Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Binabalewala Lamang ng Dalaga ang Lata ng Biscuit ng Kanyang Lola, Di Niya Inaasahang May Malaking Halaga Pala ng Pera ang Nakatago Doon - Inday Trending

Binabalewala Lamang ng Dalaga ang Lata ng Biscuit ng Kanyang Lola, Di Niya Inaasahang May Malaking Halaga Pala ng Pera ang Nakatago Doon

Madalas dumadalaw si Angela sa kanyang lola Siling noong siya’y labing-pitong taong gulang lamang.

Simula nang mamatay ang lolo niya ay mag-isa na lamang naninirahan sa probinsya ng Nueva Ecija ang kanyang lola. Nag-iisang anak ng lola niya ang kanyang ina at siya naman ang panganay na apo nito kaya silang dalawa talaga ang magka-close.

Nang mga panahong dinadalaw nila ang matanda ay palagi nitong pinapaalala sa kanya ang importanteng bagay sa Fita Box.

Natatawa lang siya noon dahil ang buong akala niya’y biscuit na fita lamang ang laman niyon. Limang taon ang lumipas ay namatay ang kanyang lola. Pagkalibing nito ay nilinis nila ang buong bahay, nagtaka siya nang may matigas na bagay na nakapa siya sa lumang cabinet ng lola niya.

Doon ay nakita niya ang isang lalagyan ng Fita Biscuit. Naalala niya ang palaging sinasabi sa kanya ng kanyang lola noon.

“Kapag nawala ako, lahat ng mga importanteng bagay, nasa Fita box ah.”

Kasama ng nanay nila at ng mga kapatid niya ay dahan-dahan nilang binuksan ang Fita box at doo’y laking-gulat nila sa nakita–mga lumang alahas, titulo ng lupa’t bahay, last will and testament at limang pirasong buto ng iba’t ibang klaseng bulaklak. Sinunod nila ang nakasulat sa last will and testament ng kanilang lola na paghati-hatian nila sa parehong halaga ang mga laman ng kahon, kasama ng limang buto na nakakatuwang sumakto pa para sa kanilang limang magkakapatid.

Sa lahat ng mga pamana ng lola niya ay pinaka-natuwa siya sa buto ng bulaklak na hanggang ngayon ay nagpapaalala sa kanya sa magagandang alaala nila ng kanyang lola. Isang taon ang lumipas at naging magandang bunga ng mga bulaklak. Naalala niyang mahilig ang lola niya sa mga bulaklak at siguro’y tulad ng mga bulaklak na ito ay gusto rin ng lola niyang mamukadkad ang kanilang masasayang alaala sa tuwing tititigan niya ang mga ito.

Lumago ang hardin sa malaking lupain na ipinamana ng lola nila sa kanila. Lumago ito ng lumago na hindi nila inaasahang malaki pala ang halaga ng mga bulaklak na ito na pinag-aagawan maging ng ibang bansa. Naging supplier sila ng bulaklak sa iba’t ibang sulok ng mundo hanggang sa naging milyonaryo sila ng hindi namamalayan. Napagtanto nilang hindi lamang ala-ala ang nais ipabaon sa kanila ng kanilang lola nang iwanan sila nito ng buto ng bulaklak, sinigurado din nitong magiging maayos ang kalagayan nila kapag nawala ito.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.