Tinatawag na Baliw ang Batang Ito Dahil sa mga Di Kapani-paniwalang Kwento Nito, Ito Pala ang Magpapayaman sa Kanya Balang Araw

Si Rex ay isang batang malawak ang imahinasyon. Sa edad na pitong-taong gulang ay palagi na siyang nakakaisip ng mga imposibleng senaryo. Tulad na lamang ng pagiging superhero niya.

Dahil sa ganoong katangian ay madalas siyang lokohin ng kapwa niya mga bata. Madalas siyang sabihan na baliw, lakas tama at marami pang iba.

Pero hindi iyon inintindi ni Rex. Pinagpatuloy niya lang ang hilig niya. At dahil nga walang may gustong makipagkaibigan sa kanya ay gumagawa na lamang siya ng imaginary friend niya o kaibigang siya lamang ang nakakakita.

Hindi malaman ni Rex kung bakit hanggang sa magbinata siya ay ganoon pa rin ang hilig niya. Habang nag-aaral siya at nagtuturo ang kanilang guro ng highschool ay mahilig siyang magdrawing at mag-imagine ng mga pangyayaring imposibleng mangyari sa tunay na buhay. Tulad na lamang ng pagpasok ng mga zombie habang nagkaklase sila o pagdating ng mga superheroes upang iligtas sila.

“Hay naku, Rex tigil-tigilan mo ‘yang pag-iimagine mo ah, ang mabuti pa mag-aral ka nalang para sa exam niyo bukas,” ang palaging saway sa kanya ng ina.

Pero sa kabila niyon ay hindi niya pa rin mapigilan ang sariling maging creative sa bawat araw. Bukod sa pag-iimagine ay talento niya rin ang pagdo-drawing. Kahit pa mapuyat siya kakaisip kung ano naman ang senaryong ido-drawing niya kinabukasan ay ayos lang sa kanya.

Ngunit dumating sa punto na halos iisang tabi na ni Rex ang hilig. Marami na kasing problemang dumating sa pamilya niya. Nagkasakit ang kanyang ina at kinailangan niyang magpart-time job. Siya ang tumustos ng panggamot ng kanyang ina. At dahil doo’y hindi niya na nagagawa pa ang kanyang hilig na mag-imagine at idrawing iyon.

Isang araw ay tinawag siya ng naghihingalong ina, “Anak, nararamdaman ko hindi na ako magtatagal. Pasensya ka na kung dahil sa akin ay natigil ka sa hilig mo. Please anak, ipagpatuloy mo iyan. Gawin mo kung anong gusto mo at kung anong makakapagpasaya sayo. Patawad kung hinadlangan kita noon d’yan. Pero sana anak ipagpatuloy mo lang kung ano ang mahal mo.” Advertisement

Ganoon na nga ang ginawa ni Rex, bumalik siya sa dating hilig. Nagpatuloy siya sa pagiging imaginative at creative. Nagdrawing siya ng mga bagay na nasa imahinasyon niya. At dahil doo’y naging nakagawa siya ng mga komiks sa internet na siyang naging matagumpay kinalaunan. Sa ngayo’y kilala na siya bilang isang sikat na “webtoon artist” o ang taong gumuguhit para sa komiks sa internet. Malaki na ang kinikita at nakabili narin siya ng sariling opisina para sa kompanyang itinayo mula sa dugo at pawis.

Ilang beses man siyang pagtawanan ng mundo dahil sa pagiging kakaiba niya, nakamit ni Rex ang pinapangarap sa buhay dahil sinunod niya ang sinisigaw ng kanyang puso. At higit sa lahat, hindi siya nagpatalo sa matatalim na salita na ipinukol sa kanya.