Malapit nang Mapuno ang Babae Dahil Sobra Siya Kung Tipirin ng Nobyo, Isang Malaking Surpresa Pala ang Pinaghahandaan Nito

Pitong taon nang nobyo ni Vivian si Alex, kilala na nila ang pamilya ng isa’t isa at masasabi ni Vivian na swerte siya sa nobyo. Gwapo ito, masipag, mapagmahal at may respeto sa kanya. May isa lamang itong kapintasan, ubod ng kuripot!

Wala itong ibang ginawa kung hindi magtipid, naiintindihan naman ni Vivian noong una dahil may pinapaaral itong kapatid pero ngayong graduate na ang binatilyo ay ganoon pa rin ang nobyo niya, hirap na hirap kung magluwal ng pera.

Sweet sana dahil palagi siya nitong pinaglulutuan ng kung anu ano, palagi rin itong may gimik para di siya magtampo pero minsan, di niya rin maiwasang mainggit sa mga kaibigan lalo na pag nakikita niya ang mga itong nagpo-post sa Facebook tungkol sa pag-travel ng mga ito kasama ang mga kasintahan. Halos nalibot na ng mga ito ang buong bansa at naibigay na rin ng mga nobyo nila ang lahat ng hilingin nila, samantalang siya hindi man lang maipasyal sa mall ng kasintahan.

“Babe, parang maganda sa Cebu no?” sabi niya kay Alex isang gabing dinalaw siya nito sa kanilang bahay.

“Oo naman, doon ba yung Sinulog Festival?” tanong ng lalaki.

“Oo, nakita ko nga galing doon sina Kyla nung isang araw eh. Kauuwi nga lang nila ni John eh, ka-chat ko si Kyla kanina. Mura lang daw kasi may promo daw kapag advance ka nag-booking,” paliwanag niya. Sana, pumayag ang nobyo niya. Gustong gusto niya talagang magpunta sa Cebu.

“Ayos ah, buti naabutan nila yung promo.” komento nito, nahahalata ni Vivian na iniiwasan nitong magtanong kung gusto niya ring pumunta.

“Babe, anniversary natin sa isang linggo. Punta tayong Cebu?” nakangiti niyang sabi, humilig pa siya sa balikat nito at ngumuso, halos magmakaawang pumayag na ito.

Advertisement

“Baby, next time na yan. Alam mo namang… mahirap mag-leave sa trabaho ko diba? Hindi naman isang araw lang tayong mawawala, syempre mabibitin ka lang. Kapag nakapagpaalam ako ng mga 4 days to 1 week na leave, punta tayo.” sabi ng lalaki, hinalikan siya sa noo.

Napairap si Vivian, sus! Nagdadahilan lang ito, ang totoo tinitipid na naman siya! Bawat anniversary, valentines, pasko, bagong taon, kahit nga birthday nya hindi sinasanto ni Alex! Ano ba yan!

“Uy, nagtatampo ang misis ko..” sabi nito na niyakap siya.

‘Misis ko’? kinikilig na inulit ni Vivian ang sinabi ng kanyang nobyo, kay bilis namang nawala ng inis niya.

“Ano’ng sabi mo?” sabi niya rito na pilit itinatago sa pagsimangot ang kilig.

“Sabi ko, misis kita. Bakit ayaw mo ba? Payag ka naman na maging misis na kita diba?” simpleng tanong nito, nakatuon pa ang tingin sa telebisyon.

“Oo naman,” sagot ni Vivian. Totoo naman kasi iyon sa puso niya, sana lang talaga kahit papaano ay lumuwag naman ang nobyo niya pagdating sa pera.

Mabilis lumipas ang isang linggo at sumapit na ang kaarawan ni Vivian, umaga pa lang ay nakatanggap na siya ng text mula kay Alex.

Advertisement

Happy birthday baby! Enjoy your day. May iniwan akong box kina mama mo, yan ang suotin mo mamaya. See you later, 3pm

Hay, ang boyfriend niya talaga. At 3pm pa nakikipagkita, malamang pumasok ito sa trabaho. Nakalimutan niya pa palang banggitin, bukod sa kuripot ay workaholic rin si Alex. Ayaw sirain ni Vivian ang araw niya kaya isinantabi niya na ang pagtatampo.

Ang mahalaga, hindi sila sa bahay magde-date ngayon! Binanggit ni Alex ang isang mamahaling restaurant, sa gilid noon ay may malaking garden na napaka-romantic talaga kaya gusto niya lagi doon pero tutol ang nobyo dahil mahal raw.

Nag ayos siyang mabuti, isinuot ang bestidang puti na ibinilin ng nobyo. Medyo napasimangot pa nga siya dahil umalis ang daddy niya at mommy kanina, may pupuntahan raw. Sayang, magpapahatid pa naman sana siya sa kotse, di bale, may taxi naman siguro.

Pagdating ni Vivian sa tapat ng restaurant ay may isang waiter na naninigarilyo sa labas, madilim rin ang loob ng kainan at may karatulang CLOSED. Nakakainis! Napaka-palpak ni Alex, tiyak na ang bagsak na naman nila ay ipagluluto siya nito. Masarap naman itong magluto, pero Diyos ko naman, sana maiba naman ngayong kaarawan niya!

Akmang tatalikod na siya nang tawagin siya ng waiter, “Madam! P-pwede pong kumain sa loob. Eh.. doon pala sa garden. Kasi po may nire-renovate lang dito sa loob kaya nakapatay ang ilaw, under construction po..” sabi nito.

Nabuhay ang pag-asa sa dibdib ni Vivian, tuloy-tuloy siyang tumungo sa bandang likuran ng restaurant kung saan naroon ang garden.

Nagulat siya sa nasaksihan. Naroon ang kanyang mga magulang, magulang ng nobyo at ilan sa kanilang malalapit na kaibigan. May tila maliit na altar na ginawa roon, at isang daanan na binudburan ng mga petals ng rosas. Nasa dulo noon..

Advertisement

Si Alex.

Ang gwapo gwapo nito sa suot na puting polo, bukas ang unang dalawang butones at..ang bangu bangong tignan!

Nagulat na lang siya nang biglang tumunog ang martsa pang kasal at hinawakan siya ng kanyang mga magulang upang alalayang maglakad. Lutang pero nakangiti sa saya ang dalaga, litong lito pa sya hanggang matapos ang seremonya.

“Ano’ng nangyari?” tanong niya kay Alex, na noon ay asawa na niya.

“Kinasal tayo,” simpleng sagot ng natatawang lalaki.

“Ni hindi mo ako tinanong kung payag ako?!” asik niya rito, bagamat kinikilig siya.

“Huy tinanong kita ha, nung nakaupo tayo sa sofa nyo tapos nagmamanya ka about Cebu,” nakangising sabi nito.

Iyon na yon?! Ang lalaking ito talaga! Himala nga, hindi ito nanghihinayang sa mga kaganapan ngayon. Mukhang malaking pera ang naubos sa pag-renta pa lang at pag-decorate ng lugar na ito, idagdag pa ang pagkain..lahat lahat.

Advertisement

“Alam ko ang iniisip mo,” tila nabasa ng binata ang takbo ng isip niya. Itinaas nito ang kanang kamay, may hawak itong susi.

Nagtatanong naman ang mukha niya, kaya nagtuloy ito sa pagsasalita.

“Gusto na kitang pakasalan noon pa kaya lang you deserve the best. Kaya nag-tyaga akong mabuti at nagtipid, para sayo ang bahay na ito. Ang bahay natin,” sabi nito.

Nanlaki ang mata niya. Ibinili siya ng bahay ni Alex!

Kaya pala ganoon na lang ang tipid nito, grabe. Nagtatampo pa siya sa nobyo, siya pala ang iniisip nito. Magsasalita pa sana siya upang magsorry pero tinakpan na nito ang bibig niya gamit ang labi nito.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.