Sumikat ang Babae Dahil sa mga Tsimis na Kumalat Laban sa Kaniya; Isang Iskandalo ang Inilantad Niya Para Malinis ang Pangalan Niya

Sikat na artista si Chloe. Ang kasikatan niya ang bunga ng maraming iskandalong kaniyang kinasangkutan. Mga iskandalong puno ng kasinungalingan. Pinakalat para dungisan ang kaniyang pangalan.

“Ayon sa isang reliable source ay nakipaghiwalay kay Chloe ang businessman boyfriend niya dahil di umanong nakita niya itong pumasok sa isang high-class na hotel kasama ang isang mayamang DOM. Bali-balitang ito daw ang part-time job ng nasabing artista tuwing wala siyang shino-shooting na palabas.” Basa ni Agnes, ang manager ni Chloe, sa magasin kung saan nalathala ang iskandalo niya.

Si Agnes ang namamahala ng mga schedule ni Chloe. Siya rin ang nakikipagnegosasyon sa mga kontrata nito. Tuwing may tsismis na kumakalat tungkol kay Chloe ay siya ang unang hinahanap ng media ngunit hindi ito gumagawa ng paraan para pabulaanan ang mga ito.

“Sasabunin na naman ako ng ahensya dahil sa iskandalo mo! Magtino ka nga! Sikat ka nga mabaho naman ang pangalan mo!” Galit na galit si Agnes matapos basahin ang magasin.

Maliban kay Agnes ay nauubos na rin ang pasensya ng entertainment agency na may hawak kay Chloe. Ilang beses na siyang binalaan ng presidente na nasisira ang reputasyon ng ahensya dahil sa kaniya. Pati ang ibang mga artista na bahagi ng ahensya ay naaapektuhan. Kung hindi nga lang siya ang may pinakamalaking perang pinapasok sa ahensya dahil sa marami ang gusto isama siya sa kanilang mga palabas ay malamang matagal na nila siyang binitawan.

“Kaya pala ako napagkamalang pokpok ng direktor kanina akala niya kasi bahay-kantutan ang ahensya natin. Buti na lang at kaibigan ng producer yung presidente natin at napaliwanagan siya kung hindi baka na-rape na ko.” Iyan ang ilan sa mga pagpaparinig ng ibang artista kay Chloe. Kung tutuusin ay malaking ang utang na loob nila sa kaniya dahil isa siya sa nag-train sa kanila para matuto silang umarte. Pero ni isa ay walang panahon para pakinggan ang kaniyang panig.

Walang ibang maaasahan si Chloe kung hindi ang kaniyang sarili. Ang ahensya at manager ay puro paninisi ang ibinibigay sa kaniya. Ni hindi man lang siya tulungan ng mga ito para linisin ang kaniyang pangalan. Wala din siyang kaibigan sa ahensya dahil madumi ang tingin nila sa kaniya. Ultimo nobyo niya ng tatlong taon ay mas pinaniwalaan ang mga tsismis kaysa sa kaniya. Para matukoy kung sino ang salarin sa pagpapakalat ng mga malisyosong kwento laban sa kaniya ay umupa si Chloe ng isang imbestigador.

Ngayon ang anibersaryo ng ahensya ni Chloe at isang malaking regalo ang inihanda niya para sa lahat. Isang tauhan ng event ang kinuntsaba niya para magpalabas ng isang magandang video na magtutuldok sa mga paninira sa kaniyang pagkatao at pangalan.

Advertisement

Habang kumakain ang lahat ay isang video ang pinalabas sa malaking screen. Nagulantang ang lahat sa kanilang napapanood. Ang taong nasa screen ay si Agnes at kasama niya ang may-ari ng isang kilalang magasin sa bansa. Ang dalawa ay nasa isang hotel at parehong walang saplot sa katawan.

“Ito ang mga litrato ni Agnes nung nagbakasyon siya sa Batangas nung isang linggo. May kuha siya diyan kasama ang isang matandang lalaki. Nagtanong lang yung matanda ng direksyon. Pero yung kuha pwede mong magamit bilang pruweba na may kasama siyang DOM. Di naman kita yung mukha nung matanda kaya hindi tayo magkakaproblema.” Kinuha ng lalaki ang mga litrato mula kay Agnes. “Kung may baho ang presidente ng ahensya niyo ipaalam mo agad sa akin. Mas tiba-tiba ang kikitain natin pag tayo ang unang nagpakalat niyan sa media.” Pahabol ng lalaki bago ito lumabas ng kwarto.

Natanggal sa trabaho si Agnes. Nasira ang kaniyang pangalan at reputasyon. Hindi rin nakatakas ang lalaking kasama niya. Hindi na tinangkilik ng mga tao ang kaniyang pahayagan. Habang palugmok sila nang palugmok sa kahihiyan ay parami ng parami ang nagkakainteres sa kumakalat nilang video. Ipinadama sa kanila ni Chloe kung ano ang pakiramdam na masangkot sa isang iskandalo.

“Pasensya na, ma’am, pero desidido na ko. Babayaran ko ang halaga na dapat kung bayaran sa pagkansela ng kontrata ko sa ahensya. Imbes na tulungan niyo ko ay iniwanan niyo ko sa ere. Isa pa, wala namang may gusto sa akin dito kaya walang dahilan para magtagal pa ko dito.”

Matapos malinis ang kaniyang pangalan ay lumipat ng ahensya si Chloe. Sa bago niyang ahensya ay nakatagpo siya ng mga taong handa siyang tulungan at ipagtanggol laban sa mga taong gusto sumira sa kaniya. Nagtuluy-tuloy ang kaniyang pagsikat at hindi na siya nasangkot sa kahit na anong iskandalo. Habang ang ahensyang kaniyang pinanggalingan ay napilitang magsara dahil wala nang pumapasok na pera sa ahensya.