Inis na Inis ang Babae sa Kanyang Ate Dahil sa Pagiging Clingy Niya, Nagsisi Ito Matapos Malaman ang Isang Nakakalungkot na Pangyayari

High school palang si Val noong pumanaw na ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente.

At noong mga panahon na ‘yon ay ang kanyang ate na si Josie ay nasa kolehiyo na. Bilang siya ang nakatatandang kapatid, ay inako na niya ang responsibilidad na alagaan ang kanyang bunsong kapatid.

Habang tinatapos pa lang niya ang kanyang pag-aaral, ay tumira sila sa kanilang mga kamag-anak: sa kanilang tita, sa kanilang mga lola, maging sa ibang mga nakatatandang pinsan.

Hindi naging madali para sa kanila ang manirahan sa iba’t ibang kamag-anak dahil sila’y mga malalayong kamag-anak na.

“’Yaan mo Val, ‘pag nakapagtapos na si ate, dadalhin kita sa mas maayos na bahay. At bibigyan kita ng maayos na buhay,” palagi niyang pangako sa kanynag kapatid.

Simula noon ay pinanghahawakan na ng bunsong kapatid ang pangako ng kanyang ate.

Sa pagkawala ng kanilang mga magulang ay mas naging malapit ang magkapatid sa isa’t isa.

Sa graduation ni Josie, si Val lamang ang kanyang kasama. Ngunit para sa kanya, isa ito sa pinakamasayang araw, dahil ito ang hudyat na maibibigay na niya ang magandang buhay para sa kanyang kapatid.

Advertisement

Nakahanap siya ng maayos na trabaho at dahil doon nakalipat silang dalawa sa mas maayos na bahay. Palagi rin niyang binibilhan ng maaayos na gamit at damit ang kanyang bunsong kapatid. Mga gamit na matagal nang hindi nagkakaroon ang kanyang kapatid.

Nasanay si Val sa lahat ng luho na kanyang nakukuha galing sa kanyang ate.

“Ate, kailangan ko pala ng iPad sa school,” hiling niya sa kanyang kapatid.

“Huh? Bakit naman iPad, neng? Eh napakamahal nun!” sagot nito sa kapatid.

“Eh ate yun na kasi yung pinakamagandang gamitin ‘no! Sige na ‘te, please!” pagpupumilit pa niya.

“Pag-iipunan ko muna neng ha kasi mahal talaga yun,” sagot niya.

“Ano ka ba naman ate, nakakainis ka naman!” pagmamatigas na sagot niya.

Paalis na sana siya nang biglang sumagot ang ate niya, “Sige na neng, bili na tayo samakalawa, gagawan ko nalang muna ng paraan.”

Advertisement

Lahat ng gusto ni Val ay binibigay ng ate niya. Kahit sobrang mahal na ng mga hinihingi niya ay pinaghihirapan parin ng kanyang ate na ibigay ang lahat ng kanyang hiling.

Halos ilang oras nalang lumalagi si Josie sa kanilang bahay sa kadahilanang lagi siyang nag oovertime sa trabaho.

“Magpahinga ka naman ‘te!” paalala ng isa sa kanyang mga kaopisina.

“Oo nga naman! ‘Wag puro trabaho, pahinga pahinga rin!” sabi ng isa sa kanila.

“Naku, hindi pwede eh. Alam mo naman na dalawa lang kami ng kapatid ko. Kaya kailangang work work,” nakangiting sagot niya sa kanyang mga kaopisina.

Ngunit ang lahat ng kanyang ginagawa ay mayroong kapalit.

Dahil sa pagpapagod niya sa trabaho, ay unti-unti siyang nanghihina. Ngunit, hindi niya ito masyadong iniinda. Tuwing maiisip niya ang kanyang kapatid ay nabubuhayan siya palagi ng loob.

“Ate! Graduation ko pala bukas ha, pupunta ka ba?” tanong niya sa kapatid.

Advertisement

“Oo naman Val, syempre naman neng pupunta ako,” sagot niya.

At bago pa makasagot ang bunsong kapatid, ay napatakbo si Josie sa banyo dahil sa masakit niyang tiyan. Sukang-suka na pala siya at nagpipigil na lamang sa harap ng kapatid.

“Okay ka lang te?” tanong niya rito.

“Oo neng, medyo nahihilo lang ako, pero pahinga lang ang katapat,” nakangiting sagot ni Josie.

“Ah. ‘Wag ka na pumunta bukas te. Baka naman susuka-suka ka bukas!” pagmamalditang sagot niya.

Gaya ng pangako niya sa kanyang bunsong kapatid ay sinigurado niyang nandoon siya sa kanyang graduation.

Nakahanap rin ng maayos na trabaho si Val nang makatapos siya ng pag-aaral.

“Maghahanap na ako ng dorm te, hihiwalay na ako,” pasupladang sabi niya sa kanyang ate.

Advertisement

“Ay ganun ba neng? Sige kung sa tingin mo mas ayos sa’yo ang ganun, walang problema sa akin,” sagot niya kay Val.

Ilang araw lamang ay nakahanap na rin agad siya ng malilipatan. Para bang kating-kati ang babaeng ito na makaalis sa kanyang ate.

Ngunit kahit kailan ay hindi nakaramdam ng galit o inis si Josie sa pag-alis ni Val.

Noong mga unang linggo ay nagkakausap madalas si Val at Josie sa video call. Ngunit dumating sa puntong hindi na sinasagot ni Val ang mga tawag ng kanyang ate dahil sa kadahilanang ‘busy’ siya.

“Te, wag ka nga munang tawag nang tawag, nasa labas kasi ako kasama ng mga officemates ko. Mamaya na.”

“Ano na naman ba? Tatawag ako pag wala akong ginagawa. Okay?”

Ilan lamang yan sa mga mensaheng nakuha ni Josie galing kay Val.

Mula noon ay tumigil na rin si Josie kakakulit at kakatawag sa kanyang kapatid dahil naramdaman din naman niyang nakakaistorbo na siya sa kanyang kapatid.

Advertisement

Ilang buwan pa ang nakalipas nang may tumawag kay Val.

“Unknown Number? Huh? Sino kaya to?” tanong ni Val sa sarili habang nakatingin sa kanyang cellphone.

“Hello? Sino ba to?!” inis na sagot niya.

“Good afternoon po. Ako po si Edna, from the district hospital, si Valerie Penafrancia po ba ito?” tanong ng babae sa kabilang linya.

“Oo, bakit? Para saan ba ‘to?” suplada paring pagsagot ni Val.

“Yung sister niyo po na si Josie Penafrancia naka-confine po ngayon dito. Kayo kasi ang emergency contact niya, kaya sana makapunta kayo kaagad dito,” sagot muli ng babae.

At doon biglang nanghina si Val, nag-alala kung anong nangyari sa kanyang ate at bakit ito nasa ospital.

Kaya naman, dali-daling pumunta ang dalaga sa kung nasan ang ate niya.

Advertisement

“Ako po si Valerie, nasan po yung kwarto ni Josie Penafrancia?” tanong nito sa isang nurse na nakaupo sa station niya.

“Hello Ms. Penafrancia, I am doktora Reyes and ako ang tumitingin sa case ng ate mo. I want to be frank with you on what’s going on. Your sister is very sick. We still need to do some tests. But to be honest, she only has a few months to live, I’m afraid,” ani ng doktor.

Biglang-bigla at hindi makapagsalita si Val. Tanging naiisip lamang niya ay ang panahon na umalis siya sa bahay ng kanyang ate at iniwan niya itong mag-isa.

Naiyak na lamang ang dalaga nang marinig sa doktor na ilang buwan niya nalang makakapiling ang ate niyang nag-alaga sa kanya mula noong siya’y bata pa.

Nang maayos niya ang mga kailangan sa ospital ay inuwi na niya ang kanyang ate sa kanilang bahay.

“Ate, sana mapatawad mo ako. Hindi ko alam na may sakit ka na pala. Kung alam ko lang, sana hindi kita ganoon trinato. Napakasama kong kapatid,” umiiyak sa sabi niya sa kanyang ate.

“Val, neng, tama na, past is past na ‘di ba, mahalaga magkasama na ulit tayo ngayon,” sabi niya habang yakap yakap niya ang bunsong kapatid.

“Simula ngayon ate, ako naman na ang mag-aalaga sayo” pangako niya sa kanyang kapatid.

Advertisement

At mula ng araw na iyon ay sinigurado ni Val na palagi siyang nandyan para sa kanyang ate ano man ang mangyari.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!