Pinerahan ng Misis ang Mister na Nagpapakahirap sa Abroad Upang Makapagsarili ng Kalaguyo, Katakot-takot ang Karmang Naging Kapalit Nito

Limang taon na sa Saudi si Raffy, nagtya-tyaga siya roon sa bansa ng mga dayuhan upang masigurong magiging maganda ang buhay ng pamilyang naiwan niya sa Pilipinas. Mayroon siyang tatlong anak, isang highschool at dalawa sa elementarya. Ang misis niya ay nasa bahay na lamang, sinabi niyang wag nang magtrabaho ito at pabayaang siya na lamang ang kumayod, bantayan na lamang nito ang kanilang mga anak na pumapasok sa ekswela.

“Mahal, iyon palang babuyang sinasabi ko sa iyo. Nasa 150,000 ang puhunan,” sabi ng misis niya sa kabilang linya, matagal na nitong inuungot sa kanya ang negosyong iyon. Gusto niya namang pagbigyan pero wala pa talaga siyang hawak na ganoon kalaking halaga. Bukod doon, ilang negosyo na rin ang sinubukan nito pero mukhang minamalas talaga sila, sari-sari store na nagsara, ukay ukay na nalugi, karinderyang hindi mabenta at ngayon ay babuyan naman ang nais nito.

“Ang laki naman pala ano, susubukan ko mahal ha.” sagot niya naman dito, lihim siyang kinakabahan dahil alam niyang pag napa-hindian niya ang misis ay magtatampo na ito. Ganitong malayo siya ay ayaw niyang nag-aaway sila, ito na lamang kasi at ang mga anak niya ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para lumaban sa buhay rito.

“Naku, noong isang buwan mo pa sinabing susubukan. Wala naman, sabihin mo nalang kung ayaw mo, para naman sa pamilya natin tong iniisip ko,” sabi pa ng babae sa kabilang linya, sinundan iyon ng ilang hikbi.

“Mahal! Ano ka ba, syempre gusto ko. Naiintindihan ko naman yan-” sabi niya pero pinutol na iyon ng babae.

“Hindi na Raffy! Baka sabihin mo pa niloloko kita, eh totoo naman. Ang lupa na patatayuan ng baboy, ang mga mismong alaga, syempre bibili tayo ng pakain, bayad sa magbabantay, bayad sa magdedeliver,” at marami pa itong sinabing babayaran.

“Sige na sige na, wag ka nang magtampo. Mamaya susubukan kong mag-advance sa boss ko.” sabi niya para matahimik na ang asawa. Bigla namang sumigla ang boses ng babae.

“Talaga? Ang galing mo talaga! I love you mahal!” sabi nito, hindi na hinintay pang makasagot siya at ibinaba na ang tawag. Lingid sa kaalaman ni Raffy, sa limang taon niya sa abroad ay limang taon na rin siyang niloloko ng asawa niya. Sa katunayan ay buntis nga ito ngayon sa anak ng kalaguyo nito.

Advertisement

Pinutol ng misis niya ang lahat ng koneksyon ng kanyang mga anak sa kanya para di makapagsumbong ang mga ito, kung kinakausap nya naman ang mga anak ay nakabantay ito at ang kabit para masigurong di magsasalita ang mga bata.

“Ang tanga talaga ng mister mo ano?” tatawa-tawang sabi ni Semyong, ang kabit ng misis ni Raffy.

“Oo, gunggong yun eh. Sabi ko sa’yo madaling utuin iyon. Siguro naman sapat na itong perang ipapadala nya para makasimula tayo? Umalis na tayo dito dad, magsimula tayo ulit kasama ng anak natin,” sabi ni Maristela, ang misis ni Raffy. Hinimas pa nito ang pitong buwang tiyan.

“Hintayin natin ang pera. Pag dumating ngayong araw, bukas na bukas din ay pupunta tayong Maynila. Paano ang mga anak mo?” sabi ni Semyong.

“Iiwan ko nalang dito sa bahay. Pakakainin naman siguro ng mga kapitbahay ang mga yan. Di ko pwedeng ipaalam sa mga kamag-anak ko na aalis tayo, o kahit sa mga bata. Baka magmadaling umuwi si Raffy at abutan tayo pag nalaman nya.”

Tila nasa panig naman nila ang swerte dahil nang araw ring iyon ay natanggap nila ang pera ni Raffy, ni hindi man lang nag-abala pa si Maristela na tumawag sa asawa at magpasalamat. Agad-agad silang nag empake ni Semyong, nang tanungin sila ng mga anak niya kung saan sila pupunta ay sinabi niyang magsu-swimming sila kaya maraming dala.

Kahit siksikan ang bus papuntang Maynila ay pinilit na nilang makasakay. Oras pa kasi ang hihintayin sa susunod na byahe.

“Mayaman na tayo Maris, malaya na rin tayo. Magsisimula tayo ulit, salamat sa tanga mong asawa.” sabi ni Semyong na hinalikan pa ang buntis na kalaguyo. Kilig na kilig naman ang babae, na agad napalitan ng takot nang magsimulang umuga ang sinasakyan nilang bus at sumigaw ang driver,

Advertisement

“Nawawalan tayo ng preno!”

Nagsigawan lahat ng tao, ang ilan ay pinilit na tumalon sa bintana. Kasama na roon si Semyong, iiwan ang buntis na babae sa loob.

“S-sandali! Wag mo kong iwan! Diba mahal mo ako? Kami ni baby?!” pagmamakaawang sabi ni Maristela.

“Bitiwan mo ko!” sabi ni Semyong at tinabig ang kamay ng babae pero huli na, nahulog sa matarik na bangin ang sinasakyan nila. Walang nakaligtas dahil masama ang pagkakabagsak ng kanilang bus.

Agad kumalat ang balita tungkol sa aksidente at nakarating iyon kay Raffy kaya agad-agad na umuwi sa Pilipinas ang lalaki, ganoon nalang ang pagsabog ng emosyon niya sa lahat ng natuklasan. Sa kabila ng lahat, nais niya pa ring bigyan ng disenteng libing ang taksil na misis, nakaburol ang babae nang isang pulis ang lumapit sa kanya.

“Sir, nakuha po namin yakap ng misis nyo,” sabi nito. Binuklat niya iyon, naroon ang bag ng pera, walang kagalus-galos.

Ginamit ni Raffy ang pera upang makapagsimula silang muli ng kanyang mga anak. Ipinagpatuloy niya ang pagpapatayo ng babuyan at tinutukan iyong mabuti. Napalago niya ang negosyo kaya di na siya kinailangang mag-abroad pa, lalo siyang minahal ng kanyang mga anak.

Marami mang pagsubok na kinaharap ang lalaki ay di siya sumuko. Kahit may mga taong nagtangka siyang pabagsakin ay di parin siya nagpatinag dahil malakas ang paniniwala niya na kailanman, di mananalo ang kasamaan sa kabutihan.