Isinakripisyo ng OFW na Malayo sa Anak Mabigyan Lamang Ito ng Magandang Buhay, Ito Pa Pala ang Igaganti Nito

Si Belinda ay isang OFW na sampung taong nagtatrabaho sa bansang Arabyano. Nang ipanganak niya ang kanyang nag-iisang anak na si Bella ay sa nakababata niyang kapatid na si Carla ito iniwan at pinagkatiwalaang alagaan.

Ang buong akala ni Belinda ay magiging ayos ang lahat kapag nagtrabaho siya sa ibang bansa at iwanan ang kanyang anak sa piling ng kanyang kapatid. Ngunit nabatid niyang mali ang kanyang inaakala nang umuwi siya sa Pilipinas makalipas ang ilang taong paninilbihan sa abroad.

Malaki at dalaga na ang kanyang anak nang umuwi siya. Nagulat siya sa biglang pagbabago ng itsura nito. Proud siya dahil lumaking maganda at matalino ang kanyang anak. Ngunit hindi niya inasahan na kasama pala sa pagbabago nito ang pakikitungo ng anak sa kanya.

“Anak, ito oh marami akong pasalubong para sayo. Binili ko talaga ang mga damit na ito para sayo,” aniya dito sabay bigay ng mga damit sa anak.

Walang reaksyon ang mukha nito, “Hindi kasya sa akin ‘to, ibigay mo nalang sa iba. Tsaka di ko tipo ang mga style na ganyan, nakakalosyang.”

Nalungkot siya sa sinabi nito, “Pasensya ka na, anak. Hindi ko kasi alam ang sukat at tipo mong mga damit. Hindi ka naman nasagot sa mga tawag ko.”

Sumimangot ito, “Sana po tinanong niyo nalang kay tita. Alam niya po lahat tungkol sa akin.”

Naging ganoon palagi ang senaryo nilang mag-ina. Sa tuwing nag-ooffer siya ng mga bagay na para sa anak ay palagi itong tumatanggi at walang imik. Ngunit pagdating sa tiyahin nito ay palagi itong nakangiti at madaldal. Kaya naman kapag may gusto siyang bilhin para sa anak ay sa kapatid niya nalang ipinapaabot.

Advertisement

“Carla, mukhang maganda ito para sa anak ko. Anong sa tingin mo?” tanong niya minsan sa kapatid habang nagsha-shopping sila sa mall.

Ngunit nabasa niyang tila hindi iyon inaaprubahan ng kapatid, “Ate, hindi magugustuhan ng anak mo ‘yan. Mas gusto nya yung babaeng-babae siya. Yung mga bestida at blouse na makulay.”

Napatango siya, “Ah ganoon ba?”

Muli na namang nalungkot si Belinda, “Ano bang klaseng ina ako? Mismong style ng anak ko, hindi ko alam.”

Malungkot na ngumiti si Carla at niyakap siya, “Huwag mong isipin ‘yan ate. Dakilang ina ka nga kung tutuusin dahil ikaw ang tumataguyod sa kanya, pati na rin sa amin.”

Pag-uwi nila ay kinausap niya ang anak at tinanong ito kung anong problema. Ngumiti ito at umiling, “Wala po, Ma.”

“Bakit parang ang layo ng loob mo sa akin, anak?”

Hindi nagbago ang ekspresyon nito na tila inaasahan na ang katanungan niya, “Sorry po, Ma. Sa pagdaan kasi ng panahon, parang naramdaman ko na wala po akong magulang. Noon naiinggit ako sa mga kaklase ko dahil lahat sila may nanay na nakaalalay sa kanila.”

Advertisement

Nagulat siya sa sinabi ng anak. Hindi niya inasahan na ganito na pala ang nararanasan nito. Pero nabigla siya nang hawakan nito ang kanyang kamay, “Pero Ma, huwag ka pong mag-alala kasi nandyan naman po parati si Tita para sa akin. Pinaramdam niyang hindi ako nag-iisa.”

Noong gabing iyon ay umiyak si Belinda nang nag-iisa sa kanyang kwarto. Sa mga sinabi ng kanyang anak ay tila nawalan siya ng papel dito bilang ina. Kaya naman noong gabing din iyon ay tinawagan niya ang kanyang amo at nagsabing hindi na siya makakabalik pa. Siguro ay magtatayo na lamang siya ng sari-sari store sa harap ng kanilang bahay. Tamang-tama na man na katapat lamang ng palengke ang kanilang tinitirhan. 

Sinabi niya rin iyon sa pamilya kinabukasan. Niyakap niya ang kanyang nag-iisang anak, “Sana hindi pa huli ang lahat para sa atin, anak ko. Pangako babawi si Mama sayo.”

Hindi man sumagot ang anak niya sa sinabi niya ay sapat na sa kanya ang pagganti nito ng yakap sa kanya. Hindi na bale, babawi siya dito. Babawiin niya ang mahabang taon na nawala sa kanilang mag-ina. Ipaparamdam niya dito ang pagmamahal na matagal na niyang hindi napaparamdam dito. 

Makalipas ang limang taon ay nakapagapos sa kolehiya ang kanyang anak. Nagtapos ito na may pinakamataas na grado sa kanyang batch kung kaya nakatakda itong magbigay ng talumpati sa graduation ceremony. 

Ihinanda ni Belinda ang sarili. Isinuot niya ang pinakamaganda niyang damit. Hindi maaaring mapahiya ang kanyang anak sa mga kaklase nito. Dapat ay maganda at mukhang may pinag-aralan din ang mama niya. 

Nang sandaling nagbibigay na ng talumpati ang kanyang anak, hindi naiwasan ni Belinda ang mapaiyak sa kanyang kinauupuan. Napakasarap sa tenga ang katagang binanggit ng anak. 



“At para sa mga magulang na handang isakripisyo ang sarili nilang kaligayahan at mga pangarap upang maigapang ang ating pag-aaral, maraming salamat po. Lalong-lalo na po sa mga magulang na OFW na pinipiling malayo sa piling ng mga mahal nila mabigyan lamang ang mga ito ng magandang buhay. Sa aking Mama, maraming salamat po sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal. Ilang taon kong hindi kayo nakasama, nagdamdam ako at nalayo ang kalooban sa inyo ng hindi naiisip ang hirap na dinanas niyo sa ibang bansa habang malayo sa amin na mahal mo. Sorry mama. Sorry po.”

Advertisement

Gumagaralgal ang boses na tinapos ng anak ang kanyang talumpati sa paghingi ng tawad at pagpapasalamat sa kanya. Nagsitayuan ang lahat at nabalot ang buong auditorium ng masigabong palakpakan. 

Sa wakas, kampante na ang loob ni Belinda na napatawad na siya ng kanyang anak. Ipinangako niya na patuloy itong susuportahan sa kung anumang gusto nitong marating.