Halos Sumpain na ng Babaeng Ito ang Lahat ng Kalalakihan sa Mundo Dahil sa Paulit-ulit na Pananakit sa Kanya; Isang Gwapong Lalaki Pala ang Darating Upang Iparamdam sa Kanya ang Wagas na Pag-ibig

Halos sumpain na ni Michelle ang lahat ng mga kalalakihan noon. Dahil sa ilang ulit na pananakit at panlolokong ginawa sa kanya, ay labis na ang takot niyang muling magmahal at magpauto sa mga ito.

Para sa kanya, lahat ng lalaki ay pare-pareho lamang. Lahat ng lalaki ay manloloko at hindi marunong magseryoso pagdating sa pag-ibig, pero lahat ng iyon ay nagbago nang makilala niya si Miguel.

Araw ng pagtatapos nila noon sa kolehiyo nang una silang magkakilala. Sa lahat ng mga nakangiting mukha doon at tanging si Miguel lamang ang namumukod-tanging lugmok na lugmok noong araw na iyon.

Lugmok na lugmok ang lalaki sa isang tabi at tila ba ay dala niya ang problema ng buong mundo sa kanyang mga balikat dahil sa pagmumukmok.

“Graduation day ngayon, hindi ba dapat nakangiti ka at masaya? Bakit parang Biyernes Santo ang mukha mo diyan?” tanong ni Michelle sa lalaking nakaupo sa sulok.

“Wala!” isang malamig na sagot ng binata sa kanya.

“Hindi ba naka-attend ang family mo ngayon, kaya ka ganyan? Ang daming reasons for us to be happy ngayon, ano ka ba?!” nakangiting saad ng dalaga.

“Hindi, kasama ko sila. Ang totoo niyan lumayo lang ako, kasi gusto kong mapag-isa. Naalala ko lang kasi ang isang pangako na hindi natupad,” sagot naman ni lalaki.

Advertisement

“Heartbreak ba? Pinangakuan ka na darating siya sa araw ng graduation, iyon ba? Nako! Suki na ako ng ganyan. Alam mo kuya? Sayang ‘yang kagwapuhan mo kung magmumukmok ka lang para sa isang babae,” muling pahayag ng babae.

“Inaasahan ko lang talaga na darating siya ngayong espesyal na araw na ito, gaya ng ipinangako niya two years ago,” lumuluhang sabi ni Miguel.

“My God! Dalawang taon na pala ang nakakalipas, tapos umaasa ka pa rin na babalik siya? Wag ka nang mag-aksaya ng panahon, kuya. Go out and have fun kasama ang family mo.

O eto ang panyo ko. Iiyak-iyak ka diyan tapos wala ka naman palang dalang panyo. Nakakaloka ka, kuya, alam mo ba yun?” nangingiting sabi ni Michelle habang inaabot ang panyo.

“S-salamat. By the way, I am Miguel nga pala,” pagpapakilala naman ng binata.

“Michelle, but just call me Mich na lang,” tugon naman ng babae. Bago pa man maisauli ng binata ang panyo ay tinawag na si Michelle ng kanyang mga magulang.

Kinagabihan, matapos ang munting selebrasyon at habang nagpapahinga sa kama ay napaisip si Michelle. Natatawa siyang mayroon din palang lalaki na iiyak dahil lamang sa nawalang pag-ibig. Buong akala niya ay mga babae lamang ang gagawa noon.

Ang buong akala niya ay iyon na ang huling beses na sila’y magkikita, ngunit may ibang plano pala ang tadhana para sa kanila. Sa araw ng interbyu sa kumpanyang nais niyang pasukan ay hindi niya inaasahang makakasabay niya si Miguel.

Advertisement

“Mich? Wow! I can’t believe na dito pa tayo magkikita. Tadhana nga naman,” nakangiting bati sa kanya ni Miguel.

“Uy Miguel, ikaw pala yan! Kumusta ka naman? You look happier ngayon ah? Anong bago?” masiglang tanong naman sa kanya ni Mich.

“I think I found the one na. Sa wakas ay nakita ko na ang babaeng magpapatibok muli ng puso ko,” masayang sabi naman ng binata.

“Sa wakas, hindi ka na muling magmumukmok pa! So, ano kayo na ba?” biro naman ng dalaga.

“Hindi pa, pero doon din naman ang punta noon ‘di ba?” tugon naman ng lalaki.

Hinintay na matapos ni Miguel noon si Michelle sa interbyu upang sabay silang umuwi. Ilang kalye lamang pala ang layo ng bahay nila sa isa’t isa. Tila ba mga ‘parallel lines’ sila noon, hindi magkatagpo gayong malapit lamang pala sila sa isa’t isa.

Pero noon lamang hindi magkatagpo ang kanilang mga landas, dahil simula noong araw na magsabay sila pauwi ay nagsimula na din silang lumakad ng sabay sa daan ng buhay. Mas lalo silang naging malapit sa isa’t isa simula noon.

Pagkalipas ng ilang linggo, pumunta si Miguel sa bahay nila Michelle, “coffee tayo, Mich?”

Advertisement

“Eh may kape naman kami dito sa bahay. Bakit kailangan pa sa labas?” tanong ng dalaga.

Kaya pala nais ng binata na sa labas sila magkape ay dahil sa isa pang pagkakataon ay muling iiyak na naman ito. Umasa na naman siya sa isang relasyon na wala na naman kasiguraduhan. Umasa na naman sa pangakong, napako.

“Bakit ka na naman kasi umasa? Dapat ikaw ang nagpapaasa, kasi ikaw yung lalaki ‘di ba?” tanong ni Michelle.

“Hindi naman kasi nakadepende sa kasarian kung sino ang unang iibig. Sa puso ng tao iyon nakadepende,” tugon naman ni Miguel habang umiinom ng malamig na kape.

“May point ka naman, pero okay lang iyan. Balang araw ay magiging masaya ka rin. Tiwala lang talaga.”

“Paano mo nasabi yan? Eh ikaw nga itong single pa rin hanggang ngayon!” natatawang sagot naman ng binata.

Nagtawanan silang dalawa. Tumayo si Miguel at saka niyakap ng mahigpit si Michelle. Nagulat naman ng bahagya ang dalaga, ngunit napangiti rin siya sa init ng yakap na nadarama.

Dumaan pa ang mga linggo, sabay silang tinawagan ng kumpanyang nais nilang pasukan, halos sabay silang umuuwi araw-araw. Araw-araw din namang pinipilit ni Michelle na pangitiin ang kaibigang binata.

Advertisement

“Bakit ba hindi mo pa rin kasi sagutin yung workmate natin na nanliligaw sa’yo?” tanong ng binata kay Michelle.

“Hindi ko type. At saka kayong mga lalaki, pare-pareho lang naman.”

“Oy! Hindi ah. Meron naman mga seryoso at totoo. Kaya huwag mo namang lahatin!” natatawang tugon ng binata.

“Kapag meron dumating na totoo at seryoso, ako na mismo ang kukuha ng pana ni Kupido, pero pag wala, ako mismo ang papana kay Kupido nang wala nang mabiktima pa,” sabi naman ng dalaga habang umiirap-irap.

Naging mas malapit pa sila sa isa’t isa. Mayroong babaeng nagkainteres kay Miguel sa kanilang opisina, subalit hindi niya ito pinansin. Maganda naman ito at matalino, pero laking pagtataka ng mga tao na hindi nasuklian ang pagtingin nito sa gwapong binata.

Makalipas ang ilang taon, magmula noong unang magtagpo ang magkaibigan ay muli na namang lumuha si Miguel, pero sa pagkakataong ito ay may dala siyang bote ng alak at halata ang kaunting pagkalasing.

“Tinamaan na naman ako ng pana ni Kupido, Mich. Pero nahihirapan ako. ‘Di ko alam ang gagawin ko,” pahayag ng binata.

“Sino na naman ba yan, Miguelito ha? Alam mo, gusto ko nang hanapin yang lintik na Kupido na yan. Papanain ko na talaga! Bwisit, lagi na lang sakit at pighati ang dala sa mga puso,” sabi naman ng dalaga.

Advertisement

Nakahiga ang dalawa sa labas ng bahay, habang nakatitig sa mga kumikislap na bituin ay binasag ni Michelle ang namumuong katahimikan, “Bakit ba napakalupit ng tadhana sa’yo? Bakit ba lagi ka na lang nasasaktan?”

“Hindi ko rin alam, Mich. Pero mas masakit ang dinadala ko sa dibdib ko ngayon,” sagot ni Miguel.

“Ano ba kasi iyon ha?”

“I am falling for someone again na hindi ko alam kung magugustuhan din ako. Ayoko naman nang umasa, kasi masasaktan lamang ako,” paliwanag ng binata.

Ilang saglit pa ay pumikit si Miguel. Dahan-dahan naman itong tinitigan ni Michelle upang tignan kung gising pa, subalit tulog na tulog na ito. Ngumiti lamang ang dalaga habang nakatitig sa gwapong mukha ng dalaga.

“Kung ako na lang sana ang minahal mo, hindi ka pa masasaktan ng ganyan. Bakit ba kasi sa maling tao ka pa napupunta, Miguel? Naandito naman ako, mahal naman na din kita, pero baka hanggang kaibigan mo lang talaga ako,” mahinang sambit ng talaga.

Unti-unti namang napangiti ang lalaki at dahan-dahang binuksan ang mga mata. Hinila niya papalapit ang dalaga sa kanyang dibdib at saka ito niyakap ng mahigpit.

“Sa wakas, tumama din ang pana ni Kupido. Ikaw yung taong tinutukoy ko na nahuhulog na ako, Mich. I am falling in love with you. I love you!”

Advertisement

Napalunok naman ang dalaga at namula ang mukha sa sobrang hiya, “bakit hindi mo naman sinabi na gising ka pala?! Nakakahiya!”

Akmang tatayo sana siya subalit muling siyang hinila ni Miguel at binigyan ng isang napakatamis na halik.

“Please give me a chance to prove na hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho. Papatunayan ko na iba ako sa kanilang lahat,” pagsusumamo ng binata.

Ngumiti lamang si Michelle at tumango bilang kasagutan. May takot man sa kanyang puso ay sinubukan pa rin niyang buksan ito para kay Miguel. Doon naman nagsimula ang matamis na pagmamahalan nila.

Araw-araw ay pinatunayan ni Miguel na karapatdapat siyang mag-alaga sa puso ng dalaga. Nililigawan niya ito sa bawat araw na dumadaan at palaging pinapasaya sa tuwing makakaramdam ang dalaga ng lungkot.

Sa pagkakataong iyon ay napatunayan ni Michelle na ang mga lalaki ay may puso rin pala; naguguluhan din, nagdaramdam, nasasaktan, at nawawasak kung minsan. Sadyang lang siguro na karamihan sa kanila ay hindi nais ipakita ang kalagayan ng mga pusong tulad ng sa kasintahan.

Dahil kay Miguel, ay nabago ang tingin ni Michelle sa mga kalalakihan. Muli niyang nabuksan ang sarili para sa pag-ibig. At tulad ni Miguel, nangako din siya hinding-hindi sasaktan ang pinakamamahal na kasintahan.