Nahulog ang Babae sa Bestfriend Niyang Beki, May Pag Asa Kaya ang Puso Niya Kung Lalaki Rin ang Hanap Nito?

Gwapo, matangos ang ilong, matangkad, maputi at matalino, iyan ang mga katangiang meron si Lucas. Madaming babae ang nagkakagusto sa kanya, pero wala kahit isa sa mga iyon ang nagustuhan niya, kasi gwapo din ang mga gusto ni Lucas, hindi siya tunay na lalaki.

Alam naman iyon ng karamihan. Hitsurang lalaki pa rin naman siya at lalaki kung manamit, pero madalas ay pumapasok siyang todo make up. Hindi mo naman talaga mahahalatang beki siya, pero pag bumuka na ang kanyang bibig, doon mo malalaman kung ano ba talaga siya.

Madalas na nakakasama niya ay ang best friend na si Bianca, siya ang walking diary ni Lucas. Lahat ng sikreto at kalokohan ni Lucas ay siya ang nakakaalam. Yun nga lang, ang hindi alam ni Lucas, ay umiibig sa kanya ng palihim ang kanyang matalik na kaibigan.

Hindi magawang umamin ni Bianca sa kaibigan, dahil malabo naman siyang magustuhan nito. Kung naging gwapong lalaki pa sana siya, eh baka sakaling magustuhan pa siya ni Lucas, pero hindi, best friends lamang talaga sila.

Isang araw ay lumapit sa kanya si Lucas na umiiyak. Alalang-alala siya, dahil alam niyang hindi ito talaga iyakin, at madalas tinatawanan lang ang problema.

“O baks? Anong iniiyak-iyak mo naman dyan?” tanong ni Bianca.

“Eh paano ba naman, yung jowa kong gym instructor, nahuli ko ba naman na may kahalikang merlat, ipinagpalit ako sa babae baks!” umiiyak na tugon nito.

“Eh kasi naman ang hilig-hilig mo sa mga lalaki na babae din ang hanap, talagang masasaktan ka nga niyan.”

Advertisement

“Teka kanino ka ba kampi dito ha? Wala na ata talagang magmamahal sa akin ng totoo, ang hirap maging magandang bakla. Nakakaloka na!” saad niya habang hinahawi ang buhok na may pumipilantik na mga kamay.

“Ako, alam mo naman na tanggap kita di ba?” mahina, ngunit seryosong tanong ni Bianca.

“Kilabutan ka nga sa sinasabi mo baks! Di tayo talo no?” nagpunas ito ng luha at natawa.

Ngumiti na lamang din si Bianca. Biro man ang dating nito sa kay Lucas, pero para sa kanya, totoo yun.

Isang gabi ay nakitulog si Lucas sa Bahay ni Bianca. Madalas naman nila itong ginagawa. Hindi naman ito problema sa magulang ng babae dahil alam naman nila ang tunay na kasarian ni Lucas.

Nagkukwentuhan lamang sila noon, nagtatawanan at nag-aasaran.

“Ganito na lang baks, 3rd year college naman na tayo. Kapag wala ka pa rin matinong jowa bago tayo maka-graduate, ako na lang jojowain mo ha?” pabirong sabi ni Bianca.

“Yaaak! Teh, hindi nga ako kumakain ng talaba, ano ba?!” natatawang sagot ni Lucas.

Advertisement

“Kaysa naman lagi kang umiiyak di ba? At least ako tanggap kita, lahat ng kabaklaan mo, kalokohan mo, basta lahat-lahat sa’yo,” medyo nag seryosong tugon ng babae.

“Seryoso ka talaga dyan, baks?”

“Oo,” biglang nagseryoso ang mukha ni Bianca. “Para wala nang mananakit sa’yo, basta wag mo lang akong ipagpapalit sa lalaki din, dahil ako mismo ang susuntok sa nguso mo.”

Natawa naman si Lucas sa narinig. Hinampas niya ng unan ang kaibigan at saka ito niyakap. Bigla naman lumakas ang kabog ng dibdib ni Bianca matapos noon. Ibang saya ang nadarama niya.

Ayos lamang kahit kaibigan lang ang tingin sa kanya ng lalaki, basta makita at makasama niya ito, masaya na siya.

Sabado ng gabi noon, katatapos lamang ng semester nila. Pumunta si Lucas muli kila Bianca na may dalang chichirya at alak. Ipagdiriwang daw nila ang pagtatapos ng sem, dahil isang taon na lamang ay ga-graduate na sila.

Tulad ng nakagawian, kwento dito, kwento doon. Napuno ng tawanan ang kwarto ni Bianca. Nakakadalawang bote ni sila ng alak at ngayo’y parehas nang may tama.

“Ako na lang kasi baks! Ako na lang!” sigaw ni Bianca habang tumatawa.

Advertisement

“Hoy baks, baka seryosohin ko yang sinasabi mo ha? Halikan kita dyan eh,” pabirong sagot ng lalaki.

“Weh? Kaya mo ba? Gawin mo na lang, wag kang bakla dyan!” saad ng babae at saka ito tumawa ulit ng malakas.

“Sinong bakla ha?” pagbibiro muli ni Lucas habang pinapalaki ang boses.

Inilapit nito ang mukha sa mukha ni Bianca. Ngayo’y nagkatitigan na ang dalawa. Sobrang lakas na naman ng kabog ng dibdib ng babae.

Napakapit siya ng mahigpit sa damit nang mas ilapit pa ni Lucas ang kanyang mukha. Idinikit pa ng binata ang kanyang mukha, napapikit na lamang si Bianca, nang biglang niya maramdaman ang malambot na labing dumadampi sa kanya.

Lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya at sinimulan din niyang gumanti ng halik. Inilapit siya ni Lucas sa katawan nito at isa-isang tinanggal ang damit na suot ng babae.

Iniangat din naman ni Bianca at isa-isang hinubad ang mga damit ni Lucas. Inihiga siya ng lalaki at hinawakan ang mga kamay niya. Hinaplos ni Lucas ang kanyang mukha habang nakatitig sa magagandang mga mata nito. Naging mainit at puno ng silakbo ang gabing iyon.

Kinabukasan ay nagising si Lucas na walang kahit anong saplot, medyo masakit ang ulo niya at pilit na inaalala ang mga nangyari. Napatingin siya sa tabi at nagulat nang makita na hubad din ang kaibigan.

Advertisement

“Ah!” napasigaw siya, “Diyos ko, pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko! Pinagsamantalahan mo ang pagkababae ko!” sigaw ni Lucas.

Agad naman bumangon si Bianca at natawa, “Ikaw yung nanghalik tapos ako pa yung nagsamantala sa’yo?” at saka ito tumawa.

“Nakakaloka, kinuha mo ang pagka-birhen ko.”

“Hoy, ikaw Lucas umayos ka ah! Nag enjoy ka din naman,” sabay tawa ng babae.

“Ay wag mo nang ipaalala. Nakakadiri baks!” pagtili ng lalaki habang nakahawak sa pisngi.

Napag-usapan nila na huwag na lang muling pag-usapan ang nangyari, at mas mabuting kalimutan na lamang dahil pareho naman silang lasing noon.

Ilang araw pa ang lumipas at napansin ni Bianca na hindi siya masyadong kinakausap ni Lucas, tila ba ay iniiwasan siya nito, at parang laging naiilang pag kasama siya.

Hindi na rin masyadong nagkukwento si Lucas tungkol sa mga gwapong nakikilala at hindi na rin naglalagay ng make up sa mukha. Biglang nag-iba ang lalaki, na hindi naman maintindihan ni Bianca.

Advertisement

Naging tuloy-tuloy ang pag-iwas at panlalamig ni Lucas, na labis na ikinabahala naman ng kaibigan.

“May problema ka ba baks? May problema ba tayo?” tanong ni Bianca.

“Wala,” matipid na sagot ng lalaki.

“Bakit parang iniiwasan mo ako? Akala ko ba wala lang yung nangyari sa’tin noon? Eh bakit parang naiilang ka?”

“Wala nga sabi eh, di ka ba nakakaintindi?” galit na saad ni Lucas.

“Mahal kita, Lucas,” mga salitang biglang lumabas sa bibig ni Bianca, na ikinagulat naman ni Lucas.

“Bakla ako, okay? Di ka magiging masaya sa’kin,” malamig na tugon ng binata.

“Tanggap naman kita eh. Walang kaso sa’kin yun. Mahal kita noon pa, Lucas,” at nagsimulang pumatak ang mga luha sa mata ni Bianca.

Advertisement

Hindi naman na nagsalita si Lucas. Tumayo lamang ito at umalis. Naiwan ang babae na umiiyak mag-isa. Hindi niya alam kung tama ba na umamin siya, pero iyon talaga ang sinisigaw ng damdamin niya.

Tuluyan naman nang nanlamig si Lucas at hindi na kinausap pa ang kaibigan. Palagi nitong iniiwasan ang babae sa tuwing magkikita sila sa eskwela.

Isang araw bago ang graduation ball nila, ay pinuntahan ni Lucas si Bianca. Kinausap ito na kung pwede ay maging partner niya sa graduation ball. Pumayag naman ang dalaga.

Kinabukasan ay dumating si Lucas sa bahay ng kaibigan. Ayos na ayos siya at lalong naging gwapo sa suot nito. Maya-maya lamang ay lumabas na sa kwarto si Bianca, namangha ang lalaki sa nakita.

“A-ang ganda mo ngayon, Bianca,” bulong niya sa dalaga.

“Mas gumwapo ka naman, lalaking-lalaki hitsura ah?” pabirong sagot nito.

Dumating sila sa party at doon ay nakisalamuha sa mga dating propesor at mga ka-eskuwela.

Tumugtog naman ang isang mabagal na kanta na nakakakilig. Inaya ni Lucas ang kaibigan upang magsayaw. Habang nasa kalagitnaan ay bumulong siya sa kaibigan.

Advertisement

“Mkadsjdadasuh…”

“Ano? Hindi ko maintindihan, ang lakas kasi ng music,” sigaw ni Bianca.

“M…” bulong muli ng lalaki.

“Ilakas mo kasi! Hindi ko maintindihan.”

“Ang sabi ko mahal kita, Bianca!” pagsigaw ng lalaki.

Nagulat lamang si Bianca sa narinig, naging malakas ang pagkakasigaw ni Lucas kaya narinig ito ng karamihan. Nagsigawan at kantyawan naman ang ibang mga kaklase.

“Ano ulit yun?” pagbibiro ng babae.

Ngumiti lamang si Lucas at saka muling sumigaw, “sabi ko mahal na mahal kita!” at mas lalo pang lumakas ang sigawan.

Advertisement

Matapos ng sayaw ay inaya niya ang kaibigan sa isang tahimik na lugar, kung saan ay pwede silang mag-usap.

“Sabi mo pag nakagraduate tayo at wala pa akong jowa, ikaw na lang ang jojowain ko. Graduation na natin sa isang araw, wala pa akong jowa, kaya panindigan mo yung sinabi mo.

Mahal na kita, Bianca. Iniwasan kita kasi akala ko, naguguluhan lang ako. Pero nung mga panahong wala ka, dun ko napagtanto na mahal kita, na hinahanap-hanap kita at ikaw ang gusto kong makasama habambuhay,” nakangiting saad ni Lucas.

Naluha lamang si Bianca. Niyakap siya ng lalaki at saka hinalikan sa labi.

“Mahal na mahal din kita, baks,” naluluha ngunit natatawang sagot naman ni Bianca.

“Wag mo na akong tawaging ‘baks,’ babe na lang,” saad ng binata at saka ngumiti.

Tinanggap ni Bianca lahat ng nakaraan ng lalaki. Ngayon ay nagsasama na sila, at lubos siyang nagpapasalamat dahil naging napakabait na asawa ni Lucas.

Binago ni Lucas ang lahat-lahat sa kanya at itinuon ang atensyon sa asawa. Mahal na mahal niya ito. Sobrang pananabik naman ang nararamdaman nila dahil konting panahon na lang at makikita na nila ang magiging unang anak nila.

Advertisement

Pinatunayan lamang ni Lucas na kapag ang tao ay tunay na nagmamahal, handa dapat itong magbago. Ipinakita naman ni Bianca na ang pagmamahal ay ang tungkol sa pagtanggap ng buo sa isang tao, anuman ang nakaraan nito.