Hiniwalayan ng Binata ang Kaniyang Kasintahan Dahil sa Pagiging Clingy Nito sa Kaniya; ‘Di Niya Akalaing Hahanap-hanapin Pala Niya Ito

Hiniwalayan ng Binata ang Kaniyang Kasintahan Dahil sa Pagiging Clingy Nito sa Kaniya; ‘Di Niya Akalaing Hahanap-hanapin Pala Niya Ito

HeartbreakingLoveStories

Isang taon nang magkasintahan sina Roy at Lanie. Maayos naman ang kanilang relasyon ngunit kung minsan ay nagkakaroon sila ng tampuhan at mga pagtatalo. Lalo na ngayon dahil sa mga nakasanayan ni Lanie na pakikitungo sa kaniya ni Roy noong nililigawan pa lang siya nito at noong nagsisimula pa lamang sila na hindi niya na ginagawa ngayon.

Kung dati ay madalas na magtext at tumawag si Roy kay Lanie upang ikuwento ang mga nangyayari sa araw niya, ngayon ay hindi na. Si Lanie na ngayon ang mas madalas na magtext at tumuwag sa kaniya. At sa tuwing makikipag-usap ito sa kaniya ay parati itong nagtatanong at nagpapakuwento sa mga nangyari sa kaniya sa araw na ‘yun na siya niyang kinaiinisan.

“Bakit ba parang parati kong kailangan ireport sa’yo ang lahat ng ginagawa ko?” galit na pagtatanong ni Roy kay Lanie.

“Hindi naman sa ganoon. Nasanay lang kasi ako na makuwento ka sa akin noon hindi gaya ngayon,” sagot ni Lanie.

Kung dati rin ay nagpapaalam at nagsasabi muna kay Lanie si Roy sa tuwing may pupuntahan ito ay hindi na ito ganoon ngayon. Nagugulat na lamang ang dalaga na nasa out of town na pala ang kaniyang kasintahan kasama ang mga barkada nito. Nang tanungin niya ito ay muli na naman itong nagalit sa kaniya.

“Kailangan ba bawat galaw ko eh magpaalam muna ako sa’yo?! Hindi ba ako puwedeng magdesisyon para sa sarili ko?! Ano ba kita?! Hindi pa tayo kasal ganiyan ka na?! Kung bantayan mo ko akala mo bata ako ah!” bulyaw ni Roy kay Lanie.

Nang dahil dito sa hindi maiwasan ni Lanie na hanap-hanapin ang dating ugali at pagtrato sa kaniya ni Roy noon. Naging madalas na ang pagtatalo ng magkasintahan. Nasasakal si Roy sa kanilang relasyon nang dahil dito kaya naman makikipaghiwalay siya sa dalaga.

“Ayaw ko na! Maghiwalay na tayo! Masyado na kong nasasakal sa’yo!” bulalas ni Roy.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” nagulat na tanong ni Lanie.

“Masyado ka ng clingy. Parati ka na lang nandiyan at nakabantay. Nahihirapan akong kumilos nang dahil sa’yo kaya ayaw ko na,” sagot ni Roy.

“Ganoon na lang kadali sa’yo na tapusin ‘tong relasyon natin? Ikaw naman ang nagsanay sa akin sa ganito eh,” wika ni Lanie.

“Ayaw ko na rin makipagtalo sa’yo. Basta wala na tayo,” sambit ni Roy bago iwan ang dalaga.

Kahit na ganoon ay hindi ito tinanggap ni Lanie. Sinuyo niya si Roy na para bang siya na ngayon ang naghahabol sa dating siya ang hinahabol-habol. Maya’t-maya niya ito kung itext o tawagan para makiusap na ayusin ang kanilang relasyon. Pinupuntahan niya rin ito sa trabaho nito sa oras ng uwian at kung minsan ay dinadalhan pa niya ito ng lutong ulam sa gabihan.

Ngunit kahit anong pagsuyo ang gawin ni Lanie ay tinatanggihan pa rin siya ni Roy. Imbes na matuwa ay lalo pa itong nagalit sa pangungulit niya.

“Hindi ka ba talaga marunong umintindi na wala na tayo?” tanong ni Roy. 

“Wala na ba talagang pag-asa na maging maayos tayo?” buweltang tanong ni Lanie.

“Ang kulit mo! Wala na nga! Ayaw ko na talaga!” bulyaw ni Roy.

Matapos ang pag-uusap na ‘yun ay napagdesisyunan ni Lanie na tigilan na si Roy at magpakalayu-layo.

Sa ginawang iyon ni Lanie ay may mga ilang araw na nakahinga ng maluwag si Roy. Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nakalayo sa dati niyang kasintahan na clingy. Ngunit ‘di kalaonan ay nakaramdam siya ng kalungkutan. Bigla niyang na-miss ang dalagang dating nangungulit at hinahanap-hanap siya noon.

Kung minsan ay inaabangan niyang muli siyang tawagan ni Lanie. Sa tuwing tutunog ang kaniyang cellphone ay dali-dali niya ito kung sagutin ngunit bigla siyang malulungkot dahil ibang tao lang pala ito. Sa kaniyang paglabas naman sa opisina ay tinatanaw niya ang paligid at hinahanap ang dalagang nag-aantay sa kaniya noon mula sa trabaho ngunit wala na ito ngayon.

Dahil dito ay hahanapin ni Roy si Lanie ngunit hindi niya na ito makokontak pa dahil sa nagpalit na ito ng numero at nagtago na rin ito sa mga social media.

Makalipas ang dalawang taon ay bigla na lang magpaparamdam sa social media si Lanie. Nang makita ito ni Roy ay agad niya itong chinat ngunit hindi siya nireplyan nito. Walang nagawa ang binata kundi bantayan na lamang ang bawat post sa social media ng dating kasintahan upang alamin kung nasaan na ito ngayon. 

Nang dahil dito ay malalaman ni Roy na nagbalik na pala ito sa kanilang lugar kaya naman agad niya itong pinuntahan.

“Lanie? Ikaw na ba talaga ‘yan? Ang tagal din kitang hinanap. Buti at nagbalik ka na. Matagal ko nang gustong humingi ng kapatawaran sa nagawa ko sa’yo noon. Ako naman talaga ang nagsanay sa’yo noon na maging clingy sa akin eh kaya hindi ako dapat nagalit. I’m sorry. Sana’y mabigyan mo pa ako ng second chance. Kung puwede sana ay maging tayo uli,” pahayag ni Roy.

“Hindi na puwede, Roy. May iba na kong boyfriend ngayon. Mahal ko siya at mahal niya rin ako. Siya ang taong tumulong sa akin na makabangon uli. Ang taong dinamayan ako at muling nagpabalik ng ngiti sa sa mga labi ko,” saad ni Lanie.

Hindi ito pinaniwalaan ni Roy ngunit matapos niyang magmasid kay Lanie mula sa malayo matapos nilang mag-usap at nakita niya ang pagdating ng kasalukuyang kasintahan nito ay nakita niya na kuntento at masaya na ang dalaga sa buhay nito ngayon. Nang dahil dito ay hinayaan na ni Roy si Lanie.

Wala siyang nagawa kundi pagsisihan na lamang ang pakikipaghiwalay na ginawa niya sa dalagang nagmahal sa kaniya nang lubos. Napatunayan nito na nasa huli ang pagsisisi at sadyang nakikita lang natin ang halaga ng isang tao kapag nawala na sila sa atin.

More Stories