaniyang kapatid at anumang paghingi nito ng tawad ay hindi niya ito pinakinggan.

“Aalis na po kami ma, hindi ligtas ang asawa ko rito.” paalam niya.

“Anak, hindi ko din maintindihan kung bakit nagawa iyon ni Jayr, Viv, pasensya kana rin ha.” sagot ng matanda sa kanilang dalawa.

Limang taon ang lumipas at hindi nagkapatawaran ang magkapatid. Hanggang sa dumating ang isang araw na si Jayr na mismo ang lumapit sa kuya niya.

Advertisement

“Kuya, alam kong abot langit ang galit mo sa akin, maniwala ka pinagsisihan ko na ang lahat ng ginawa ko noon.”

“Matagal ko ng kinalimutan yun Jayr, balita ko ikakasal ka na?” sagot ni Wade, sumama naman talaga ang loob niya pero naisip niyang matagal na iyon. Lahat naman ng tao ay nagkakamali. Ang mahalaga ay nagsisisi na ito.

“Oo kuya, iimbitahan ko sana kayo ni Ate Viv kaya ako naparito.”

Dumalo si Wade at Viv kasama ang kanilang isang taong gulang na anak nila sa kasal ni Jayr, masaya sila na sa wakas ay nakahanap na rin ito ng makakatuwang sa buhay.

Bagaman may lamat na ang kanilang relasyon bilang magkapatid ay pinilit ni Wade na talikuran ang kanilang masalimuot na nakaraan. Habang si Jayr naman ay bumuo na ng sarili niyang pamilya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!