Malapit nang Ikasal ang Magkasintahan Ngunit May Nangyaring Hindi Inaasahan Nang Pumunta Sila sa Bakasyunan, Isang Madilim na Lihim ang Mabubunyag

Isang linggo na lang at nakatakda nang ikasal ang magkasintahang Arwen at Rocco. Sa wakas ay matutupad na ang matagal na nilang pangarap na maikasal sa simbahan. Matagal nila itong pinag-ipunan at pinaghandaan kaya labis ang kasiyahang nadarama ng dalawa.

“Honey, ilang araw na lang at magiging Mrs. Real ka na!” sabi ng lalaki.

“Excited na nga ako! Gusto ko nang pabilisin ang oras,” wika naman ni Arwen sa nobyo.

“Saan mo ba gustong mag-honeymoon?” taong nito.

“Kahit saan, basta kasama kita!” saka mahigpit na niyakap at hinalikan sa labi ang lalaki.

Apat na araw bago ang kasal ay napagdesisyunan ng magkasintahan na magpunta sa tahimik na lugar. Gusto nilang mag-relax muna bago ang pinakahihintay na sandali sa kanilang buhay. Naisipan nilang pumunta sa bahay bakasyunan ng pamilya ni Rocco sa Baguio.

Nang marating nila ang lugar ay nakadama sila ng kakaibang kapayapaan. Napakatahimik ng paligid at walang sinumang taong gagambala sa kanila.

“Ano, nagustuhan mo ba rito, ang peaceful ‘di ba?” ani Rocco.

Advertisement

“Yes, honey! Makakapag-relax tayo rito sa bahay bakasyunan niyo. Pero hindi ba nakakatakot dito? Sobrang tahimik at parang walang sinuman ang nakatira sa paligid.”

“Wala! Sa katunayan ay dito palaging pumupunta sina mama at papa kapag gusto nilang lumayo pansamantala sa magulong siyudad. Walang mangyayari sa iyo dito dahil kasama mo naman ako,” sabay halik sa pisngi ng nobya.

Kinagabihan ay ipinagluto ni Rocco ng espesyal na putahe si Arwen.

“Mukhang masarap ang niluto mo ha!”

“Para sa iyo talaga iyan, honey! Isang linggo kong pinag-aralan kung paano lutuin iyan.”

“Really? Dahil masarap ang luto mo ay puwede ka na talagang mag-asawa,” aniya sabay tawa ng malakas.

Matapos kumain ay naisipan na ng dalawa na magpahinga na. Dahil malaki ang respeto ni Rocco sa nobya ay hindi sila nagtabi sa pagtulog. Hinayaan ng lalaki na matulog si Arwen sa kama samantalang siya ay nahiga sa sofa.

Maya-maya ay may nagbukas ng pinto. Hindi alam ng magkasintahan na pinasok sila ng mga ‘di kilalang mga lalaki. Dahil sa mga kaluskos na narinig ay nagising si Rocco at nakita ang apat na armadong lalaki na nakapasok sa loob ng bakasyunan.

Advertisement

“Anong ginagawa niyo rito? Sino kayo?” malakas na tanong ng lalaki.

“P*tang i*a, may tao pala dito p’re! Sabi mo walang nakatira rito?” sabi ng isang lalaki sa kasama.

“Malay ko ba! Nung minanmanan namin ‘to ni Boyong ay wala naman kaming nakitang tao!” sabi ng isa pa.

Nagising si Arwen sa malakas na boses na narinig niya kaya nagmamadali itong lumabas ng kuwarto. Nagulat at natakot ang babae nang makita ang mga armadong lalaki.

“S-sino sila, honey?” nag-aalang tanong niya sa nobyo.

Nang makita siya ng apat na lalaki ay nagkatitigan ang mga ito at nagngisihan.

“Uy, may magandang dilag pala na narito. Siguradong magiging masaya ang gabi natin mga p’re!” tatawa-tawang wika ng isang lalaki.

Mabilis na niyakap ni Rocco ang nobya at pinrotektahan.

Advertisement

“Pakiusap, kung anuman ang binabalak niyo ay huwag niyo nang ituloy. Malapit na kaming ikasal. Kunin niyo na ang lahat ng gusto niyong kunin dito. Huwag na huwag niyo lang kaming pakikialaman!” sabi ng lalaki.

Mas lalo pang nagtawanan ang mga armadong lalaki. Mukhang mas interesado pa ang mga ito sa kanyang nobya kaysa sa mga gamit na naroon. Hindi kasi maipagkakaila na maganda si Arwen na pang beauty queen ang hitsura at pang-modelo ang katawan kaya nadedemonyo ang apat na lalaki.

“Pasensyahan na lang tayo, bata, pero mas type namin ang girlfriend mo e!” sabi ng isang lalaki.

Pinagtulungang bugbugin ng dalawang lalaki si Rocco habang hawak-hawak naman ng dalawa pa si Arwen.

“Pakiusap, parang awa na ninyo, tigilan niyo na ang boyfriend ko!” malakas na iyak ng babae.

Nang magsawa ang dalawa sa kakagulpi ay inilabas ng isang lalaki ang dala nitong baril at itinutok sa sentido ni Rocco.

“Mahina ka pala, e! Magdasal ka na, bata!” anito.

Malapit nang kalabitin ng lalaki ang gatilyo nang biglang lumuhod sa harapan nila ang babae at patuloy na nakiusap.

Advertisement

“Huwag, huwag po! Pakiusap huwag! Gagawin ko ang lahat ng gusto ninyo, huwag niyo lang siyang paslangin,” hagulgol ni Arwen.

Nagkatinginan ang apat.

“Lahat, gagawin mo?” nakangising tanong ng pinaka-lider sa grupo.

“Opo, opo! Buhayin niyo lang ang mahal ko! Nangangako ako na hinding-hindi kami magsusumbong kahit kanino!”

Dahil sa sinabi niya ay agad na nagdesisyon ang apat. Halinhinang pinagsamantalahan si Arwen nang walang kalaban-laban ng apat na buhong hanggang magsawa ang mga ito sa kanyang katawan. Pumayag ang babae na gawin ang gusto ng mga ito kapalit ng buhay ng pinakamamahal niyang nobyo.

Nang makaraos ay nagmamadaling nagbihis ang apat na lalaki at nilimas ang mga mamahaling gamit sa loob ng bahay bakasyunan. Gaya ng napagkasunduan ay hinayaan nilang mabuhay ang magkasintahan kapalit ang dangal at puri ni Arwen. Sa pag-alis ng mga magnanakaw ay agad na ginising ng babae ang nobyo.

“H-honey, honey, wala na sila, umalis na sila,” aniya sa humihikbing tinig.

Nang imulat ng lalaki ang mga mata ay agad na kinamusta ang nobya.

Advertisement

“Nasaan ang mga ga*gng iyon? Anong ginawa nila sa iyo?” nag-aalalang tanong nito.

“W-wala, honey. B-buti na lang at hindi nila tayo pinaslang. Matapos ka nilang walang awang bugbugin ay nilimas nila ang mga gamit dito saka nagmamadaling umalis,” palusot niya.

Niyakap siya nang mahigpit ng nobyo.

“Salamat at wala silang ginawang masama sa iyo!” anito.

Pilit na itinago ni Arwen kay Rocco ang buong pangyayari ng gabing iyon hanggang sa makabalik sila sa Maynila.

Natuloy ang pinakahihintay nilang kasal at dumating ang araw ng kanilang honeymoon. Matapos na may mangyari sa kanila ay laking pagtataka ni Rocco sa natuklasan sa asawa.

“H-hindi ka na virgin?” gulat nitong tanong.

Napahagulgol na lang si Arwen sa sinabing iyon ng mister.

Advertisement

“Aminin mo sa akin, may iba bang nakauna sa iyo bago ako?” may galit sa tono ng lalaki.

Hindi na kayang paglihiman pa ng babae ang mister kaya ibinunyag na niya rito ang masakit sa katotohanan.

“Nung gabing pinasok tayo ng mga armadong magnanakaw ay walang awa nila akong pinagsamantalahan. Ayokong may masama silang gawin sa iyo. Pinagtangkaan ka nilang paslangin. Hindi ako pumayag na mawala ka sa buhay ko kaya ipinaubaya ko ang aking sarili mailigtas lang kita sa kapahamakan. Patawarin mo ako kung itinago ko ang totoong nangyari. Nasa iyo na ang desisyon kung kaya mo pa rin akong pakisamahan kahit hindi na ako birhen,” hagulgol ng babae.

Napaiyak at naisuntok nang malakas ng lalaki ang kamao sa dingding sa ipinagtapat ng asawa.

“Ba-bakit mo inilihim sa akin ang ginawa nilang kahayupan sa iyo? Sana ay sinabi mo sa akin para nagbayad ang mga kriminal na iyon!” maluha-luhang wika ng lalaki.

“Ipinasa-Diyos ko na lang ang lahat. Ayoko na kasing balikan pa ang nangyaring iyon sa atin kaya pinilit kong kalimutan ang lahat.”

“Anuman ang nangyari sa iyo ay hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko sa iyo, honey. Mahal na mahal kita. Kung hindi mo ako iniwan at pinabayaan nung gabing iyon ay mas lalo kitang hindi iiwan at pababayaan ngayon dahil mag-asawa na tayo at magkasama na tayo sa hirap at ginhawa,” anito sabay halik sa noo ng babae.

“Salamat, mahal ko!” humihikbing sabi ni Arwen.

Advertisement

Gumawa ng paraan ang lalaki para madakip ang mga nanamantala sa kanyang misis. Hindi naman siya nabigo at nahanap ang apat na salarin at napagbayad ang mga ito sa ginawa kay Arwen. Matapos iyon ay panatag na ang mag-asawa dahil nakamtan na nila ang hustisya na nararapat sa kanila.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.