Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Magkano ang Dangal Mo? - Inday Trending

Magkano ang Dangal Mo?

Umiiyak na nagpahid ng pulang lipstick si Luna, pinipigil niya ang pagpatak ng luha para hindi kumalat ang mumurahing eyeliner na inilagay ng kanyang tiya Matilde. Pero wala eh, tuloy-tuloy pa rin.

“Hoy gaga, wag ka nang umiyak dyan. Alalahanin mo, kapag hindi ka nakabawi sa akin ay pababayaan ko ang nanay mo. Atsaka ibaba mo nga ito!” masungit na sabi ng kanyang tiya na kanina pa pala nakatanaw sa kanya. Hinila nito pababa ang bandang dibdib ng kanyang dress para lalong makita ang kanyang malusog na hinaharap.

Hapit na hapit ang damit sa kanya, na hindi niya alam kung ano ang una niyang tatakpan. Kung hihilahin niya ba paitaas upang di makita ang dibdib niya, o hihilahin niya pababa para di masilip ang pwet niya.

“T-Tiyang ano ho ba ang gagawin?” nanginginig na wika niya.

“Basta tumayo ka lang kung saan kita ipu-pwesto. Maya-maya ay may lalapit na sa iyo tapos sumama kana. Kinabukasan na tayo mag usap kung magkano ang hatian. Swerte ka nga, sa laki ng utang ninyo sa akin ay bibigyan pa kita ng parte. Kaya galingan mo!”

Bente uno anyos na si Luna, tapos siya ng high school sa probinsya. Lumuwas sila ng Maynila ng kanyang ina upang makipagsapalaran sana sa buhay, ang plano nila ay magsimula ng negosyo at makapagpatuloy siya ng kolehiyo kahit sa mumurahing eskwelahan lamang.

Kaya lang ay mapaglaro ang buhay, naloko sila ng pinagkatiwalaan nila sa pera. Nagkasakit ang nanay niya sa atay at kinailangan itong i-dialysis. Wala na silang ibang malapitan, buti na lamang ay na-contact nila ang tiya Matilde niya na kapatid ng kanyang yumaong ama. Pumayag itong tumulong sa gastusin nila at kinupkop pa sila ng kanyang ina, ang kapalit ay magtrabaho siya para rito.

Hindi naman lingid sa kaalaman nila kung ano ang trabaho ni Tiya Matilde, isa itong mamasang. Dating nagbebenta ng laman at naging kabit ng politiko kaya nagkapera. Nang magkaedad na ay hindi na sumasama sa mga customer, naging manager na lamang ng mga mas batang babaeng aliw.

Diyos ko, gustuhin man ni Luna na tumanggi, kung magtatrabaho siya sa mga fastfood ay kulang na kulang sa pagkain palang nila. Pang-dialysis pa kaya? Aanhin niya ang dignidad niya kung wala naman siyang ina?

Nilunok niya ang pride at pumayag, kaya heto siya ngayon.

“Ayusin mo nga ang tayo! Sumandal ka riyan, iusli mo ang pwet mo!” sabi ng kanyang tiya Matilde.

Medyo hirap na naglakad si Luna, ang taas taas naman kasi ng heels ng boots na ipinasuot ng kanyang tiyahin. Sinunod niya ang sabi nito at ilang sandali pa ay may lumapit na nga, isang may edad na lalaki na mukhang isang bulate na lamang ang pipirma ay pwede nang umakyat sa langit.

“Tilde, bago yan ah! Magkano siya?”

“Hindi pwede ito sayo Badong! Pres itong alaga kong ito, mahal ‘to! Doon ka na lang sa suki mo, kay Matet, nandun naka-pwesto sa likod.” taboy ng kanyang tiyahin.

“Ito naman si Tilde, hindi ba pwedeng matawaran? Kahit na isang gabi lang?”

“Doon ka na nga! Kahit isang oras nito ay hindi mo afford, ikaw naman. Magtrabaho ka pa ng mabuti sa hardware ninyo, para makaipon ka. Kaya lang parang isang ubo kana lang eh,” taas ang kilay na sabi ng kanyang tiya. Napapailing na umalis na ang lalaki.

Bago ito tuluyang makalayo ay muli pang tinawag ng tiya niya, “Dong, magsipilyo ka kaya muna? Amoy naaagnas na bangkay nanaman ang bibig mo. Nagrereklamo si Matet, maawa ka naman sa alaga ko!”

Kung sa ibang sitwasyon lang siguro ay natawa si Luna sa sinabing iyon ng tiya niya. Kaya lang, alam niya naman na baka siya na ang kasunod. Sus, baka nga mas malala pa ang mapunta sa kanya. Basta mayaman ay tiyak siyang ibebenta siya ng tiya niya.

Na siya ngang nangyari. Grabe ang kaba ni Luna nang huminto ang isang magarang kotse sa tapat niya.

Dahan-dahang bumaba ang bintana noon, nakatungo lang ang dalaga at hindi magawang tumingin.

“How much, 3 nights?” sabi ng baritonong boses.

“Naku sir pogi, murang mura lang ito. Pres ito at inosente. Para ka lang rin nakikipag-date sa girlfriend mo!” bola ng tiyahin niya. Napatingala lang si Luna nang makaramdam siya ng kurot sa kanyang tagiliran, kasunod noon ay binulungan siya ni Tiya Matilde, “Hoy hitad, lumandi ka!”

“G-Good evening Sir! Hindi kayo magsisisi, paliligayahin ko po kayo,” halos lumabas iyon sa ilong ni Luna at pikit mata niya pang sinasabi. Napadilat siya dahil hinapit pababa ng kanyang tiya ang dress niya.

“O, hmm, diba, sexyng sexy! Kunin mo na Ser, limang libo lang isang gabi.”

Kumuha ng pera ang binata at iniabot iyon sa tiya Matilde. O Diyos ko, ito na ang katapusan ni Luna. May customer na siya!

“Get in the car,” narinig niyang utos ng binata.

Noon niya lang nasulyapan ito. Santa Maria Magdalena, ang gwapo!

“Miss, are you alright? Get in the car. Pagbubuksan pa kita?”

Ay, kaya lang bastos.

Pumasok na si Luna sa kotse, pigil ang hininga. Ang bango ng amoy, halatang lalaki ang may ari.

“Enjoy Ser! Galingan mo bruha,” nandidilat pang bilin ng kanyang tiya Matilde bago sila makalayo. Isinara na ng binata ang bintana at tahimik na nagmaneho. Nang huminto sila sa traffic light ay sandaling kinuha ng lalaki ang cellphone at napansin ni Luna na kumunot ang noo nito sa message na nabasa roon.

Namasdan itong mabuti ni Luna, ang gwapo talaga. Singkit ang mata nito, kahit hindi fit ang suot na polo ay tiyak niyang malaki ang katawan dahil sa malapad nitong mga balikat. Matangos ang ilong at mapupula ang manipis na labi.

Ano naman kaya ang dahilan para kumuha ito ng bayaran? Tiyak niya namang maraming babae ang magkakandarapa mai-kama lang nito.

I am waiting here at your place. Talk to me, let’s get back together or I will ruin your life!

Ipinadala ni Haley, ang isa sa mga naging girlfriend niya. Well, isang buwan lang naman ang itinagal nila ng babae. Nakilala niya ito sa isa sa mga bar na pinupuntahan niya at dahil nagandahan siya ay ginawa niyang girlfriend. Malay niya bang baliw, sandali palang silang nagkakakilala ay pinakikiusapan na siya tungkol sa kasal.

Hell no! Wala siyang planong magpatali, ang sarap ng buhay binata ano!

Kaya lang ay ayaw siyang tigilan ng babae, sinusugod siya nito sa opisina at doon nag-esskandalo. Pangatlong condo na itong nililipatan niya, nasusundan pa rin siya. Mayaman rin kasi si Haley at kayang mag-hire ng imbestigador. Wala na siyang choice.

Hindi niya ugaling pumick up ng mumurahing babae, dahil kaya niyang magbayad ng big time. Kaya lang, kapag big time ang kinuha niya ay nakikilala ni Haley at napapaamin. Umaatras rin, kaya dito siya sa kapos, tiyak niyang tapatan niya lang ng pera ay gagalingan ang pag acting na bagong girlfriend niya.

Isa pa..maganda itong nakuha niya.

Come on man, she’s cheap.. bulong ng isip niya.

“Miss, will you be my girlfriend?”

“H-Ho?” nabigla namang sagot ni Luna. Ano raw?

Marahas na itinigil ng lalaki ang sasakyan sa isang tabi.

“Look, I know you need money, badly. Willing akong magbayad ng doble pa sa ibinigay ko sa pimp mo. At sa iyo ko iyon ididiretso, basta magiging girlfriend kita for as long as I want.” paliwanag ni Andre. Napasulyap siya sa dalaga, bakit parang may takot sa mata nito? Hah! Hindi siya pwedeng magpadala.

Ganoon naman ang mga p*kpok diba? Magaling magpaikot. Baka nagpapanggap lang itong inosente para mabingwit siya.

“Hindi ko kayo maintindihan Sir. Ang alam ko lang po, l-limang libo ako isang gabi.” ouch, ang sakit sa dibdib ni Luna na sabihin iyon. Limang libo lang ang dangal niya.

“Ang alam ko lang rin, nabili na kita kaya gagawin mo ang gusto kong ipagawa sayo. May babaeng naghihintay sa condo ko, she’s crazy. Ang gagawin mo, magpapanggap na bagong girlfriend ko para layuan niya na ako. Intiendes?

Kapag ikaw, nagpasilaw sa iooffer niyang pera or nagsalita na fake lang tayo, may kalalagyan ka miss.”

Hindi nakakibo si Luna.

Mabilis lumipas ang oras at narating na nila ang condo. Nagulat pa sila pareho nang wala ang babae sa labas noon. Mapayapa silang nakapasok sa loob.

“You can use the bathroom first. Wag kang mag-alala, hindi kita gagalawin. Ito muna ang isuot mo,” sabi ni Andre sa dalaga at iniabot ang kanyang T-shirt at pajama. Well, totoo iyon. Ayaw niya nga itong galawin dahil baka may sakit.

Nakatungo na pumasok sa banyo si Luna, tumutunog pa ang takong niya sa sahig. Napahilamos siya sa mukha at napatitig sa salamin.

Ang laki sa kanya ng T-Shirt ng lalaki, nagmukha na iyong bestida. Palabas na siya ng banyo nang marinig niyang may kumatok sa labas ng condo.

Binuksan ni Andre ang pinto at tama ang kanyang hinala, si Haley nga.

“What? What now? Sa wakas, nakaharap rin kita! I don’t know what’s the matter with you, bakit mo itatapon ang relationship natin?!” hysterical na sabi ni Haley.

“Hals, diba we talked about this already? I am not ready sa mga gusto mo. Akala ko we are clear una palang na wala tayong commitment. Isa pa.. I am in a relationship na ulit. This time, for real na.”

“Hah! If I know, sinasabi mo lang ang kwentong iyan para lumayo ako. Guess what baby, I’m staying! You are mine-”

“Darling?” napalingon silang dalawa sa nagsalita mula sa likod. Namula ang mukha ni Haley sa galit habang natulala naman si Andre.

Shit, mas maganda ang babaeng nakuha niya nang mabura na ang make up nito. Wala itong kahit na ano sa mukha, suot lang ang pajama niya na parang tinahi talaga para rito. Ang cute dahil ang liit nitong tingnan roon, namumula mula pa ang pisngi at ilong. Inosenteng inosente..

Parang tumigil ang oras nang maglakad ang dalaga palapit sa kanya. Ipinulupot nito ang mga braso sa kanyang leeg at dinampian siya ng halik sa pisngi.

“Darling, hindi pa ba tayo matutulog? Ah, ikaw siguro si Haley?” nakangiting wika nito sa kaharap.

“You will regret this Andre! Isusumbong kita sa daddy ko! Humanda ka sa akin!” gigil na sabi ni Haley at nagmartsa na palayo.

Nakahinga nang maluwag si Andre pero napakalakas pa rin ng kabog ng dibdib niya. Naramdaman niya nalang na umaalis na ang dalaga sa pagkakayakap sa kanya.

“S-Sir, ayos po ba iyon?”

“Good job.” nakangiti niyang wika rito.

Dapat ay sa sahig niya ito lalatagan ng higaan at siya sa kama, pero ewan ni Andre dahil namalayan niya na lamang ang sarili na nakabaluktot sa sahig. Hindi niya pala kayang pahigain rito ang dalaga. Ewan niya ba kung ano ang nangyari.

Mabilis lumipas ang mga araw, nadagdagan nang nadagdagan ang araw ng pananatili ni Luna sa bahay ng binata. Dalawang Linggo lamang siguro ay sumuko rin si Haley pero hindi pa rin siya pinapauwi ng binata. Katwiran nito, kahit na anong oras ay maaaring bumalik ang dating nobya para manggulo.

Pabor din naman sa kanya, kasi kahit na tutol ang buong mundo, at ang kanyang isipan, alam niyang minamahal niya na si Andre. Unti-unti itong nagbago, hindi na ito ang bastos na binatang pumick up sa kanya noong gabing iyon. Araw-araw siyang nakakatanggap ng bulaklak mula rito, nagkukwentuhan sila, naglalaro, nanonood ng sine.

Kung sa ibang pagkakataon nga lang ay iisipin niyang date na iyon, kaya lang ay alam niya namang nagbabayad pa rin ito sa tiya niya.

Isang hapon, masayang nagluto si Luna ng dinner. Bahala na si Batman, basta magtatapat na siya ng pag ibig sa binata. Kalalagay niya lamang ng bigas sa rice cooker nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Tiya Matilde.

“Ano na? Jackpot ka ah! Siguruhin mong tuloy-tuloy ang biyaya ha? Para hindi maputol ang padala sa akin niyang si pogi.”

“Oho tiyang.” matabang na sagot ni Luna. “Kumusta ho ang nanay ko?”

“Ayos lang naman, kapapagamot lang kanina. Tandaan mo Luna, gamitin mo ang utak mo! Wag puso-puso, hindi ka yayaman dyan!”

“Pwede kong paniwalain si Andre na mahal ko siya, tapos pakasalan siya at angkinin lahat ng pera niya. Makakaahon ako sa hirap.” napatigil sandali sa pagsasalita si Luna dahil may narinig siyang kalabog sa labas. Baka sa kapitbahay, “Pero hindi ko ho iyon gagawin. Kasi hindi ako ganoon. Basta pauwiin niya ako ay uuwi ako, kung kailangang humanap ako ng ibang customer ay gagawin ko makabayad lang sayo. Hindi ko ho sasamantalahin ang kabutihan ni Andre.” sabi niya sabay binaba na ang tawag.

Ilang oras ang lumipas ay medyo nagtaka si Luna, alas onse na kasi ng gabi ay wala pa rin ang binata. Karaniwan ay alas siyete lang, nasa bahay na ito.

Nabuhayan siya ng loob dahil narinig niyang may kumakatok. May susi naman ang binata kaya nagtaka siya, nang buksan niya ang pinto ay nakita niyang lasing pala ito kaya di magawang isuksok ang susi sa seradura.

“Andre, ano ba ang nangyayari sayo!” wika niya, hirap na inakay paloob ang binata.

Inihiga niya ito sa kama at umupo siya sa tabi nito, tahimik lang itong minasdan. Si Andre naman ay hirap na idinilat ang mga mata tapos ay ngumisi.

Hinaplos ni Luna ang dalawang pisngi nito.

“Andre, mahal kita..” taos pusong bulong niya. Nagulat siya nang bumangon ang binata at hinapit ang bewang niya.

“Mahal mo ako? Hah! Ulol,” matabil na sabi nito. Nagulat si Luna, lalo nang bigla siyang sinibasib ng halik ni Andre. Pabalang nitong pinunit ang damit na suot niya tapos ay kinubabawan siya sa kama.

“This is what you get b*tch, for messing around. Akala mo ba, tanga ako? Of course not! I paid for this, you better make my dick happy!”

Napaluha ang dalaga, hindi ito ang lalaking minahal niya. Pero kahit na masakit sa puso at katawan ay ipinaubaya niya ang sarili rito.

“Ito ka lang naman diba? Marumi ka,” bulong pa nito bago siya angkinin. Saglit itong napatigil dahil tila may nakaharang.

“Sh*t, p*tang ina.” bulong ng binata nang makumpirmang birhen siya.

Nang matapos ang kanilang pag iisang katawan ay tahimik lang silang nagtabi. Hinila na ng antok si Andre, habang si Luna ay tulala sa kawalan.

Dahan-dahan niyang inialis ang braso ng binata na nakayakap sa kanya. Ilang oras na rin ang nakalipas, alas kwatro na ng madaling araw.

Pinahid niya pa ang butil ng luha na pumatak sa kanyang mata nang sulyapan niya ang tulog na si Andre sa huling sandali. Ito na ang katapusan ng fairy tale niya, panahon na para gumising siya mula sa magandang panaginip.

Tama naman ito eh, mumurahin lang siya. Hindi sila bagay. Tapos na ang misyon niya na pagpapanggap, na pati sarili niya ay napaniwala niya.

Tumiwalag na si Luna sa kanyang tiyahin, isinumpa niya sa sarili na maghahanap nalang siya ng malinis na trabaho. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang nanay, sa marangal na paraan. Mahal naman sila ng Diyos dahil may mabait na organisasyon ang pumayag na mag-sponsor sa gamutan ng kanyang ina.

Maraming inapplyang trabaho ang dalaga, nakapasok siya sa isang fastfood chain habang cashier naman siya sa isang convenient store pagdating ng hapon. Umeextra rin siyang tagahugas ng pinggan sa isang karinderyang malapit sa kanila.

Pagod na humiga ang dalaga sa papag. Kapag napag iisa siya ay hindi maiwasang maisip niya si Andre. Mali, kahit na kailan pala ay hindi naman ito nawala sa sistema niya. Napapitlag pa siya nang masayang sumigaw ang kanyang ina.

“Nak! Halika sandali! Narito iyong tumutulong sa aking gamutan. Ipakikilala kita,”

“Sige po Nay susunod na po.” sabi niya, nagsuot siya ng bra at nakangiting lumabas ng kwarto. Pero nawala rin agad iyon nang makita kung sino ang kaharap ng kanyang ina.

Si Andre.

Nangingitim ang gilid ng mga mata nito, may patubong bigote at balbas pero gwapo pa rin. Mahaba na ang buhok nito.

“Kumusta?” napatayong wika nito nang makita siya.

Itinulak niya ang wheelchair ng ina papasok sa kwarto. Ayaw niyang marinig ng ginang ang naging trabaho niya.

“Hindi ko alam na organization ninyo pala ang tumutulong sa nanay ko. Sabagay, mayaman nga naman kayo. K-Kaya lang sir, hindi na po kasi ako.. hindi na ako nagtatrabaho sa..hindi na ako ganon.

Hindi ko na ipinagbebenta ang dangal ko. May trabaho na ako ngayon, kaya ko na kayong bayaran kahit na unti unti,” nakatungong wika niya. Diyos ko, kailan ba titigil ang mga tao sa paniningil sa kanya gamit ang kanyang pagkatao?

Noong una, ang tiya Matilde. Ngayon naman ay si Andre.

“Hindi mo naiintindihan. Kulang pa ang..serbisyo mo.” wika nito.

Gulat na napatingin si Luna. Pero mas nanlaki ang mata niya nang isahing hakbang ni Andre ang pagitan nila at yakapin siya nito nang pagkahigpit higpit.

“Oh God..Oh God I missed you so much.” bulong nito.

Walanghiyang puso niya, nagtataksil! Ang lakas lakas ng tibok nang marinig iyon.

“H-Hindi na nga ako nag-“

“Luna, I am so sorry noong araw na iyon. Maaga akong umuwi noon cause I badly wanna be with you pero narinig kong may kausap ka sa telepono at sinasabi mong peperahan mo lang ako. Do you remember na may kumalabog? Yea, that’s me.”

Napatakip ng bibig ang dalaga, “Hindi iyon ang ibig kong sabihin noon!”

Tumangu-tango si Andre, “I know. Kasi alam kong hindi ka ganoon. Napaka-gago ko lang talaga noon dahil nasaktan ako at nagalit kaya ako nag inom. Ang sakit Luna, noon lang ako nasaktan ng sobra talaga. Kasi mahal kita eh.

Mahal kita kahit ang gulo ng set up natin, kahit hindi maganda ang simula. Mahal kita. Halos maulol ako nang malaman kong ako ang una.. lalo nang makumpirma ko sa tita mo na pinilit ka lang niya. God, gusto kitang lapitan pero di ko alam kung paano dahil ang tanga tanga ko.

Ayaw kong bumalik ka na sa maruming trabaho kaya nagkunwari ako may organization para matulungan kayo ng nanay mo. Ng..nanay natin. Pero hindi ko pala kayang tumatanaw lang sa malayo. So here I am, please Luna. Wala na akong pakialam sa sinabi mo sa telepono. Kahit perahan mo na ako, kailangan ko ang serbisyo mo.. habang buhay. Mahalin mo ako habangbuhay.”

Hindi na sumagot ang dalaga at hinalikan na lamang nang mariin ang binata.

Punong puno ng pag ibig ang puso niya. Lalo pa nang hilingin ni Andre na wag muna siyang maging nobya, kahit raw gaano nito kagustong mangyari iyon ay nais naman rin nito na magsimula ng tama. Dahil iyon ang nararapat para kay Luna.

Masugid na niligawan siya ng binata, matapos ang dalawang buwan ay sinagot niya rin ito.

Ngayon ay masaya na ang kanilang pamilya, pinag-aral siya ni Andre. Makalipas ang ilang taon ay nagpakasal sila at nagkaroon ng dalawang kambal na anak.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.