Nakilala ng Dalaga ang Lalaki sa Bus, Hindi Niya Akalain na Ito ang Babago sa Buhay Niya

Pasakay ng bus si Angeline ng umagang iyon. Nakatakda niyang dalawin ang lugar na kanyang sinilangan. Kahit alas-kuwatro pa lang ng umaga ay puno na ng mga pasahero ang bus papuntang Bicol. Dahil sa siksikan ang mga tao sa loob ng sasakyan ay hindi maiwasang sumama ang mukha ng dalaga.

(photo for illustration purpoes only)

“Ano ba iyan, halo-halong amoy na naman ang malalanghap ko nito!” reklamo niya.

Nakapuwesto pa naman siya sa pinakagitnang parte ng bus kung saan samo’t saring amoy ng mga pasahero ang sumasama sa hangin.

“Aalis na! Aalis na!” sabi ng konduktor.

“Hayy, salamat at aandar na rin, hmp!” bulong ni Angeline sa sarili.

Bago tuluyang umalis ang bus ay isang lalaking pasahero ang humabol sa biyahe at tumabi sa kanya. Malalaking bag ang dala nito kaya hindi ito magkandaugaga kung saan ilalagay. Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ng dalaga.

“Ano ba naman iyan! Hindi ba puwedeng sa itaas na lang isiksik ang mga gamit at kailangan pang dito sa tabi ko?” parinig niya.

Napatingin sa kanya ang lalaki. Narinig nito ang sinabi ni Angeline.

Advertisement

“Sorry, miss kung naistorbo ka, ha?” anito.

Pinagtaasan niya ito ng kilay.

“Buti alam mo!” sabay ismid.

Hindi na pinansin ng lalaki ang parinig niya sa halip ay umupo na rin ito.

Sa may bintana nakaupo si Angeline kaya abala ang mga mata niya kakatingin sa labas. Ayaw rin kasi niyang tignan ang lalaking katabi niya. Mayamaya ay nagtanong ito sa kanya.

(photo for illustration purpoes only)

“Miss, anong oras na?” tanong ng lalaki.

“Aba, wala ka bang sariling relo?” pagtataray ni Angeline.

“Pasensiya na ha? Nakalimutan ko sa bahay yung wristwatch ko. Ito namang cell phone ko ay lowbat na kaya hindi makita ang oras.”

Advertisement

Pinigilan na lang ng dalaga ang inis at sinagot ang katabi.

“Alas-singko y media na ng umaga!”

“A, okay. Thank you, miss,” anito.

Hindi sinasadya na biglang kumulo ang tiyan niya at narinig iyon ng lalaking pasahero.

“Gutom na ako!”

Kinalabit siya ng katabi at hindi niya inasahan ang inialok nito.

“Miss, meron akong sobrang pandesal medyo mainit pa, o. Sa iyo na lang,” nakangiting wika nito.

(photo for illustration purpoes only)

Parang nakaramdam ng hiya ang dalaga sa tinuran ng pasahero. Narinig kasi nito ang pagkulo ng tiyan niya kaya inalok siya nito ng pagkain.

Advertisement

“S-salamat!” aniya sabay kuha sa tinapay na inabot ng lalaki.

“Huwag kang magpipigil ng gutom, miss at masama iyan sa kalusugan.”

Ang inis na naramdam niya rito kanina ay biglang napalitan ng pagkagiliw.

“Ang thoughtful naman nito,” bulong niya sa sarili.

Tatlong oras na ang lumipas ngunit tila nagkakahiyaan pa rin ang dalawa at wala pa ring imikan. Ang lalaki na ang bumasag ng katahimikan.

“Miss, sa Bicol din ba ang punta mo?”

Nagulat si Angeline nang bigla na naman siyang kausapin ng katabi.

“A, e… oo dun nga,”

Advertisement

“Pareho pala tayo ng destinasyon. Sa Bicol din ang tungo ko! Dadalawin ko ang mga kamag-anak ko dun!”

Dahil sa pareho sila ng lugar na pupuntahan ay nagkaroon ng interes si Angeline sa lalaking pasahero. Napatanto niya na guwapo pala ito, mayroong singkit na mga mata at maganda ang pangangatawan. Pang leading man material ika nga. Hindi niya namalayan na nabihag na ng lalaki ang atensiyon niya sa presensiya nito.

(photo for illustration purpoes only)

“Kanina mo pa ako kinakausap, hindi ka pa nagpapakilala,” sabi ng dalaga.

Napangiti ang lalaki. “Ako nga pala si Richard, and you?” sabay abot nito ng kamay.

“A-ako si Angeline,”

“Nice meeting you! Alam mo, masaya akong nakilala ka at magkababayan pa pala tayo.”

Nang dumampi kay Angeline ang malambot na palad ng lalaki ay nakaramdam siya ng kakaiba. Nakaramdam siya ng kilig.

Sa pagkakakilala nilang iyon ay agad na nagkalapit ang kanilang loob. Hindi nila maipaliwanag ngunit habang nakikilala nila ang isa’t isa ay lalong nagkakaroon ng kakaibang koneksyon na mas naglalapit sa kanila.

Advertisement

“Di ko akalaing napakasarap mo palang kausap, Angeline!” nakangiting wika ng lalaki.

“Ikaw din! Sorry kanina kung nasupladahan kita,”

Habang abala ang dalawa sa pag-uusap ng kung ano-ano ay naramdaman nilang gumewang ang bus na sinasakyan nila hanggang marinig nila na biglang nagsigawan na ang mga pasahero.

“Nawalan ng preno ang bus! Kumapit kayo!” sigaw ng konduktor.

“Ano, Diyos ko! Anong gagawin natin?” takot na wika ni Angeline.

“Huwag kang matakot, kasama mo ako!” sambit ni Richard.

Hindi na nakontrol pa ng drayber ang sitwasyon. Nagtuluy-tuloy ang mabilis na andar ng bus hanggang sa mahulog ito sa bangin sa dinaanan nilang zigzag.

(photo for illustration purpoes only)

Sa ospital ay unti-unting nagkamalay si Angeline. Nakita niya ang sarili na nasa maliit na silid.

Advertisement

“Nasaan ako?” mahina niyang tanong sa nurse na naroon.

“Buti po at nagising na kayo! Naaksidente po ang sinasakyan niyong bus at maraming pasahero ang nawalan ng buhay.”

“Panginoon ko! Aksidente? Iyong kasama kong lalaki, nasaan siya?”

“Sino po? Iyong naka-jacket na kulay asul?”

“Oo siya nga! Okay lang ba siya?”

“Ikinalulungkot ko, pero hindi na po siya umabot ng buhay dito sa ospital.”

Hindi napigilan ni Angeline ang maluha sa sinapit ng lalaki. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang ang emosyon niya samantalang kakikilala pa lamang nila kanina nito.

“Gusto ko siyang makita!”

Advertisement

Sinamahan siya ng nurse sa morge para makita ang bangkay ng lalaki. Nang alisin niya ang takip na nakabalot sa katawan ay labis siyang nagulat sa nakita.

“Hindi siya ‘to!”

Paglabas niya sa morge ay naupo sa kahoy na upuan na naroon. Hindi niya inakala na mas lalong siyang magugulat sa boses na tumawag sa pangalan niya.

“Angeline!”

Nang lingunin ang tumawag ay nabuhayan ang kanyang puso nang makita kung sino iyon.

“R-Richard?”

Sa di malamang dahilan ay tinakbo niya ang kinatatayuan nito at mahigpit na niyakap.

“Ang akala ko’y kasama ka sa mga nasawi sa aksidente! Ang sabi kasi nung nurse ay wala raw buhay na ang lalaking nakasuot ng kulay asul na jacket!”

Advertisement

“Ano? E hindi lang naman ako ang pasahero na naka-jacket na asul!”

Sa pagsakay ng dalaga sa bus ay may nakilala siyang guwapong lalaki na nung una ay kinainisan niya pero nang makilala niya ito ay parang unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. Isang pangyayari ang darating na hindi niya akalaing babago sa buhay niya kasama ang lalaki. https://cms.indaytrending.com/stories/bus-love-passenger/ (photo for illustration purpoes only)

“Hayy, basta! Masaya ako dahil okay ka!”

“Sadyang may dahilan ang Diyos kung bakit niya tayo pinagtagpo at binigyan ng pangalawang buhay, Angeline. Iyon ay ang lubos pa nating makilala ang isa’t isa,” sabi ng lalaki.

“Richard, salamat at dumating ka sa buhay ko!”

Marahil ay pinagtagpo ng pagkakataon sina Angeline at Richard para mahanap ang tunay na pag-ibig at hindi hinayaan ng tadhana na sila’y paghiwalayin dahil sila ang nakatakda para sa isa’t isa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!