Malabo na nga ang Mata, Malabo pa ang Kinauwian ng Relasyon ng Babaeng Ito; Isang Lalaki Pala ang Magbibigay Linaw sa Buhay Niya

OFW si Candy na nagtatrabaho bilang nars sa Qatar. Para sa kanya, isang napakalaking sakripisyo ang mapalayo sa kanyang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas, lalong-lalo na sa kanyang kasintahan na si Gerry.

“Gerry, miss na miss na kita. Sana naman magkasama na lang tayo dito sa Qatar. Nahihirapan na ako pero pinipilit kong labanan ang lungkot alang-alang sa mga pangarap natin. Huwag mo akong ipagpapalit sa iba ha? Mahal na mahal kita,” wika ni Candy sa nobyo habang kausap sa telepono.

“I love you too, honey. Ikaw ang mag-ingat diyan. Wag mo kaming intindihin dito, mas mahirap kasi ang sitwasyon dahil mag-isa ka diyan. O siya, mag-usap na lamang ulit tayo kapag pwede ka,” tugon naman ni Gerry.

“Siya nga pala, may kasalanan ako sayo. Natatandaan mo pa ba yung salamin ko sa mata na niregalo mo noong pasko? Nabasag kasi nung isang araw na nagmamadali akong pumasok sa trabaho. Pero itinabi ko naman yung nabasag na salamin dahil may halaga sa akin iyon.

“O siya matatapos na ang break time ko. Mag-iingat ka ha? Usap ulit tayo pag pwede,” sabi naman ng babae.

Kinabukasan ay nagtungo siya sa klinika ni Dr. Sean Reyes. Isang pinoy optometrist na nakabase sa Qatar. Dito siya pumunta dahil ito ang nirekomenda sa kanya ng katrabaho.

“Alam mo ma’am? Medyo mataas ang grado ng mga mata mo. Makatutulong kung maipapahinga mo ng regular ang mga mata para hindi ito naiistres. Mayroon akong mga maliliit na libro dito na nalagay ang mga ehersisyo sa mata na pwede mong gawin habang nasa trabaho.

“Kasama na rin diyan ang ibang tips upang mapangalagaan mo ang magaganda mong mata,” saad ng doktor sa babae.

Advertisement

“Nako doc ha? Palabiro ka pala. Ikaw lang yata ang nagsabi sa akin na maganda ang mata ko. Tukusuhin kasi ako nung bata pa ako na banlag daw ako,” sabi ng babae.

“Hindi lang marunong tumingin ang mga kalaro mo. Your eyes are perfectly normal. Kailangan mo lang pangalagaan ang mga ito. Magiging handa na ang mga salamin mo matapos ang dalawang araw,” nakangiting sabi ng doktor.

Pagkalipas ng dalawang araw, isang text message ang natanggap ni Candy, “Hi Ms. Candy! Dr. Sean here. Naandito ako ngayon sa lobby ng hospital niyo. Dala ko yung bagong salamin na ipinagawa mo.” Nataranta naman ang babae sa pangyayari.

Hindi inaasahan ni Candy ang pagbisita ng doktor. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Mas lalo naman siyang ninerbiyos nang makaharap na ang doktor sa lobby.

“Doc, bakit naman nag-abala pa kayo? Eh pwede ko naman po na daanan na lang sa clinic ninyo itong salamin. Naabala pa tuloy kayo ngayon,” nahihiyang sabi ng babae.

“Ayos lamang. Naisipan ko nang dumaan dahil may pupuntahan din naman akong malapit ditto. Wala kang dapat alalahanin,” nakangiting sabi ng doktor.

“Maraming salamat po doc ah? Magkano po pala ito ulit?” tanong ng dalaga.

“Nako. Huwag na. Wala ka nang dapat bayaran. Consider it as a gift na lang. o paano, tuloy na ako ha?” sagot ni Dr. Sean.

Advertisement

“Teka, doc wait!” bago pa makapagpasalamat ang babae ay agad nang umalis ang doktor.

Habang hawak ang kahon ng bagong salamin ay napaisip siya. Ano nga kaya ang ibigsabihin ng kabaitang ito ni Doc Sean? Kinagabihan ay nakatanggap naman siya ng isa pang mensahe mula sa doktor.

“Sorry, Candy. Huwag mo sanang masamain yung ginawa ko kanina. Gusto ko lang talagang makipagkaibigan sa’yo.”

“Pasensya ka na din doc. Nagpapasalamat ako sa kabaitan mo sa akin, pero sa tingin ko ay hindi magiging maganda sa paningin ng boyfriend ko kung ipagpapatuloy ko ganitong paraan ng pakikipag-ugnayan.

“Please consider this as my last text message to you. Pwede ninyo na rin pong itigil ang pagpapadala ng mensahe sa akin para hindi na maging komplikado ang mga bagay-bagay. Lubos ko pong pinapahalagahan ang inyong kabaitan,” sagot naman ng babae.

Ngunit naunawaan agad naman ng doktor ang pakiusap ng dalaga. Simula noon ay wala naman nang narinig ang dalaga mula sa doktor, ngunit pagkalipas ng ilang lingo…

“Ano ba Gerry? Bakit ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Hindi kita makausap ng maayos nitong mga nagdaang lingo. Ano bang nangyayari sa’yo?” galit na tanong ni Candy.

“Pasensya ka na. Busy lang ako,” malamig na tugon ng lalaki.

Advertisement

“Busy? Saan? Kanino?” inis na tanong ng babae.

“Sorry Candy. Mukhang hindi na gagana ‘tong relasyon natin. Sadyang hindi ko lang kaya na magkalayo tayo. Mas mabuti pang maghiwalay na tayo,” bakas sa boses ng lalaki ang lungkot.

“Kaunting panahon na lang naman makakauwi na ako. Baka kaya pa natin ayusin ‘to?” pagmamakaawa naman ng babae.

“Ayoko na Candy. Paalam…” at saka ibinibaba ng lalaki ang tawag.

Matapos ang away na iyon ay naghanap si Candy ng makakausap. Naghanap lamang siya ng naghanap hanggang sa nadaanan niya ang numero ng doktor. Naalala niya ang salamin at ang kabaitang ipinakita ng doktor.

“Hindi naman siguro masama kung itetext ko ngayon si doc,” sabi ni Candy.

“Hi doc! Busy ka? – Candy,” pagbati ng dalaga.

“I’m sorry Candy, pero may kliyente kasi ako. Text kita agad pagkatapos ha?” mabilis na tugon ng doktor.

Advertisement

“Ganun ba? Matagal pa ba yan?” muling tanong ng babae.

“Wait, bakit parang demanding na girlfriend ang tono mo? Joke!” pabirong sabi ng doktor.

“Pwede ka ba makausap mamaya?” sabi ni Candy.

“Puntahan kita mamaya. Mukhang malungkot ka. I’ll be there in a few minutes.” Sagot ni Dr. Sean.

At doon na nagsimula ang malaliim na pagkakaibigan nila Candy at Sean. Tinanggap na lamang ni Candy na hindi talaga uubra sa kanila ang long distance relationship. Sa kabilang banda ay ipinagpatuloy naman ng doktor ang panliligaw sa dalaga.

Si Dr. Sean ang tumulong kay Candy habang nasa panahon ng kalungkutan. Siya ang nagbibigay mga ngiti sa tuwing mapapansin na nalulungkot ang dalaga. Makalipas ang halos isang taon ay sinagot din siya ng dalaga. Sa wakas ay nakuha din niya ang karapatan na maging opisyal na tagapag-alaga, hindi lang ng mata kundi pati ng puso ni Candy.

“Doc Sean! Este Sean pala, mukhang hindi ko na kakailanganin pa itong mga salamin,” sabi ng dalaga.

“Ha? Bakit naman?” naguguluhang tanong ng doktor.

Advertisement

“Eh kasi simula ng dumating ka sa buhay ko ay luminaw na lahat ng bagay sa paligid ko,” malambing na pahayag ng babae.

Hindi naman nagtagal ay nagpakasal na rin ang dalawa. Mapayapa silang nagsama at nabiyayaan ng sariling anak. Isang patunay lamang sa kasabihang, ‘pag nagsarado ang Diyos ng pinto, ay nagbubukas naman siya ng bintana.’ Kapag may nawala, ay mayroon namang papalit.

Sa buhay, kapag mayroong nawala sa atin na tao o kahit bagay, masakit ito pero umasa tayo na isang araw ay may darating na mas bago, yung mas higit pa sa nawala at umalis. Kapag nangyari ito ay malalaman natin ang rason kung bakit kinailangan natin pakawalan ang mga nawala noon, upang magkaroon ng lugar para bagong darating.