Umibig ang Binatang Tiga-Hatid ng Tubig sa Misteryosong Babae na Bagong Lipat sa Kanilang Lugar; Nagulat Siya nang Malaman ang Lihim Nito

Umibig ang Binatang Tiga-Hatid ng Tubig sa Misteryosong Babae na Bagong Lipat sa Kanilang Lugar; Nagulat Siya nang Malaman ang Lihim Nito

HeartbreakingMysteryStories

Isang misteryosong dalaga ang bagong lipat sa barrio nila Lando. Walang nakakapansin sa tuwing siya ay lumalabas ng bahay at kung magpapahatid naman siya ng galon ng tubig ay nakasabit na sa labas ng kaniyang pintuan ang pambayad at ipinapaiwan niya na lang din ‘to sa labas. Nang dahil dito ay naging usap-usapan ang itsura niya. Ang kumakalat sa kanilang lugar ay hindi kanais-nais ang itsura niya kaya sa madaling araw o sa gabi lamang siya lumalabas.

Isang araw noong naghatid ng galon ng tubig si Lando sa bahay ng dalaga ay napansin niya ang kakaibang usok mula sa loob ng bahay. Sa kaniyang hinila na nasusunog ang bahay ay agad siyang naghanap ng daan papasok sa loob upang apulahin ito. Nakapasok siya sa pintuan sa likod at agad na inapula ang apoy. 

“Naku! Naiwan ko pala ‘yung niluluto ko,” wika ng dalaga habang bumababa ng hagdan.

Pagkalingon ni Lando ay nasilayan niya ang kagandahan ng dalaga kaya agad siyang nagkagusto rito.

“Buti na lang at napansin ko mula sa labas. Pasensiya ka na rin kung basta na lang ako pumasok. Ako nga pala si Lando,” pakilala ng binata.

“Ako naman si Dianne. Ayos lang ‘yun. Kung hindi dahil sa’yo nasunog na ‘tong bahay kasama ‘ko,” sagot ng dalaga.

Mula noon ay sinuyo na ni Lando si Dianne. Sa tuwing maghahatid siya ng tubig doon ay hinaharap na siya ng dalaga. Sinasabay na rin niya sa paghahatid ng tubig ang pagdadala ng merienda at mga bulaklak para rito.

Isang gabi ay dumaan si Lando sa bahay ni Dianne upang iabot ang niluto niyang ulam at munting regalo para sa dalaga matapos mabili ang mga gamot ng kaniyang ama. 

Pagdating niya ay nakita niyang naghuhukay ang dalaga sa likod-bahay. Sa kaniyang pagtataka ay tinanong niya ang ginagawa ng dalaga.

“Bigla ko kasing naisipang magtanim ng mga gulay para makabawas sa mga gastusin,” sagot ni Dianne.

“Maganda ‘yang naisip mo. Gusto mo tulungan na kita?” alok ni Lando.

“Naku! ‘Wag na. Ako ng bahala diyan. Ano ba yang dala-dala mo?” tanong ni Dianne. 

Nang malaman ng dalaga ang dala ni Lando na lutong ulam ay inaya niya ang binata sa loob ng bahay.

“Tara na at pagsaluhan natin ‘to. Pasensiya ka na sa amoy ah. Hindi ko pa kasi nahahanap ‘yung nam*tay na daga nung isang araw,” ang sabi ni Dianne.

Balewala naman ito kay Lando dahil labis ang kasiyahan niya na makasalo ang babaeng hinahangaan niya. 

Matapos nilang pagsaluhan ang dalang pagkain ni Lando at magkuwentuhan ay nagpaalamanan na ang dalawa.

Pagkaalis ni Lando ay agad na itinuloy ni Dianne ang kaniyang hinuhukay. Pagkauwi naman ni Lando ay dun niya lang napansin na naiwan niya ang kaniyang pinamiling mga gamot para sa ama kaya naman bumalik siya sa bahay ng dalaga. 

Pagkarating niya doon ay mas tumapang ang amoy ng p*tay na daga. Napansin niya rin na nasa likod-bahay na naman ang dalaga kaya dumiretso na siya doon.

Laking gulat ni Lando nang makita si Dianne na may malaking sako na hinahatak patungo sa hukay. Sa paghahatak ng dalaga ay may kamay na lumabas sa sako dahilan upang biglang kabahan si Lando.

Pagpasok ni Dianne sa loob ng bahay ay dahan-dahang nilapitan ni Lando ang sako upang kumpirmahin. Bigla siyang napalayo sa sako nang makita ang katawan ng tao sa loob nito na puno ng dugo at wala nang buhay!

Nasaksihan ito ni Dianne kaya agad siyang kinuwestiyon nito: “Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Ano ‘to? Ano ‘yan? Anong ginawa mo?!” nagugulahang mga tanong ni Lando nang makitang may isa pang sako na hinahatak si Dianne.

Hindi nakasagot si Dianne.

[email protected] tao ka!” sigaw ni Lando habang akmang aalis.

Patakbo na si Lando upang tumakas at magsumbong sa mga pulis ngunit mabilis na kumilos si Dianne. Agad niyang hinampas ng pala sa ulo si Lando at nawalan ng malay.

Pagkamulat ng mga mata ni Lando ay nakatali na siya sa isang madilim na kuwarto. Naghihihiyaw siya upang humingi ng tulong ngunit ang dalaga lamang ang pumasok dito.

“Pakawalan mo ako rito!” hiyaw ni Lando.

“Hindi ka na dapat bumalik pa. Nakita mo pa tuloy ang lahat,” ang sabi ni Dianne.

“Kaya ano? Tatapusin mo rin ako kagaya nila? Paano mo naaatim na pum*tay ng tao?!” pangunguwestiyon ni Lando.

“Kinailangan ko lang ipagtanggol ang anak ko!” pasigaw na sagot ng babae.

Ikinuwento ni Dianne kay Lando ang masalimuot na naging buhay nila ng anak niya sa piling ng kaniyang asawa. Sa kaniyang salaysay ay parati siyang sinasaktan ng asawa nito ngunit nang abutan niyang sinasaktan na nito ang kanilang anak na walang kalaban-laban at halos wala nang buhay nang nadatnan niya. Nagdilim ang kaniyang paningin at hindi niya sinasadyang matuldukan ang buhay nito. Nagulat na lang siya nang makitang nakaratay na sa sahig ang kaniyang asawa at puno ng dugo ang patalim na hawak niya. Pagtingin naman niya sa kaniyang anak ay wala na itong buhay.

“Hindi ko ginusto ang mga nangyari kaya naman kailangan ko ring pagbayaran ang nagawa ko. Magsasama-sama na sana kami nung sinadya kong magkasunog sa may kusina kaso ay nakialam ka pa. Bakit ba kasi lagi kang nakikialam? Nung nakita mong nasusunog ang bahay, dapat hinayaan mo na lang kaming masunog lahat nun. Tapos ngayong gabi na naman? Parati mo na lang hinahadlangan ‘yung mga plano ko!” galit na pagkakasabi ni Dianne.

“Kaya ngayon, pasensya ka na kung kailangan na kitang isama para hindi mo na kami mahadlangan pa,” ani Dianne bago magbuhos ng gasolina sa silid na para bang nawala na sa kaniyang sarili. 

Habang binubuhusan ni Dianne ng gasolina ang ibang parte ng bahay ay pinipilit naman ni Lando na makakawala sa kaniyang pagkakatali. Nagsimula na ng apoy si Dianne nang makakalas siya sa tali at tuluyang nakatakas sa nasusunog na bahay. 

Agad na humingi ng tulong at nagsumbong sa mga awtoridad si Lando. 

Pagkadating nila doon ay nilalamon na ng malaking apoy ang bahay kaya nagtulong-tulong ang mga taga-roon upang apulahin ito. Nagawa man nilang apulahin ang apoy ay hindi na nila nailigtas pa si Dianne. Natagpuan na lamang ang kaniyang sunog na katawan sa higaan habang nahukay at natagpuan naman ang katawan ng mag-ama niya sa likod-bahay.

Si Lando naman ay malaki pa rin ang pagkagulat. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari. Hindi niya akalaing ang babaeng may maamong mukha na nagustuhan niya ay mayroon palang masalimuot at madilim na nakaraan. 

Kahit na ganoon ang mga nangyari ay pinilit ni Lando na magpakatatag. Hindi lang para sa kaniyang amang may sakit kung hindi ay para na rin sa kaniyang sarili. Gabi-gabi’y pinagdarasal niya pa rin ang kapayapaan ng kaluluwa ng namayapang pamilya.

More Stories