Nasanay ang Babaeng Ito sa Katahimikan ng Kapitbahay, Nagulat Na Lang Siya Nang Bigla Itong Lumabas at Nagsisigaw

Bagong lipat lang si Marie sa subdivision nila, kakakasal lang kasi nila ng asawa 2 buwan na ang nakalilipas.

Bumalik na sa abroad ang lalaki noong isang lingo lamang at ngayon ay naiwang mag isa si Marie sa kanilang tahanan, sa susunod na lingo ay darating ang kasambahay na kinuha nila mula sa probinsya nina Marie para naman may kasama siyang kumilos sa bahay.

Medyo masama ang ugali ng babae, mataray siya at lahat nalang ng bagay ay pinapansin, kahit na iyong hindi na dapat pa niyang pakialaman. Tanggap naman ng asawa na ganoon siya, kadalasan ay pinagsasabihan siya nito at tahimik lang naman ang babae pero sa loob loob niya ay naghihimagsik na siya. Kung hindi niya lang mahal ang lalaki, kinontra na niya ito.

Napakatahimik ng bahay sa tabi nina Marie, sabi ng iba, ang kapitbahay niya raw ay may anak na babaeng 8 taong gulang kaya nagtataka siya kung bakit walang batang naglalaro roon o nag iingay.Bihira niya lang din makitang lumabas ang kapitbahay, kapag nakakasalubong siya nito ay ngingiti lang ang babae na tila pagud na pagod palagi.

“Ano kayang trabaho niya? Bakit siya mukhang puyat lagi?” minsan at tanong ni Marie sa sarili.

Isang umaga, habang nagdidilig ng mga halaman sa bakuran niya si Marie ay lumabas ang kapitbahay niya, tuwang tuwa ito at halos magtatalon. Sa totoo lang, hindi ito magkandaugaga sa kung ano ang unang dapat gawin, sumigaw, tumalon, umiyak o tumawa. Kitang kita ni Marie iyon dahil mababa lang ang bakod niya.

“Tinawag niya ako! Sabi niya Mama! Tinawag niya ako!” sigaw ng kapitbahay.

Na-wirdohan naman si Marie sa ikinikilos nito, malamang na magsalita ang anak mo, 8 taong gulang na yan eh. sa isip isip niya.

Advertisement

“Miss tinawag niya ako!” sabi ng kapitbahay nang makita siya nitong nakatitig.

“Ano bang meron?” mataray na tanong niya rito. Tila binuhusan naman siya ng malamig na tubig sa susunod na sinabi nito.

“Comatose ang anak ko 3 buwan na, ngayon lang siya ulit nagising. Tinawag niya ako,” maluha luhang sabi ng babae.

Ano ang natutunan mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.