Karumal-Dumal ang Pinagdaanan ng Babaeng Ito nang Dahil Lamang sa Napakabagal na Internet

Sunod-sunod ang tunog ng keyboard ni Mary Ann, nagtatype ito ng mga reports sa website sa kaniyang pinagtratrabahuhan nang biglang may lumabas na “You have lost your internet connection.” *** click click click *

“Na naman?! Badtrip na talaga ako sa connection na ‘to, kaunti na lang ay mag uunsubscribe na ako sa ‘yo!” Sigaw ng dalaga sa walang buhay na modem ng kanyang internet.

Mag lilimang buwan na ang WiFi connection ng dalaga, 10 mbps ang kanyang plan at nag babayad ito ng halos Php 1,500 buwan-buwan. Tatlo o apat na beses din siyang tumatawag sa customer service hotline para sabihing usad pagong na naman ang serbisyo nito o di kaya naman ‘pag inabutan siya ng malas ng taon e sira talaga at walang connection na gumagana.

“Hello, ano? Wala pa ba akong record sa system niyo? This is Mary Ann Dilap, account number- 88881, address Novaliches.” Sunod-sunod na bira ni Mary sa telepono.

“Maganda Umaga po Ms. Mary, pasensya na po kayo pero kuhanin ko lang po ulit ang account number for verification purposes.” Sagot ng nasa kabilang linya.

“Ano ba yan si ate gurl, babagal-bagal. Account number 88881. Tapos paki note agad na ang issue ko wala na namang dep*tris na internet connection. Nag-reset na ako ng lahat. Paki-check ano na namang pesteng problema at paki bilis!” Sagot ng dalaga sa kausap niya habang nakapamewang at bwisit na bwisit na.

Makalipas ang ilang minuto na pag-uusap ang dalawa’y sinabi ng operator na kailangan daw puntahan ng technician ang address ni Mary Ann para ayusin ang koneksyon.

“Mamayang hapon na din naman… Sige, maghihintay na lang ako.” Bumuntong hininga pa ang babae habang sinasambit ang mga salita.

Advertisement

Galing si Mary sa probinsya at doon nagtapos ng kolehiyo. Pumunta ito ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay.

Nagtapos ng BS Biology ang dalaga at sa kasawiang palad ay hindi siya makahanap ng trabaho na kung saan ay magagamit niya ang kanyang pinag-aralan.

Ngunit ayaw bumalik ni Mary Ann na luhaan sa probinsya, kaya naman naghanap siya ng mga online jobs. Naisip niyang sayang naman ang laptop niya at mas maigi din na sa dorm na lang siya magtrabaho dahil hindi na siya makikipagdigmaan pa sa PNR, MRT, LRT at sa bus na laging may konduktor na nagsasabing aalis na kahit mag-iisang oras na siyang nakaupo at naghihintay.

Ilang buwan lamang ay nagkatrabaho na siya. Data encoder ang trabaho niya at pinagkakitaan na rin niya ang pagiging vlogger.*

“Hello po, sa WiFi service niyo po ito.” Sabi ng boses na kumatok sa pintuan ng dalaga.

Kumaripas ng tayo ang dalaga para buksan ang pinto, kumuha ng towel para itakip sa kanyang katawan, naka T-shirt na manipis lamang at pajama kasi ito at walang suot na bra.

“Sa wakas kuya, dumating ka rin! Paki ayos na po, bilis!” Wika niya sa lalaking nasa labas na may dalang tool box. Naka itim itong polo shirt at naka sumbrero.

“Bagong Uniform? Bakit ngayon ko lang nakita ‘yan? Tsaka ba’t walang logo?” Mausisang tanong ng dalaga.

Advertisement

“Wash day kami ngayon, ma’am.” Nakangiting sagot ng lalaki.

“O sya, sya. Bilisan niyo na lang po. Nando’n yung WiFi sa may TV, magbabanyo lang po ako saglit.” Nagmamadaling sabi ni Mary Ann dito.

Pumasok ang dalaga sa banyo para magsuot ng kanyang bra at ipinuyod niya ang buhok gamit ang ballpen na nakita doon.

Nagtataka siya kung bakit biglang lumakas ang volume ng TV. Paglabas niya ng pinto ng banyo, nasa harapan ang lalaki at nakangiti, sabay labas ng kutsilyo. Namutla ang dalaga at hindi nakagalaw.

“Ano, ate? Ano gusto mo? Sarap o hirap?” Tanong ng lalaki habang dinidilaan ang kutsilyo.

“Hubarin mo nga ulit ‘yang bra mo, patingin ako pag bakat ‘yang dalawang nasa gitna ng dibdib mo. Nakakagising ka ng pagkalalake!” Wika ng lalaki sabay himas nito sa kanyang maselang bahagi.

Hindi pa rin nakakagalaw si Mary sa kinatatayuan, nanginginig na ito at naiiyak.

“Kuya, ‘wag po. Parang awa niyo na! Bibigyan ko na lang po kayo ng pera, hindi ko rin po kayo iri-report, parang awa niyo lang po wag niyong gawin sa ‘kin ‘to!” Lumuhod ang dalaga at nag mamaka-awa sa lalaki.

Advertisement

“Sh*t! Lumuhod ka na agad, gusto mo na agad akong matikman. Iba ka teh.” Nakangising tawa ng lalaki habang hinuhubad ang sinturon nito. Ibinaba ang zipper at pantalon hanggang tuhod.

“Kuyaaa, please waaaag!” Umiiyak na sabi ng dalaga.

“Ssshhh. Huwag masyadong maingay, puputulin ko ‘yang ulo mo sige ka, titirahin pa rin kita kahit patay ka na. Pero kung tatahimik ka at susunod sa akin, titirahin lang kita.” Pahayag ng lalaki kay Mary Ann habang nakatutok ang kutsilyo sa leeg nito at sinugatan ng kaunti.

Nahihirapan ang lalaki na maghubad ng pantalon nito kaya naman ibinaba niyang saglit ang kutsilyo pero hawak naman niya ang ulo ng dalaga.

Sinamantala naman ng dalaga ang pagkakataon. Dinukot niya ang ballpen niya sa buhok at buong lakas na isinaksak ito sa ari ng lalaki. Lumubog ang ballpen dito at sumirit ang dugo.

Biglang tumayo ang dalaga at kumaripas ng takbo papalabas. Sinarado niya ang pinto, hinubad ang bra at ginawang pang lock sa labas ng pintuan niya at buong lakas na hinawakan ito para di makalabas ang lalaki at tsaka siya nag sisigaw.

“TULONG! UTANG NA LOOB! TULONG!”

Dumating ang mga kapitbahay ni Mary Ann, dali-dali siyang kinuha ng isang ale na hindi naman niya kilala ngunit umiyak siya ng umiyak rito.

Advertisement

Ang mga lalaki niyang kapitbahay ang siyang humawak sa pinto ni Mary para di makalabas ang lalaki. Tumawag na rin ng Tanod at Police ang iba.

Nahuli ang lalaki at nakilala itong si Marvin Patasyaw. Nang tinanong siya kung paano niya naplano ang krimen, sagot niya’y narinig niya ang dalaga na sumisigaw tungkol sa internet nito at naisipan niyang magpanggap bilang technician para mapagsamantalahan ang babae.

Lumipat ng tirahan si Mary Ann, humanap rin siya ng ibang internet provider at sa tuwing magkakasira man ito, hinihingan niya muna ng ID at password challenge code ang mga technician na siyang sinesend niya sa mga repair request bago papasukin.

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.