Sayaw Tayo, Mahal Ko

Hayskul pa lang ay magkaibigan na si Lotlot at si Benjie, bukod sa pagkakasama sa eskwela ay naging magkasama rin ang dalawa sa pagsasayaw. Ballroom ang kanilang piyesa na laging tinatanghal sa kanilang eskwela at noon pa man din ay alam na ng dalaga na mahal niya si Benjie.

“Anak, magtatapos ka na ng kolehiyo pero wala ka pa ring pinapakilala sa akin na nobyo mo,” wika ni Aling Maya, ang nanay ng dalaga.

“Ma, alam mo naman na kung sino ang gusto ko diba? Bata pa lang ako ay si Benjie na po ang laman ng puso ko,” sagot ng babae.

“Diyos ko anak! Bata ka pa noon, hanggang ngayon ba ay yun pa rin? Hindi ba nagbago sa tinagal tagal ng panahon?” tanong muli ng ale.

“Alam mo ma, feeling ko malapit na iyon magtapat sa akin. Lalo na ngayon na magtatapos na kami sa kolehiyo. Kaya manalig ka lang,” sagot ni Lotlot dito.

Hindi sumagot ang kaniyang ina at natawa na lamang sa sinabi ng dalaga. Sobrang lapit nga naman ng dalawa sa isa’t-isa, marami na ring nagsasabi na magkakatuluyan nga daw ito dahil sa kanilang pagsasayaw. Kadalasan nga daw sa mga mananayaw ay nagiging mag-asawa dahil mas nararamdaman nila ang isa’t-isa.

“Benjie, may sayaw tayo sa darating na piyesta sa bayan sa darating na lingo. Alam mo naman na iyon diba?” tanong ng dalaga sabay yakap sa lalaki.

“Oo, gusto mo ba mag-ensayo tayo ngayon ulit?” saad naman ni Benjie sa dalaga.

Advertisement

“Sus naman, naglambing na naman ang Benjie ko. Tara, sayaw tayo,” sagot ni Lotlot sa lalaki.

Mabilis silang tumayo at pinatutog ang kanilang piyesa sa cellphone ng lalaki at isinayaw nga ni Benjie ang dalaga sa gitna ng plaza.

Lumaki si Lotlot sa ganitong kalambing na trato sa kaniya na Benjie at hindi naman siya manhid upang hindi maramdaman na may patingin sa kanya ang lalaki.

“Benjie, may gusto ka bang sabihin sa akin?” tanong ni Lotlot nang matapos silang magsayaw.

Natawa ng bahagya ang lalaki saka niya tinignan ang dalaga.

“Saka na, sa graduation na!” baling naman ni Benjie sa kaniya.

Kinikilig ang kalamnan ni Lotlot sa ngiti sa kaniya ng binata. Naiisip na niyang magtatapat na ito sa darating na pagtatapos nila kaya naman kailangan niyang maghanda.

“Girls, ito na. Sigurado na talaga akong magtatapat sa akin si Benjie sa araw ng pagtatapos natin, dapat ba gumawa din tayo ng sorpresa?” maligayang tanong ng dalaga sa kaniyang mga kaibigan.

Advertisement

“Sigurado ka na ba talaga diyan, Lotlot? Baka naman nagpapantasya ka na naman ng kung ano-ano. Alam naming lahat na sumikat kayong dalawa sa pagsasayaw dito sa atin pero hindi kasi talaga naming nakikita na may gusto sayo si Benjie,” wika ni Wilma sabay ikot ng kaniyang mga mata sa dalaga.

“Ito talagang mga ito, mga kontrabida sa buhay ko. Hindi niyo nararamdaman iyon dahil hindi naman kayo ang kasayaw niya, hindi niyo nararamdaman ang koneksyon na nararamdaman naming!” baling naman ni Lotlot dito.

“Siya, kung ayaw niyo akong tulungan e di ako na lang ang magsosorpresa kay Benjie. Sisiguraduhin kong maiiyak kayo sa inggit dahil sa wakas, magkakatotoo na ang pangarap kong maging nobyo siya,” dagdag pa nito.

Nagtawanan lang rin ang lahat ng kaniyang mga kaibigan at sanay na siya sa reaksyong iyon. Kaya naman namili na lang ang dalaga ng regalo na mabibigay para sa kaniyang iniirog kapag nagtapat na ito. At naisipan niyang bigyan ng relos ang lalaki, upang sa araw daw na magiging magkasintahan sila ay iyon din ang simula nang oras na hindi na sila muling maghihiwalay pa.

Dumating na nga araw na pinakahihintay ni Lotlot, ang araw ng kanilang pagtatapos.

“Aba nga naman, napakaganda mo ngayong araw!” bati sa kanya ni Benjie.

“Ikaw naman Benjie ko, maganda naman talaga ako araw-araw,” saad naman ni Lotlot dito at nakanguso pa nga ang dalaga. Talagang nagpaganda ang babae para sa araw na ito.

“May sasabihin ka sa akin mamaya diba?” tanong ng dalaga.

Advertisement

“Ano yung sasabihin ko?” sabi naman ni Benjie.

“Yung sabi mo sa akin na sasabihin mo dati pa, sabi mo ngayon mo yun sasabihin diba,” sagot ni Lotlot dito.

“Ah, mamaya sasabihin ko iyon sayo. Ngayon ay magmartsa na muna tayo,” balik ni Benjie sa kanya at saka sila naghawak ng kamay.

“Ito na talaga iyon, Lotlot! Lord, salamat po dahil dininig mo ang mga dasal ko. Ang tagal kong hinintay itong araw na ito kaya naman hinding hindi ko po makakalimutan ito,” isip-isip ng dalaga habang tinitignan ang kamay nila na magkahawak.

Natapos na nga ang dalawa, nakapagpakuha na rin ito ng mga litrato sa mga guro at ilang kaklase.

“Ma, hahatakin ko si Benjie doon. Tapos kapag sumigaw sigaw ako ay kuhanan mo ng litrato ha, magtatapat na siya sa akin,” bulong ng dalaga sa kanyang ina.

“Paano mo naman nalaman iyan anak?” tanong ni Aling Maya.

“Basta, alam ko na yun mama at sigurado ako. Kaya suportahan mo na lang ako, please,” sabi ni Lotlot at saka hinila si Benjie sa isang sulok.

Advertisement

“Benjie, ito na ang tamang oras para sabihin mo yung dapat mong sabihin,” wika ni Lotlot sa binata.

“Mukhang sabik na sabik ka ng malaman, pero sige. Sasabihin ko na sayo, aalis na ako ng bansa Lotlot. Kukuhanin ako ng tiya ko para magtrabaho sa ibang bansa, mamimiss kita,” pahayag ni Benjie at saka niyakap ng mahigpit ang babae.

“Ha? Anong aalis? Ano iyang sinasabi mo?” tanong ni Lotlot sa binata.

“Bakit parang galit ka? Ano bang inaasahan mong sasabihin ko sayo?” tanong ni Benjie.

“Ah, wala. Nagulat lang ako na aalis ka na, e di wala na akong makakapareha para sa pagsasayaw. Kelan nga pala ang lipad mo?” malungkot na tanong niya dito.

“Bukas na, hayaan mo sa pagbabalik ko. Sasayaw tayo ulit,” sagot naman ni Benjie.

At yun na nga ang naging huling pagkikita ng dalawa, hindi na sinabi pa ni Lotlot ang kaniyang damdamin dahil nang malaman niya na aalis ito ay napunit ang kaniyang puso. Naramdaman bigla ng babae na hindi sila parehas ng nararamdaman.

Lumipas ang limang taong pagtratrabaho ay umuwi muli ang lalaki sa bansa.

Advertisement

“Pwede ko bang maisayaw ang Lotlot ko?” tanong ni Benjie sa dalaga.

“Ay naku, nandito ka na pala. May paganyan-ganyan ka pa, mamaya niyan ay umasa na naman ako sayo. Tigilan mo na nga!” baling agad ni Lotlot sa kaniya.

“Sana hindi pa ako huli, sana tanggapin mo pa. Pero Lotlot, matagal na kitang mahal,” pahayag ni Benjie at biglang napatigil ang babae.

“Ha? Ano iyang sinasabi mo, kakabalik mo pa lang tapos ganyan ka na agad. Pauso ka rin talaga e ano,” saad naman ni Lotlot.

“Dati na kitang gusto pero hindi ako nagtapat sayo dahil alam ko nung mg panahong iyon ay asang-asa ka na magiging tayo. Pero dahil alam kong ayaw mo ng mga long distance relationship ay hindi ko na muna itinuloy ang pagtatapat sayo, mas gusto kong humarap sayo ngayon na may ganito. Yung kaya kang buhayin,” paliwanag ni Benjie.

“Totoo?!” sagot ni Lotlot dito.

“Totoo, mahal kita,” sagot ni Benjie sa kaniya.

Mabilis na tumalon ang dalaga at niyakap niy ang lalaki. Sinong mag-aakalang magiging sila pagkatapos ng lahat. Ngayon ay naniniwala na siya sa konsepto ng tamang pag-ibig sa tamang panahon.

Advertisement

“Im