Hinuthutan na nga ng Pera, Binasted Pa ng Babaeng Ito ang Manliligaw na Construction Worker, Nang Magkita Silang Muli Matapos ang Ilang Taon ay Sinampal Siya ng Malupit na Katotohanan

Hindi malaman-laman ni Hannah kung bakit ayaw siyang tantanan ng manliligaw niyang construction worker na si Anton. Bawat araw na nakaabang ito sa kanya sa labas ng eskwela at hinahatid siya pag-uwi ay parang masusuka siya.

Kagagaling lang kasi nito sa trabaho kaya amoy-araw pa. Hindi niya lang mapa-hindian ito dahil napapakinabangan niya pa kahit papaano. Hindi naman katandaan si Anton, Base sa itsura nito, sa wari niya’y nasa mid-20s lang ang edad nito. Hindi siya nag-aabalang tanungin ito sa personal na impormasyon nito.

Araw-araw ay dito siya humihingi ng perang pambaon. May totoo siyang nobyo ngunit wala siyang mapala doon, puro kalokohan lang kasi at siya pa ang hinuhuthutan ng pera. Nasa Maynila ito, samantalang siya ay nasa Rizal kaya hindi nito alam ang panliligaw ng construction worker na si Anton sa kanya.

“Kelan mo ba ako sasagutin, Hannah?” tanong na naman nito sa kanya.

“Pwede mo ba kong mapahiram ng pang-project fee ko?” sa halip ay sagot niya dito.

Ngumiti ito sabay abot sa kanya ng 200 pesos, “Seryoso ako sayo, Hannah. Sana maniwala ka.”

“Alam ko naman, Anton. Pasensya na, gipit lang talaga ako.”

Ganoon ang palagi nilang tema ngunit isang araw ay nataranta si Hannah dahil tumawag ang nobyo niya na dadalawin daw siya nito. Advertisement

“Anong ginagawa mo dito, Juno?” tanong niya sa nobyo.

“Malamang namimiss kita, date tayo.”

Naiinis siya, nagyayaya na naman ‘tong makipagdate dahil may kailangan sa kanya ito. Kung hindi niya nga lang mahal ito ay matagal na niya itong dinispatsa.

Niyakap siya ng nobyo, wala na siyang nagawa kundi gantihan rin ito ng yakap. Namiss niya rin ang lalaki.

“Anong ibig sabihin nito, Hannah?”

Napabitaw siya nang makita ang pamilyar na mukha ni Anton. Nababasa niya sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman. Pero pinilit niya ang sariling huwag maawa dito.

“Anton, si Juno nga pala boyfriend ko.”

“Boyfriend? Akala ko ba?” maiiyak na ito. Advertisement

“Wala naman ako sinabing gusto kita diba. Ikaw itong nagpauto ng todo. Tsaka asa ka namang patulan kita eh, construction worker ka lang. Ang baho-baho mo, tinitiis ko lang amoy mo araw-araw kasi nakakahingi ako sayo ng pera.”

Simula nang araw na yun ay hindi na nakita ni Hannah si Anton. Ilang buwan lang din ay nakipagbreak sa nobyong nahuli niyang nambababae.

Ilang taon ang lumipas ay walang naging seryosong relasyon si Hannah. Hindi niya malaman kung bakit hindi mawala sa konsensya niya ang ginawa kay Anton. Kaya naman isang araw ay sinearch niya ito sa Facebook ngunit nalaman niyang naka-deactivate na pala ang account nito.

Nang makagraduate siya ay nag-aapply siya sa isang Engineering Company. Doon ay nakabunggo niya ang isang pawisang lalaki.

“Sorry,” hinging-paumanhin ng lalaki.

Pamilyar sa kanya ang boses nito.

“Anton?” hati ang damdamin niya sa pagkakita muli dito. Masaya siya dahil muli silang nagkita, pero malungkot na malaman niyang construction worker pa rin ito.

“Construction worker ka pa rin pala,” tila disappointed niyang sabi. Advertisement

Ngunit imbes na sumagot ay nginitian lang siya nito, “Graduate ka na pala.”

Magsasalita palang siyang muli nang may tumawag dito.

“Engineer, handa na po ang mga kakailanganin!”

Naguluhan siya, “Engineer?”

Marahang ngumiti ang lalaki, “Matagal na akong Engineer, Hannah. Nanliligaw palang ako sayo, trabaho ko na ‘to.”

Nabigla siya, “Unang kita mo palang sa akin noon, tinanong mo kung construction worker ako, sinagot nalang kita ng oo kahit natatawa ako. Sa isip ko kung magugustuhan mo ko nang ganun lang ang alam mong trabaho ko ay seryoso ka talaga sa akin.”

Ngumiti ito nang mapait, “Pero binigo mo ako Hannah, sabi ko sayo noon seryoso ako. Pero tulad ka rin pala nila.”

Napaiyak si Hannah sa nalaman. Natutunan niyang hindi nga dapat manggamit ng tao para lamang sa sariling kapakanan. Hindi na rin siya nanghusga ng kapwa dahil sa aral na natutunan kay Anton.

Advertisement

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.