Maglakad Ay Hindi Biro

Sa probinsiya ng Pampanga, kung saan napapaligiran ng mga kapatagan, at mga ilog na may lahar mula sa sumabog na Bulkang Pinatubo, ay may isang bayan na malayo sa siyudad.

Upang makarating sa pinakabayan ng lugar ay kinakailangan ay may sariling kang sasakyan o bisikleta, o ‘di kaya naman ay motorsiklo dahil bihira lamang ang mga dumadaan na saksakyan sa lugar na ito.

Dito ay nakatira ang pamilya ni Esmong, isang magsasaka at mangingisda. Siya ay may tatlong anak na kasalukuyang nag-aaral na sa elementarya. Dahil nasa liblib na bayan ay malayo ang nilalakad ng kanyang mga anak upang makarating sa paaralan, na dalawang bayan ang pagitan mula sa kanilang lugar.

Alas-kwatro pa lamang nang umaga ay dapat gising na ang mga bata upang magkapag-ayos papunta sa eskwelahan. Mula sa bahay ay lalakarin nila papunta sa ilog, upang tawarin ang kabilang bayan. Matapos tawirin ang kabilang bayan ay maglalakad pa ang mga bata sa mga pilapil upang makarating ang susunod na bayad kung saan naroon ang kanilang eskwela.

Ito ang ang araw-araw na pakikipagsapalaran ng mga anak ni Esmong upang makarating sa eskwela. Kapag umuulan ay madalas na kasama nila ang iba pang mga kabataan sa kanilang lugar na tumatawid rin sa ilog, para sila ay magtulungan. Ngunit may mga pagkakaaton na kapag malakas ang agos ng tubig sa ilog, at wala saksakyan na pwedeng pakiusapan upang sila ay ihatid ay napipilitang lumiban sa klase ang mga bata.

“Nay, inanod po yung tsinelas ko kanina sa ilog habang pauwi kami nila ate,” wika ng bunsong anak ni Esmong na si Mae.

“Hayaan mo, anak. Ibibili ka na lang ni nanay ng bagong tsinelas. Gamitin mo muna yung lumang tsinelas diyan sa labas bukas,” sagot naman ng asawa ni Esmong.

Noon ay naghahapunan ang mag-anak, at masayang nagku-kwento ang mga bata tungkol sa mga nangyari sa kanila habang nasa eskwelahan.

Advertisement

“Tatay, si Mae po kanina, hindi pa rin po sanay maglakad sa bukid, kaya panay po ang pagdulas niya. tawa po tuloy siya nang tawa,”

Natatawang kwento naman ng panganay na anak ni Esmong. Hindi mo makikita ang bakas ng takot sa mga mukha ng mga bata kahit may panganib na dulot ang paglalakad nila sa ilog at pilapil, papasok at papauwi sa kanilang tahanan. Kahit nakikita nagkakasiyahan ang mga anak ay labis ang pag-aalala ang nararamdaman ng mag-asawa. Kung maari lang sana ay hindi nila hahayaan ang mga anak na lumapit sa mga panganib, subalit ‘yon lang paraan upang makapunta at makapasok sila sa eskwela.

“Mahal, nangangamba ako sa kaligtasan ng ating mga anak. Katulad niyan at malapit na mag tag-ulan, magiging delikado na sa kanila at pagtawid sa ilog lalo na pag malakas ang agos nito,” wika ng asawa ni Esmong na nag-aalala sa kanilang mga anak.

“Oo nga mahal e. Ilang araw ko na rin inaalala ‘yan,” sagot ni Esmong.

“Sa katunayan nga mahal, naisip ko na bumili tayo ng traysikel. May naipon naman akong kakaunting pera. Kaso hindi ko alam kung sapat para makabili tayo,” dagdag na sabi ni Esmong.

“Hayaan mo, mahal. Pag-ipunan nating dalawa, mas mabilis tayong makakaipon pag dalawa tayong magtutulungan. Dodoblehin ko ang pagtanggap ng labada, para may maitabi akong pera,” sagot ng kanyang asawa.

“Sige, mahal. Subukan natin makaipon habang tag-araw pa. Para makabili tayo bago dumating yung mga bagyo,” sagot ni Esmong.

Bukod sa pagsasaka na hanap buhay ni Esmong ay nangingisda rin ito tuwing madaling araw at ibinebenta niya ito sa umaga sa kanilang mga kapitbahay. Hindi man kalakihan ang kita, pero pinagsisikapan ng mag-asawa na makapagtabi ng pera para sa kanilang ipon.

Advertisement

Sa kanilang pag-iipon ay hindi nila sukat akalain ng mag-asawa na may isang anghel ang mag-aabot ng tulong sa kanila.

Naging maganda ang huling ani nila Esmong kaya malaki-laki ang kinita ng may-ari ng lupang kanilang tinatamnan. Dahil dito, nabigyan na malaking porsyento silang magsasaka sa kita ng palay. Bukod dito, ay nabalitaan din nga may-ari ang pagti-tiyagang ginagawa ni Esmong upang makabili ng traysikel para magamit ng kaniyang mga anak sa pag-aaral.

Inalok ng may-ari si Esmong na papahiramin niya ito ng pera ng walang interes, upang agad itong makabili lalo na at paparating na nga ang tag-ulan. Nahihiya at nagda-dalawang isip man noong una, ay tinanggap na rin ni Esmong ang inaalok na tulong ng may-ari ng sakahan.

Inisip nito na ipagpapatuloy pa rin nila ang pag-iipon nilang mag-asawa upang magsilbi nilang bayad sa perang ipinahiram sa kanila. Malaking bagay rin kasi na makabili na sila ng traysikel dahil ilang araw na lang ay darating na ang malalakas na bagyo.

Sinorpresa naman ng mag-asawa ang kanilang mga anak. Linggo noon at nagpunta sa simbahan ang mag-anak, nagulat ang mga bata nang makita nila ang kanilang ama noong papauwi na sumakay sa isang traysikel sa labas ng simbahan.

“O mga anak, tara na at uuwi na tayo,” pagyaya ni Esmong sa mga bata ng makalabas ang mga ito mula sa simbahan.

“Tay!” malakas na sigaw ng mga bata.

“Tay, kanino po yang traysikel na gamit niyo?” tanong ng bunsong si Mae.

Advertisement

“Sa atin ito, anak. Bumili si nanay at tatay ng traysikel para hindi na kayo tatawid sa ilog at maglalakad sa mahabang pilapil,” nakangiting wika ni Esmong.

Niyakap ng mga bata ang kanilang nanay at tatay ng napakahigpit na tila ba ay nakatanggap sila ng napakagandang regalo. Masayang umuwi ang mag-anak sa kanilang tahanan.

Malaki ang pakinabang ng traysikel na nabili ni Esmong. Hindi lamang kasi mga anak niya ang natulungan nito, maging ang mga ibang mga bata na ka-eskwela ng kanyang mga anak ay isinasabay niya na ng libre sa paghahatid at pagsusundo sa eskwela.

Libre man ay pinapalitan naman ng mga magulang ng mga bata ang tulong na nabibigay ni Esmong sa pamamagitan ng pagbibigay na mga tanim na gulay at prutas o minsan ay binabahagian nila itong ulam sa tuwing maykakatay sila ng alagang manok at bibe.

Malaking tulong na ito kila Esmong, dahil imbes na gumagastos pa sila sa pangbili ng ulam ay itinatabi nila ang pera pangbili ng gasolina upang maihatid ang mga bata.

Nalaman ng panganay na anak ni Esmong ang pagsasakripisyo na ginawa ng kanilang mga magulang, at ang nahiram na pera ng mga ito upang makabili ng traysikel. Dahil dito ay gumawa ng paraan ang kanyang panganay at ang mga anak nito upang matulungan ang mga magulang.

Hinihikayat ng mga anak ni Esmong ang kanilang kaklase na traysikel nila sila sumakay. Kaya tuloy bukod sa pagsasaka, ay namasada na rin si Esmong ng traysikel. Pag walang trabahong sa sakahan ay magtiyagang nag-aabang si Esmong sa tapat ng kanilang eskwela upang mamasada. Minsan pa nga ay hinahayaan muna ng mga bata na mamasada ang kanilang ama tuwing uwian dahil maraming nais sumakay, kaya maghihintay ang mga bata sa loob ng eskwela o silid aklatan hanggang matapos na mamasada ang kanilang ama.

Nagtulungan ang mag-anak, at matagumpay naman nilang nabayaran ang utang sa loob ng isang taon. Naging katuwang ng pamilya ni Esmong ay traysikel sa kanilang pang araw-araw na buhay, at nagsilbi rin itong tulay upang magkaisa at magtulungan ang kanilang pamilya.

Advertisement

Lumipas ang ilang taon, unti-unti nang tumanda: nagbinata at nagdalaga ang kanilang mga anak. Lumipat na rin ng eskwela ang kanilang mga anak nang tumungtong ang mga ito sa hayskul. At bukod sa tulong na nakuha nila sa traysikel na patuloy nilang nagagamit, ay baon-baon pa rin nila ang masasayang ala-ala mula sa paglalakad nila sa ilog at pilapil noong kabataan nila.